29: Small Talk

8 0 0
                                    

ACE's POV

Hindi ko akalaing sasama siya sa akin. Ang akala ko ipag tatabuyan niya ako, sasampalin, pag sasalitaan ng masasakit na salita.
Pero nagkamali ako.
Kusa siyang sumama sa akin, wala akong narinig na kahit na anong salita sa kaniya.

Nag tungo kami sa isang coffee shop sa di kalayuan.

"Two strawberry dark choco capuccino with frap." Ani ko sa waiter na lumapit sa amin.

Agad na umarko ang kilay niya. Siguroy dahil doon sa inorder ko. Favorite kasi namin yung strawberry dark choco.

"Bakit? Mali ba ang inorder ko? Hindi na ba iyon ang favorite mo?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya, "Well everything has changed Ace. Including my favorites." Mahina ang boses niyang nag salita. Hindi rin siya maka tingin saakin ng diretso. Pakiramdam ko tuloy ibang tao ang kaharap ko.

Umubo ako ng mahina." I understand, would you like to change your order? I'll call the waiter right away." Sumenyas ako sa waiter na pumunta siya dito.

"No its okay. Umiinom pa din naman ako non, hindi na nga lang iyon ang favorite ko." Mag eeksplena niya.

"Ah" yan lang ang nasabi ko.

"Eh yung chocolate na twix? Alam kong favorite mo p din yon." Natatawa kong sabi. Alam ko kasing super favorite niya iyon at hindi niya ipagpapalit ang chocolate na yon.

Umiling iling siya. At yumuko. Hindi niya din pala favorite yon. "So ano ng chocolate ang gusto mo ngayon?" Payak na tanong ko.

"Why Do you need to know?" Halata ang iritasyon sa mukha niya.

Binawi ko ang ngiti na kanina lang ay abot tenga na. "Sorry, na-irita ka tuloy." Bahagya akong umayos ng upo. Siya naman ay uminom pang ng tahimik.

Gustong gustong mag wala ng sistema ko, pero hindi ko magawa. Natatakot kasi akong baka bigla siyang mag walk out at hindi na niya ako kausapin.

Hindi nadin ako nag salita after noon. Hanggang sa siya na ang unang nag tanong.

"How's your marriage life?" Payak na tanong niya.

Napa lunok ako sa tanong niya. Diretso ang tingin niya sakin. Ibig sabihin seryoso siya sa tanong niyang iyon.

Gusto kong sabihing, "Hindi kami maayos, hindi siya ang pinangarap kong makasama sa hirap at ginhawa. Nag kamali ako, at nag sisisi ako dahil sa maling desisyon ko, nawala ka sa buhay ko." Pero ni ayaw lumabas ng salita na iyon sa bibig ko.

Snap! Snap!

Agaw niya ng atensiyon ko. "Sorry!" Napatulala pala ako. "Come again?" Pag uulit ko sa tanong niya.

Natawa naman siya ng bahagya. "Tinatanong ko kung kamusta buhay may asawa?"

"Hah?Ah, okay lang. Pero siguro nga walang perpektong pamilya. Dumadaan talaga sa mga pag subok at problema. Pero wala namang hindi makakaya basta sama-sama diba?" Talaga Ace?kastigo ko sa sarili ko. Parang gusto ko na lang lumaklak ng isang dram ng alak ngayon, para makalimutam ko lang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Tumango tango siya.

"Ikaw?kamusta buhay may pamilya?" Tanong ko sa kaniya. Kahit alam ko na masakit na katotohanan lang ang sasabihin niya sa akin ay nag tanong pa din ako. Ang tanga ko ba?

Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko. "As you all know I have a daughter. Thats it. Siya lang ang meron ako." At uminom siya ng tea na inorder namin.

"But you have Alex at your side, bakit hindi pa ba kayo kasal?" Usisa ko ulit.

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong nanalangin na sana ang isagot niya ay "Hindi!".

"Nope!"

Lumiwanag ang mukha ko. Salamat naman kung ganon.

"May mga bagay pa na kailangan naming ayusin bago kami dumating sa point ng pagpapakasal Ace."

Nabawi din agad. So may plano pa din silang mag pakasal?
Hindi na ako muling nag tanong. Gusto ko na lang i enjoy ang moment ngayong nakita ko na siya.

"Coinsidence ba nagkita tayo dito ngayon?" Tanong niya.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon