10: More than enough

8 0 0
                                    

Kate's POV.

Its been six months.

Dumaan ang anim na buwan na hindi kami masyadong nag uusap ni Ace. So ayon naging buhay niya na si Bianca. At ako? Naging buhay ko ang trabaho ko. Nag paka busy ako sa trabaho para di ko maiisip si Ace.

Sa loob ng anim na buwan pinag laban ko pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pinaramdam ko parin sa kanya kahit may Bianca na siya, mahal ko pa din siya. Ganon pa din.

Nawala ang pagmumuni muni ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Alex calling....

"Hello?" Bati ko dito.

"Hello Kate? Sorry ah di ka daw masusundo ni Ace. May lakad kasi sila ni Bianca. Okay lang bang ako ang sumundo sayo?" Kababa ko lang mula sa eroplanong sinakyan namin dahil sa isang business trip abroad.

Sabi ko na nga ba eh. Whats new? Mula ng dumating si Bianca, He's always after her. What ever she said, what ever she wants. Whenever she goes, Ace always follow. Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Huh? Baka may gagawin ka eh. Mag cocommute na lang ako." Nahihiya kong tugon dito.

Agad naman ang pag tutol niya sa sinabi ko. "No its okay. Actually I'm already here!" Naramdaman ko na lang ang pag hawak niya sa bagaheng hawak ko.
Agad ko siyang nilingon. Halos mapapitlag ako sa pagkaka gulat.

Suot niya ang black shirt at jeans plus shades niya. Bakit ang gwapo niya? O gwapo talaga siya ngayon ko lang napansin?.

"Lets go?" Anito na ikinabalik ko sa wisyo.

Hindi ako nakapag salita. Tumango lang ako at agd niyang binuhat ang mga bagahe ko. Inilagay niya ito sa likod ng kotse niya. Matapos niyang ayusin ang mga gamit ko ay pinag buksan niya pa ako ng pinto.

Pinatakbo na niya ang sasakyan niya.
"Alex. Thank you ah! Lagi mo na lang akong sinasalo kapag binibitawan ako ni Ace."
Wika ko dito.

Imbis na mag salita inabutan niya ako ng mineral water. "Wala yun. Magkaibigan tayo diba?. Sana nga ako na lang si Ace, para naman hindi ka na laging nasasaktan." Seryoso ang boses nito.

Napatawa naman ako. "Hahaha your better than him Alex. Don't you compare your self to that asshole!" Binuksan ko ang tubig at nilagok ko ito. Ang init. Summer na pala di ko man lang namalayan.

"San pala nag punta yung mag jowa?" Tanong ko rito.

"Ah nag pabook sa isang resort. May i aanounce daw si Bianca mamaya eh. At the same time padespedida na din niya. Kasama nga tayo don eh. Gusto mo ba wag na tayong pumunta?"

Nagkibit balikat lang ako. "Punta tayo. Padespedida na niya eh. Malay ko ito na yung chance ko para mabawi si Ace." Nginitian ko siya.

Ever since she saw at the road crying, lagi na kaming magkasama ni Alex. Siya ang nagiging takbuhan ko. Nakikinig sa mga kwento kong paulit ulit na lang. Hinihingan ko ng advice na kahit kailan hindi ko pa sinunod. Basta mula non naging close na kami.

"Sira ulo ka talaga!" Sabay gulo nito sa buhok ko.

Tumawa lang ako ng malakas. Hindi na ko nahihiya sa kanya. He is like a brother to me. "Ang haba na ng buhok mo sobra." Pansin nito at isinuklay pa ang kamay niya sa buhok ko.

"Talaga?. Ummh pwede mo ba kong samahan?"

Umarko ang kilay nito."Saan?"

"Sa salon, please... mag papagupit na ko ng maiksi as in super short talaga." Wika ko. Nung nakaraan ko pa talag balak mag pagupit ng buhok. Super busy lang talaga.

Nag tungo kami sa salon na kakilala ni Alex. Kaibigan daw niya ang may ari.

"Goodafternoon Ma'am and Sir." Pagpapatuloy saamin ng guard.

Ipinakilala naman ako ni Alex sa kaibigan  niya at sinabing ayusin daw ang pag gupit sa buhok ko.

Nag simula na ang pag gupit. Itinali nito ang lahat ng buhok ko para daw remembrance. Utos din ito ni Alex. Kaya siya ang gumupit nito.

Buong oras ay tawa kami ng tawa dahil sa mga kwento ng kaibigan ni Alex. Bakla kasi ito.

----

Nag tuloy kami sa resort kung nasaan si Ace at Bianca. Pag dating namin ay nandoon na din si Duane at ang girlfriend nito.

Pagod ako at feeling ko may jetlag pa ako. Kaya minabuti kong matulog muna. Isang buong nipa hut style lang ang inukapa para saamin. Kanya kanya ang kwarto na may kaliitan. Sapat lang sa isang tao.

Dapit hapon na ng magising ako. Pag labas ko sa kubo ay nakita ko agad ang mag jowa na naglalandian sa may duyan. Hinagod ko ang buhok ka na ngayon ay maiksi na. Oo nga pala nag pagupit ako kanina.

Nasa akto na kong baba sa hagdan ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Kate!"

Agad akong napalingon sa tagiliran ko ng makita ko si Alex. Hindi na ako tumugon sa pag tawag niya pero agad itong lumapit saakin. May dalang barbeque at bote ng alak. Inialok niya saakin ang barbeque at tinanggap ko ito. Inialok niya din sakin ang alak pero tinaggihan ko.
"Pass muna. Sakit pa ulo ko eh."

Sabay kaming bumaba para maki halubilo sa iba naming kasama. Nagsindi ang mga kalalakihan ng bonfire para sa lumalamig na gabi. Tumulong naman ako sa pag luluto ng mga inihaw na pagkain. Gabi na ng matapos kami.

Naupo ang lahat at pumalibot sa bonfire para makita ang isat isa. Nandoon din kasi ang ilang kaibigan ni Bianca na hindi ko naman kilala ang iba siguro ay kamag anak na din nila."Excuse me!" Agaw ni Bianca ng atensiyon naming lahat.

".....I would like to thank all of you for being here today. It means a lot to me guys. Sa mga kaibigan ko. Syempre lalo na sa love ko." Agad na yumakap si Ace sa likod nito.

Nag tilian naman ang mga kaibigan niya. "And guys.... mas lalo kayong kikiligin sa i-aanounce ko! Kami na ulit ni Ace!" Wika nito. At mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng kapaligiran.

May mga nag sasabing "Sabi ko na nga ba kayo din sa huli!" Ang iba naman ay "Bagay talaga kayo!".

Nag thank you namn si Bianca at si Ace sa mga nandoon.
"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Alex. Siya kasi ang kasama ko dito mula pa kanina. Tumango lang ako at hinablot ang bote ng alak na hawak niya. "Kailangan ko pala to." Tinungga ko iyon hanggang maubos.

Lumandas ang gabi na masaya ang lahat. Siguroy ako lang ang hindi. Ito na siguro ang sinasabi ni Emy na darating ang panahon na susuko ka na lang talaga.

Kami na lang ang natira. Nag hulasan na rin ang mga tao. Binati ng dalawang magkaibigan si Ace na sobrang saya ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang ganon kasaya. Sa loob ng limang taong magkasama kami. Napapatawa ko siya pero hindi ang tawa na nakikita ko sa kanya ngayon. Yung sayang walang masidlan. Yung sayang tanging ang nagmamahal lang ang makaka kita.

"Iba ka talaga pare!" tapik ni Duane sa balikat ni Ace.
Hindi ito sumagot nakipag brohugs lang siya dito. Binigyan ako ni Alex ng hotdog tinanggap ko naman ito. "Nilalamig kana siguro." Ani to at nilagyan ako ng balabal sa likod. Naka summer dress lang kasi ako at wala pa itong strap. Maikli na nga din pala ang buhok ko kaya madali na akong lamigin. I mouthed him thank you at ngumiti lang din ito.

"Guys ako din may sasabihin. Since mukang okay naman ang lahat, Ace! Please allow me to woo Kate." Ikinagulat ko ang sinabi ni Alex. Hindi ako makapag salita. Nag usap kami sa mata ni Ace. 'Don't please!' Yan ang pinipilit kong ipaabot kay Ace.

Pero mukang hindi niya makuha ito. "Oh--Oo naman pare. Kung-- kung okay sa kanya. Okay din sakin." Anito na hindi inaalis ang tingin saakin.

Is this really what you want? Then let it be!

"Yes! Ofcourse Alex. You've been good to me all the time. Why should I resist you." Ani ko sa malambing na tinig pero puno ng pagkasarkastiko.

I had more than enaugh. Hanggang dito na lang siguro ang laban na kaya ko.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon