15: sugalera

7 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa init na tumatama sa aking balat mula sa binta.

"Umh!" Pag iinat ko.
Bago ko pa maibukas ang mata ko ay naramdaman kong may yumakap na braso sa may tsan ko.

Lihim akong napa ngiti. Hindi ako nanaginip. Totoo ang nangyari kagabi. Muli akong ngumiti. Muli ko ngang ibinigay sa lalaking kaisa isa kong mahal ang aking sarili.

Niyakap ko din ang kamay niyang naka yakap sa akin. "Umh" inat din niya ng bahagya siyang magising. Pero nagpatuloy lang sa pag tulog at mas humigpit pa ang kaniyang yakap.

"Kate!!." Tawag ni Emy sa likod ng pintuan.

Naku!! Patay! Kinabahan ako bigla.

Ilang saglit lang at biglang bumukas ang pinto. "Ka----" hindi na natapos ang gustong sabihin ni Emy ng makita niya ang hitsura namin.

Sinenyasan ko siyang huwag siyang maingay.

Kahit nag tataka ay isinara ni Emy ang pinto.
Dahan dahan naman akong umalis sa pagkaka higa sa tabi ni Ace. Sinikap kong mag bihis ng dahan dahan upang di magising si Ace.

Nangmakapag bihis na ako marahan akong humarap sa ngayon ay natutulog na si Ace. Hinaplos ko ang mukha nito.
"Akala ko, hindi na ko ulit magigising na katabi kita" mahinang sabi ko.

Nag pasiya akong lumabas upang ipag luto siya ng pagkain.

Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Emy na naka sandal sa pader na kagatkagat ang kuko ng daliri nito.
Napatingen agad siya saakin ng makita ang paglabas ko sa pintuan kung saan niya kami nakita ni Ace na magkatabi.

Binaliwala ko siya at nag diretso sa kusina. Kagaya ng unang plano ko, ipagluluto ko si Ace ng agahan.
"Hoy! Hoiiii! Teka nga!" Awat niya saakin sa paglalakad. Sumunod talaga ang bruha. Sabi ko na nga at hindi makaka tiis ang isang to.

"Umh?" Maang ko sa kaniya at nag diretso sa paglalakad. Sumunod naman siya sa akin habang nag sasalita.

Inayos ko ang mga lulutuin ko. Nakarinig ako ng malalim na buntong hininga mula kay Emy. "So may balak ka bang ikwento saakin kung anong nakita ko ha! KATTEEE!!"

Umiling naman ako bilang pang-aasar sa kaniya. "Seryoso ka KATE? wala ka talagang balak sabihin saakin kung ano ibig sabihin nung nakita ko?" Nalalaki ang butas ng mga ilong niya sa galit.

Tumawa ako ng mahina. "Ano ba kasing nakita mo?" Tanong ko.

Napahawak siya sa kaniyang noo at sumandal sa  sink. "Bat nandito yang lalaki na yan?" Pag-uusisa niya.

Binasag ko ang isang itlog saka pinirito ito sa pan. "Nakitulog lang." Walang keme kong sagot.

Napapilantik si Emy. Sigurado akong hindi ito kumbinsido sa mga pinag sasabi ko. "Nakitulog? Naka hubad kayong dalawa Kate!! Nakitulog lang?"

"Mainit eh!" Muli kong pang aasar. Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang aminin sa kaniya kung ano ang totoong nagyari kahit alam ko namang halatang halata na.

"Ano to nag lalaro ba tayo dito ng tanga tangahan Kate?! Huh!" Hinapas niya ako sa braso.

Nagulat ako sa ginawa niya. "Aray! Eh ikaw kasi. Alam mo naman kung anong nangyari bat tinatanong mo pa?" Giit ko rito. Nakaka inis kailangan manakit?

"Ay naku Kate! Nalintikan ka na talaga! Bakit ngayon mo yan ginagawa? May Girlfriend si Ace! May boyfriend ka din! Asan ang utak mo? Akala ko ba matalino ka? Mukang nahulog na ata ang utak mo diyan sa p*pet mo! Hindi mo na alam kung paano paganahin eh! Buka ka na lang ng buka!" Pagalit nito saakin.

Hinarap ko siya dahil medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Medyo lang. Di masyado. "Ewan ko din Emy! Kahit sarili ko di ko na din maintindihan. Basta ang gusto ko lang, manatili si Ace sa buhay ko! Hindi ko kayang mawala siya Emy! Hindi ko kaya!" Pag amin ko.

Muli ay sinapo ni Emy ang kaniyang ulo. "Paano si Alex? Kawawa naman yung tao! Sana hindi mo na lang siya sinagot kung alam mo naman sa sarili mong hindi mo pala kayang kalimutan at iwan yang si Ace!" Pagalit niya.

"Anong balak mong gawin kay Alex? Hihiwalayan mo siya para sa lalaking iniwan ka para sa iba?" Dadag pa niyang tanong.

Nag patuloy ako sa pag luluto at hindi na nag salita. Dahil ako mismo, hindi ko na din alam kung saan ko hahanapin ang mga sagot sa tanong nsaakin ni Emy.

"Kate, just a piece of advice bilang isang kaibigan ayokong nakikita kang nasasaktan. Kaya bago pa ulit mangyaring tatawag ka sakin ng madaling araw na umiiyak ka at nag papasundo ka dahil sinaktan ka ng gagong yan! Itigil mo na to Kate! Wag mong saktan yong kaisa isang taong nag bibigay ng importansiya sayo. Wag mong sayangin yung kaisa isang taong nagbibigay ng respeto sayo!" Litaniya niya.

Muli ay hinarap ko siya. "Ayokong saktan  si Alex, Emy. Pero mahal ko si Ace. At susugal ako. Ayokong dumating yung araw na pagsisisihan kong hindi ako lumaban para saaming dalawa. Kahit ito lang magawa ko para masabi ko sa sarili kong tama na! Kung hindi talaga mag wowork. Atleas ginawa ko lahat." Eksplana ko.

Napailing si Emy. "Sa tingen ko may tama ka na sa utak Kate. Itigil mo na yan! Sa tingen mo ba hindi mo pa nagawa lahat?.....

.... O sige! Pag bibigyan kita! Huling beses mo nang taya to ha! Pag natalo ka sa sugal na to, ititigil mo na lahat ng kahibangan mo. Sa ayaw at sa gusto mo!" Pagalit niya saakin. Di ako sumagot pero tumango ako.

Lumabas si Emy sa kusina ng walang sabi sabi.

"Ayyyy!! Kuting na malandiii!" Sigaw niya kaya agad akong napa labas ng kusina.

Si Ace pala, gising na.
"Sorry nagulat kita. Di ko sinasadya." Pag hingi ng tawad ni Ace kay Emy. Tumango lang naman si Emy. Tumingin ito saakin sabay nag diretso sa salas upang doon kumain ng agahan.

Nginitian ko si Ace na ngayon ay nasa harap ko na. "Kain ka na. Pinag luto kita." Hinain ko sa mesa ang lahat ng niluto ko.

"Ah Kate, mauuna na ko. Susunduin ko kasi si Bianca sa airport ngayon eh. Medyo late na nga ako. Sorry kailangan ko nang umalis. But thank you! Thank you sa breakfast. Im really sorry, I have to go." Sabay halik nito sa noo ko.

Natulala ako. Walang boses na lumalabas sa bibig ko. Kahit gustong gusto ko ng sumigaw at sabihin sa kaniyang wag siyang aalis ay hindi ko magawa.

Tumango tango lang ako bilang pag sangayon. Naglakad siya palabas ng pinto hinatid ko siya at sumunod sa kaniya. Hindi na ako lumabas dahil naka short lang ako. Nag paalam din siya kay Emy.

Nang mawala na ang imahe niya sa paningin ko ay agad na sumara ang mga mata ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Hindi ko malaman kung ano bang nangyayari sa katawan ko. Gusto kong lumuha pero wala ni kahit isang patak ang gustong tumulo mula rito.

"Ano? Susugal ka pa ba? Parating na ang totoong reyna. Matatalo ka na!" Pang uuyam ni Emy sa likuran ko.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon