6: Meet Mr.Right

11 0 0
                                    

Mag aalas diyes na nang umaga ng magising ako dahil sa sikat ng araw sa tumatama sa balat ng likod ko.
"Ummmmmhhh!" Mahabang inat ko. Dahan dahan kong binuksan ang nga mata ko.

Agad ko ding naramdaman na may brasong yumakap sa may bewang ko. Di naman ako nag aksaya ng oras para lingunin siya. Alam na alam ko ang yakap na yun. Dahil wala namang ibang gagawa non saakin kundi siya lang. Niyakap ko ang mga kamay niya na naka yakap saakin.

Humarap ako sa kanya para magkaharap kaming dalawa. Naka pikit pa siya at halatang tulog na tulog pa.

I watch him sleeping. Nilaro ko ang mga kilay niya na may kakapalan. At ang mga labi niya. Na parang ikakamatay ko kapag hindi ko nahalikan. Ang mga buhok na parati kong nilalaro kapag nahihibang na ako sa mga halik niya. At nasasabunutan ko pa nga kung minsan dahil sa masarap na sensasiyon na ibininigay niya sa akin.

Nagulat ako nang bigla siyang dumilat at hinalikan ako sa labi, saka sumuksik sa leeg ko.
Hindi naman ako nag protesta at niyakap siya nang mahigpit.

Maya maya lang ay napa iktad kami dahil sa tunig ng cellphone niya.
Agad niyang hinanap ang cellphone sa side table niya.

Alex Calling...
Answer/Reject

"Hello pare?" Agad siyang bumangon at nag bihis gamit ang isa lang niyang kamay.

Ganon din naman ang ginawa ko. Wala na saamin kung parehas kaming naka hubad. Sanay na kami doon.

Lumabas ako at nag punta sa kusina para pagluto siya bago ako umalis.
Nagluto ako nang garlic rice at hotdog. Favorite niya kasi to. Saka juice na super lamig.

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong plato nang maramdaman ko siya sa likod ko.

"Umh? Bat nang gugulat ka!" Sabay harap ko dito.

Ngumiti lang naman siya saka sumandal sa mesa at humalukipkip habang tinitingnan ako muna ulo hanggang paa.

"Hoy!! Wag mo nga akong hineheadtofoot!" Naasar na sabi ko saka ko ibinaba ang hawak ko sa mesa.

Tumawa lang siya nang mahina. "Hindi kita hinehead to foot ah! Nagagandahan lang ako sayo. Bagay mo pala ynag damit ko eh. " sabay kurot niya sa pisngi ko.

Nag pout naman ako sabay hawak sa bewang niya dahil hinila niya ako papunta sa kanya. "Aray! Ang sakit ah!....

.... hindi ko kasi makita damit ko eh. Nag mamadali ako kanina!"

Hinalikan niya ako sa noo. Nang maghiwalay kami ay mapangtukso niyang kinalabit ang nipple ko na naka bakat pala sa white shirt niya na suot ko.

"Bastos!" Pangtataboy ko dito.

Tumawa siya nang malakas. "Get dress! Pupunta si Alex dito. Ayokong makita ka niyang ganyan"

Tumango lang ako bilang sagot. Pagkatapos kong isaayos ang pagkain niya.

Naligo ako at nag ayos na nang sarili ko.
Hindi na ako masyadong umawra didiretso lang din naman ako sa unit ko. Wala naman akong pasok ngayon.

Light make up lang and lip tint lang ang gamit ko.  Nang makita kong maayos naman ang hitsura ko ay lumabas na rin ako ng kwarto. Medyo hindi ako komportable dahil short na maikli at isang white v-neck shirt lang ang suot ko isama mo pa ang slip on sandals na suot ko.

Lumabas ako ng pinto na tinatanggal ang pony ng mahaba kong buhok dahil basa ito at balak ko sanang mag suklay sa daan. Pero napahinto ako ng literal nang makita ko ang isang lalaki na naka upo nang prente sa couch.

Kulay abong mga mata. Matangos ang ilong. Medyo brown ang buhok, matangkad at may kaputian. In short Mr. Right. Hahaha peste! Nabalik ako sa wisyo ko nang marinig ko silang nag tatawanan.
Nakita ko po ang paglaki ng mata nang lalaki ng makita akong lumabas sa pinto.

"Ahh si Kate pare, naalala mo? Kaibigan ko? Yung grumaduate ng cum laude? Naki gate crasher ka nga nung nag pa party yan eh!" Pakilala saakin ni Ace.

'Wow! Talaga lang ha Ace! KAIBIGAN!' Bulong ko sa isip ko.

"Ah oo! I remember you? Alex again!" Pakilala niya. Lumapit siya sakin at inabot ang palad niya para makipag shake hands saakin.

Agad naman akong tumugon sa kanya.
"Kate, once again" pakilala ko naman.

Tinitigan lang niya akong mabuti mula ulo hanggang paa.
Naasiwa tuloy ako. Hinigit ko pababa ang short ko at nag paalam na.
"Ah I have to go guys. Nice meeting you again Alex!" Kusang pumorma ang ngiti sa mga labi ko bago ako tuluyang lumayas.

ACE POV....

Sinundan ni Alex si Kate ng tingin habang palabas ito ng pinto.
Sabay bumalik ang tingin sa akin.

"Don't tell me...."

"Kaibigan lang pare! Naki overnight lang. Wala kasing masakyan kagabi!" Pagpapaliwanag ko. Alam ko na kasi kung anong sasabihin niya eh.

Tumawa ito ng malakas saka umupo. "Oh? Bakit nag eexplaine ka?" Tumungga ito ng juice na nasa harapan niya.

Nag kibit balikat lang din naman ako at tumungga din ng juice.

"Can I use your comfortroom pare? Naiihi lang ako" paalam niya.

"Oo naman" tinuro ko ang kwarto at pumasok siya doon.

Sira ulo din ang isang yon.

Ilang minuto ang itinagal niya sa loob bago siya lumabas.

"Pare? Shot tayo mamayang gabi? Dito na lang sa unit mo." Pag aaya niya.

"Naku bawal inuman dito pare. Sa bahay mo na lang." Suhesiyon ko.

"Sige pre. Sama mo na din si Kate" kusang pumorma ang ngiti sa mga labi niya.

Ngiti pa lang niya alam ko na kung bakit niya gustong isama ko si Kate. Kilala ko ang kaibigan ko.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang sandali bago siya nag paalam. Naikwento niya na mag bubukas siya ng isang photo studio rito kaya siya umuwi. At ang ilang mga plano niya.

"Pano pre? Mamaya hintayin kita sa bahay ah? Wag mo kalimutang isama si Kate." Sabay tapik niya sa braso ko.

"Oo pre sig--"

"Teka! Di mo talaga girlfriend si Kate ah?" Pakli niya sa pangungusap ko.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Hi-hindi nga pre! Mas lalaki pa sakin yon kala mo lang!" Pag sisinungaling ko. Taena bat nakaramdam ako ng takot. Sa tanan ng buhay ko ngayon ko lang naramdaman to.

Tumawa siya ng mahina. "Naniniguro lang pre. Baka kasi ligawan ko siya tapos pag aari mo na pala!. Oh siya sige pre aalis na ko. Mamaya ah!"

"Ge pre!" Walang gana kong sabi habang papawala siya sa paningin ko sakay ng itim niyang kotse.

'Anak nampateng! Sinasabi ko na nga ba eh! Gusto niya si Kate! Well sige papakita ko sayo lahat ng badside ni Kate mamaya. Ewan ko lang kung magustuhan mo pa siya!' Usap ko sa sarili ko.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon