19: unprepared

6 0 0
                                    

"Meet me outside please, I have something to tell you."

Binasa ko ang text na galing kay Ace. Sinilip ko siya sa bintana. Biglang kumabog ang dibdib ko. Napahawak ako sa tiyan ko na medyo malaki na. Nag dalawang isip ako kung lalabas ako oh hindi. Paano kung malaman niya?

"Eh di maganda! Para panindigan ka niya!" Bulong ng isip ko.
Pero hindi maaari. Alam ko kung gaano niya kamahal si Bianca at ayokong pananagutan niya lang ako dahil nabuntis niya ako. Gusto ko, pananagutan niya ako dahil mahal niya ako.

Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko. Nag hanap ako ng medyo maluwang na t'shirt, yung hindi mahahalata ang tiyan ko. Nang maka kita ako, ay agad kong hinubad ang maternity dress na suot ko at pinalitan nito.
Nagpasya akong ayusin ang sarili ko bago tuluyang lumabas.

Naka tayo siya sa may pintuan ng kotse na hindi pamilyar sa akin. Naka suot siya ng polo shirt na maroon at naka faded jeans. Ibang iba ang hitsura niya sa usual na Ace na kilala ko. Iba talaga kapag alaga ng girlfriend. Agad na nanakit ang puso ko sa naisip ko. Pero agad ko ring tinanggal ang sakit na nararamdaman ko. Wala nga pala akong karapatan.

Ini-angat ko ang lock ng gate na nag likha ng tunog kaya agad siyang napa tingin sa akin.
Pumorma ang malawak na ngiti sa mga labi niya. That smile, I've missen it a lot.
Ngumiti din naman ako sa kaniya.

"Kate!" Usal niya na hindi maka paniwala.

Umangat ang kilay ko. "Umh? Bat ganyan ngiti mo?" Pagtataka ko.

Umiling lang naman siya. "Wala, hindi lang ako maka paniwalang lalabasin mo ko." Natatawang sabi niya. Oo nga pala, ilang araw ko na kasing hindi pinapansin ang mga tawag at text niya. Halos gabi gabi andito siya pero hindi ko siya nilalabas. Nag tetext na lang ako sa kaniya kina umagahan na naka tulog na ako kaya hindi ko nasagot mga text at tawag niya.
Minsan pinatatawag ko din si Alex para mag number busy ang line ko kapag tumawag siya.

Lalapit sana siya sa akin upang yakapin ako pero pinigilan ko siya agad. "Hep! Diyan ka lang!" Sinenyasan ko soyang huminto.

"Bakit?"

"Huh? Ano kasi... amhp! Mabaho ako, nagluluto kasi ako eh." Palusot ko. Pero sa totoo lang kinabahan ako dahil baka pag niyakap niya ako malaman niyang buntis ako.

Huminto siya at tiningnan ako ng diretso. Mula ulo hanggang paa. Bigla akong kinabahan ng mapatitig siya sa tiyan ko kaya agad kong kinuha ang atensiyon niya. "Ehem! Bakit nga pala andito ka?"

Napa balik naman siya ng tingen agad. "Ah, wait!" Binuksan niya ang pinto ng kotse sa passenger seat at may kinuha doon. "For you." Abot niya saakin ng isang papel na naka tupe. Parang invitation card.
"Fuck! Ikakasal na ba sila?" Sabi ko sa isip ko.

"Ano to?" Tanong ko sa kaniya.

Muli siyang ngumiti ng malapad. "Open it!"

Ginawa ko ang sinabi niya. Naka hinga ako ng maluwag ng makita kong hindi iyon isang wedding invitation. Binasa ko ang nasa loob. Isang invitation dahil mag bubukas siya ng photo studio.
"Wow! Congrats! Paano ka nagkaroon ng studio? Akala ko kulang pa ang naipon mo?" Alam kong matagal na niyang pangarap ang photo studio pero hindi niya matupad dahil kulang ang budget niya para doon.

"Salamat! Amp si Bianca. Tinulungan niya akong i-build up yung studio. Pinahiram niya ako ng pera tapos babayaran ko kapag kumikita na ang studio." Naka ngiti siyang nag eksplana.

"Ahhh!" Yan lang ang nasagot ko. Oo nga pala! May Bianca nga pala siya na kayang tumupad sa mga pangarap niya. Mabuti pa si Bianca, kayang ibigay ang mga panganga ilangan niya. Pero ako? Ano bang kaya kong ibigay? Bukod sa pagiging bestfriend at pagbibigay ng satisfaction na kailangan niya? Wala na akong kayang ibigay. Natahimik ako sa naisip ko. I'm so damn useless. Tapos malalaman niya na nabuntis ako ng wala sa oras? Wala pa sa plano niya ang maging ama. Marami pa siyang gustong mangyari sa buhay niya. At hindi ko hahayaang hindi matuloy lahat ng pangarap niya dahil lang sa nabuntis niya ako at mag kakaroon siya ng responsibilidad. Kahit yun man lang magawa ko para sa kaniya.

" Pupunta ka diyan ha? Hindi pwedeng wala ang bestfriend ko sa opening ng pinangarap nating studio!" Pagkuha niya ng atensiyon ko.

Ngumiti ako ng mapakla saka tumango. "Talaga?" Hindi maka paniwalang tanong niya.

Humakbang siya papunta sa akin upang balaking yakapin ako ngunit pinigilan ko ulit siya. "Sabi ng mabaho ako eh!"

Tumawa siya. "Okay! Parang di ako sanay sa amoy mo ah!" Pang aasar niya.

Nairita ako kaya inirapan ko siya. Siguro kaya hindi niya ko kayang mahalin dahil mabaho ako at si Bianca mabango! "Hmmp!" Kainis! Pag mamaktol ko.

Tumawa siya ng malakas. "Biro lang Kate! Alam mo namang hindi ako nabahuan sayo kahit kailan eh!" Pambawi niya.

Biglang namula ang mga pisngi ko. Kinig ba ko? Nyeta!

"Hmm! Oh may sasabihin ka pa ba? Baka masunog ang niluluto ko?" Pantataboy ko dito. Gusto ko na lang matapos to dahil baka hindi ko kayanin ako mismo ang yumakap sa kaniya.

"Ahhmmm!" Kunwari ay nag isip pa ang loko. "Meron! Pwede bang wag kang tulog ng tulog? Kaya ka tumataba eh!" Dagdag niya.

Tumingin ako sa aking katawan. Tumaba nga ba ako? Tsk! "Eh kasi nga buntisssss....." hindi ko natapos ang sinabi ko ng maalala ko ang gustong lumabas sa bibig ko.

"Hah?" Agad siyang napa nganga at pumorma ang pagtataka sa mukha niya. "Sinong buntis?... ikaw?" Gulat na gulat siya.

Nanlaki ang mga mata ko at sinimulan ng lumabas ng malalapot na pawis sa noo ko. "Hah? Hindi!!....

...hindi ah! Yung katrabaho kong buntis! Pinapakain kasi niya sakin yung mga natitirang pagkain niya!" Palusot ko.

Agad namang nawala ang nagtatakang mukha niya. "Ahh! Akala ko ikaw eh! Buti na lang yung katrabaho mo!" Aniya.

Sshhhh*t muntik na ako doon. Buti na lang at naka isip agad ako ng palusot.

"Ikaw nga! Wag kang kumakain ng tira tira. Diba lagi ko yang sinasabi sayo? Baka magkasakit ka niyan eh!" Pagalit niya.

Naalala ko tuloy yung dating kami. Ayaw na ayaw niyang kinakain ko yung natitirang pagkain niya, pero ying tira ko ang kakainin niya.

Hindi na ako nag salita sa sinabi niya at tumango tango na lang ako.
"Hayst Ace! Hanggangbkailan ko itatago sayong maglaka anak ka na?" Bulong ko sa isip ko.

"Ace!" Tawag ko ng atensiyon niya. Agad naman siyang lumingon saakin.

"Amh! Ikaw? Kailan mo balak mag ka anak?" Out of my knowledge na tanong ko. "F*ck ano ka ba naman Kate!" Kastigo ko sa sarili ko.

"Hah?" Nangunot ang noo niya. "Bat mo tinatanong?"

Napalunok ako. Ayan na! Bahala ka diyan! "Ah? Ampp! Wala lang tinatanong ko lang. Bawal ba?" Pagtataray ko.

Tumawa naman siya. "The truth is? I want to but I am not yet prepared for it."

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon