24: Wishing Star

6 0 0
                                    

(4 Years Later)

Ace POV...

Ang Linggo ay naging buwan, ang buwan ay naging taon.

Apat na taon ng wala si Kate sa tabi ko. Apat na taon na din mula ng aminin ko sa sarili kong mahal ko na pala siya at ayokong mawala siya sa piling ko.

Pero ganon ata, kung kailan natanto ko na kung anong nararamdaman ko para sa kaniya, saka naman siya nawala. Siguro, sinukuan na talaga niya ako.

Sumandal ako sa kotse ko at nag sindi ng sigarilyo.
"Apat na taon Kate! Natiis mo akong hindi makita." Kausap ko sa sarili ko.

Binuga ko ang usok sa kawalan. Matyago kong tinitigan ang mga bituwin na nakikita ko sa kalangitan.
Sana ay may dumaang bulalakaw para makapag wish ako. Alam kong ang baduy kong tingnan pero taena! Desperado na akong makita siya.

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa pagtingala sa langit ng may dumaan ngang bulalakaw.
Agad akong pumikit at humiling. "Sana makita ko na si Kate. Pleaseeeeee!" Huminga ako ng malalim bago idilat ang aking mga mata.

Natawa pa ako sa sarili ko pagkatapos kong humiling. Para akong tanga.
Minabuti kong ubusin ang natitirang sigarilyo sa daliri ko. Itinapon ko iyo at tinapakan.

"Boss!" Tawag ni Danna. Kalalabas niya lang ng studio.

Di ko siya sinagot. Lumapit siya saaking humahangos. "Boss ano na nga po ulit yung pangalan nung babaeng pinapahanap niyo?" Agaw hininga niyang tanong.

Nangunot ang noo ko. "Bakit mo tinatanong? Chismosa ka din eh no!" Natatawang sabi ko. Tumakbo pa talaga siya para lang tanungin iyon sa akin.

Nagpilantik siya. "Tsk! Boss sabihin mo na kasi. Ano nga ang pangalan?" Naiiritang sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sabihin. "Kate! Kate Sandoval! Bakit ba?" Pagtataka ko naman.

"BINGGO!" sigaw niya. Halos mapa talon naman ako sa pagkaka gulat. Inilabas niya sa cellphone sa bulsa niya at binuksan iyon.

"Napapano ka ba?" Muli kong tanong sa kaniya.

Ngumiti siya ng malapad. "Ito boss. Panoorin niyo po." Excited pa itong ibinigay sa akin ang telepono niya.

Nag play ang isang fashion runway na ginanap sa ibang bansa ng sikat na fashion lingeries. Lalong nagunot ang noo ko. "Oh anong meron dito?"

Natawa siya. "Wait ka lang kasi boss. Tapusin mo okay? Sigurado akong bibigyan mo ako ng bonus pag natapos mo yan."

Wala akong nagawa kundi panoorin ang mga babaeng rumarampa. Ibang klase din ang trip nitong si Danna eh. Tibo talaga ang gago! "Ano ba to Danna? Puro naka panty at bra lang naman ang mga ito! Wag mo na nga akonh idamay sa mga kalokohan mo. Meron ka din nito eh! Nanonood ka pa!" Biro ko sa kaniya sa ibinalik sa kaniya ang telepono niya.

Muli siyang pumilantik. "Boss naman eh! Wala ako niyan. Lalaki po ako. Saka wait boss! Kailangan mo talaga tong matapos! Ipag papasalamat mo talaga ro kapag natapos mo PROMISE!"

Muli ko siyang pinag bigyan. Kinuha ko ulit ang telepono at pinanood ang video. Kalagitnaan na nang ipakilala ng MC ang super model daw kuno. "Miss Kate Sandoval!"

Nanigas ang katawan ko ng makita ko ang matagal ko ng hinahanap.
"Kate?" Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ako makapaniwalang siya ang pinanonood ko ngayon. Suot ang two-piece lingeries na minomodelo niya, rumampa siyang parang walang taong nanonood sa kaniya. Noong unay may tela pang naka balot sa balakang niya ngunit di nag tagal ay tinanggal na rin niya iyon. Napa mura ako sa isip ko. I can't believe she is doing it. Hindi ito ang Kate na kilala ko.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon