1: Unclear

44 0 0
                                    

Ako si Kate Sandoval inlove ako sa bestfriend kong si Ace Ortega.

YEAR 2013
Graduation Day

"Kate!" (Literal na Kate! As in tagalog!) Tawag sakin ng lalaking naka puti ng t'shirt may print ng kulay itim na pirma niya mismo at naka maong jeans at sapatos na rubber.
Hawak ang bote ng mineral sa  mismong waiting area ng school namin.

Naka ngiti akong lumapit sa kanya dala ang envelop na kulay brown.
Laman nito ang mga papers na nagpapatunay na gagraduate na ko mamayang gabi.

Ginulo niya agad ang bobcut na buhok ko. "Tagal mo naman! Ang init dito eh!"reklamo niya.

Nag tsk! Lang ako. "Eto naman reklamador! Wala pa nga yan sa tagal ng paghihintay ko sayong gago ka! Nag reklamo ba ko? Hindi naman diba!" Pamimilosopo ko sa kanya.

I know he knows what I mean.

Gusto ko siya! Gustong gusto! Alam naman niya yun! Pero sabi niya hindi pa siya handa sa mga seryosong relasyon. Hindi ko siya pinipilit. Kahit kalahati ng buong buhay ko eh naka plano na talaga kasama siya.

So what! This is my life! This is what I want! I'll take the risk no matter what!

"Baliw!" Anito sabay upo sa beanch na nandodoon. Inabot niya saakin ang bote ng mineral water na hawak niya.

Alam kong naiinis siya kapag sinasabi ko yon sa kanya. Ayaw niya kasing pinag uusapan yon.

"Ano! Makikita naba kita mamayang gabi na naka suot ng itim na toga?" Pag iiba ko sa usapan.

Nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. Nag tsk! Din siya. "Tang ina yung assistant ng registrar! Ayaw pa ipasa yung mga grades ko! Balikan ko daw next semester! Tae! Anim na subject Kate! Anong gagawin ko sa animal na mga subject na yun! Di pa niya palitan ng tres para matuwa ako sa kanya! Sayang lang yung pagod kong mag salita kapag kino call ako ng animal na yun sa gabi!" Suhesiyon niya!

Natawa ako sa sinabi niya. Pang limang taon na kasi niya to sa college! Ahead siya sakin ng 2 years pero mauunahan ko pa siyang grumaduate.

Naalala ko pa nung unang taon ko dito sa college. Padrop out na siya non pero naging mag kaibigan kami. Classmate kami sa tatlong subject. Kaya tinulungan ko siya sa mga subject na yun para di siya tuluyang ma drop out. Kaya kami naging mag kaibigan. Mula non ako na naging savior niya.

Napa buntong hininga ako pagkatapos kong inumin ang tubig sa bote.

"Sabi ko naman kasi sayo! Pasukan mo yang anim na yan! Hindi yung umaasa kay Ms. Allejo! Feeling ka kasi!" Pagalit ko rito.

Napa sandal siya sa sandalan ng beanch. Lumingon siya sakin bago nag salita! "Kate! Anong gagawin ko sa loob ng classroom! Wala ka don! Mamaya tanungin nila ko ng kung ano ano! Wala akong maisasagot! Baka matulog lang ako sa mga subject na yan! Oy! Saka pakipot lang yang Ms. Allejo na yan! Bibigay din yan! Summer class! Liligawan ko yan! Tingnan ko lang kung di niya ko ipasa!"

Nanikip ang dibdib ko. May kung anong kurot na naman ang naramdaman ng puso ko.
Nag seselos ako kapg may niliigawan siyang iba. Kahit alam ko naman na hindi siya seryoso sa mga yon.

"Kate!" Yugyog niya sa balikat ko. Naibalik tuloy ako sa wisyo.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sino kasama mo mamaya sa graduation?" Tanong niya.

Napa ngiti ako. Dadating pala si Tita mamaya. "Si Tita Bien!" Naka ngiti kong sabi.

Si Tita na kasi ang tumayong nanay ko mula nung mawala si Mama. Nagka cancer kasi si Mama nung 7 years old pa lang ako kaya nawala siya ng maaga. Si Papa naman may pamilya ng iba.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon