21: Special Announcement

5 0 0
                                    

Ace POV...

Kanina pa ako palinga-linga dahil hinahanap ko si Kate. Nandito lang siya kanina pero bakit bigla siyan nawala?.

Nagsimula na ang program. Na cut na ang ribbon at nag start ng timingin ang mga tao sa mga picture na nasa loob ng studio ko. Mamaya ay may free photo shoot na magaganap dahil first day ng PHOTOLAB. Pangalan ng studio na tinayo ko. Ito kasi ang pangarap ko kahit noon pa. At nabuo ang pangarap ko dahil sa suporta ni Kate.

"Nasaan na ba kasi yun?" Bulong ko sa isip ko.
Halos mapa talon naman ako ng mag mula sa likod ko ay sumulpot si Bianca. "Looking for me babe?" Anito na me dalang baso na me alak. She's waring red silk dress na above the knee. She looks seductively.

Ngumiti lang ako at niyakap ko siya. "Thank you for this babe. You made my dream come true!" Hinalikan ko siya sa noo.

Ngumiti naman siya. "Anything for you Ace. Basta wag mo lang akong iiwan." She begged.

Ngumiti lang ako at ngumiti siya saakin saka siya pumalipot sa leeg ko.
"Are you happy?" Tanong pa niya bago inumin ang alak sa kupitang hawak niya.

"Sobra!" Sagot ko naman.

"I'm happy your happy. Hindi pa tapos ang surprise ko sayo. Mamaya malalaman mo kung ano yong isa ko pang sirprise." Anito at saka humalik sa labi ko. Nalasahan ko pa yung wine sa labi niya.

Wala sa sariling ngimiti ulit ako sa kaniya. Nag paalam itong doon muna sa mga ibang bisita, pumayag naman ako at pinag patuloy ang pah hahanap kay Kate.

Sa paglalakad ko ay nakita ko si Emy. Nilapitan ko siya upang tanungin. "Ems! Si Kate?"

Umiling naman siya. "Hindi ko din alam eh. Kanina ko pa siya hinahanap. Ang alam ko andito na siya." Nagtatakong komento niya.

"Oo nandito na siya kanina. Nakita ko na siya eh. Bakit nawala siya bigla...

..Ah Ems, paki contact naman siya oh." Pag mamakaawa ko. Ayokong simulan tong event na to sa buhay ko ng wala siya. Isa to sa mga pangarap namin. Kaya dapat andito siya. Dapat isa siya sa mga taong makikita kong papalakpak mamaya habang nag sasalita ako sa harapan.

"Kanina ko pa nga kino-contact Ace eh. Out of coverage siya...
... Wait! Si Alex ba nakita mo?" Tanong niya.

Oo nga no? Asaan pala ang mokong na yon. "Hindi ko pa siya nakikita mula kanina."

Napa kamot siya sa kaniyang noo. "Ang sabi niya kanina, nandidito na daw siya. Hinahanap nga saakin si Kate eh."

Agad na nangunot ang noo ko. "Saan naman kaya ang dalawang yon?...

... Sa tingen mo? Magkasama kaya sila?" Binalot ng lungkot ang nararamdaman ko.

Umiling iling si Emy. "Hindi ko din alam eh. Pareho silang out of coverage." Sabay kaming nag pakawala ng malalim na buntong hininga.

Napa takit ako sa bibig ko. Nag iisip ako ng paraan pano ko hahanapin si Kate.
Para namang umilaw ang bumbilya sa utak ko. Alam ko na, si Bianca. Alam kong hahanapin niya si Alex kapag sinabi kong wala pa si Alex dito.

"Ahh! Ems! Paki tuloy mo lang yung pag contact ha please. I need Kate here. Please. Update me kapag nalaman mo kung nasaan siya. Okay?" Pagmamakaawa ko. Hindi naman siya sumagot at tumango lang.

Naglakad ako upang pyntahan si Bianca. Nasa isang table ito, kasama ng mga ibang bisita.

"Ahh! Bia! Saglit lang---

...Excuse us please." Pag hingi ko ng paumanhin nang bigla kong tawagin si Bianca. Agad naman siyang tumalima sa tawag ko.

"Excuse us for a while guys." Paalam niya sa mga kausap.

"What is it all about babe?" Umpisa niyang tanong.

Ibinulsa ko ang dalawang palad kong namamawis. "Amm! Have you seen Alex and Kate babe?" Diretso kong tanong.

Pumikit siya ng ilang beses saka umiling. "Bakit hinahanap mo ang taong wala dito?" Anito sa iritableng tono.

Nagulat ako sa reaksiyong ibinigay niya. Hindi kasi siya ganyan. Kapag alam niyang wala si Alex sa mahahalagang pangyayari ay agad niyang hahanapin o ipapahanap ito.

Hinawakan ko ang kamay niya para kalmahin siya. "Hey! Babe! Relax. Tinatanong ko lang kung nakita mo sila, because I haven't seen them around. I dont know if  it is coinsidence that they are both not here or maybe nagpaalam sila sayo na me pyountahan sila at nalimutan mo lang sabihin sakin." Pagpapaliwanag ko sa mahinahong tono.

Sa hindu malamang dahilan at agad na namutla ang buo niyang mukha. Natulala siya bigla. Inalog ko siya upang makuha ang atensiyon niya. "Babe! Bia! Okay ka lang?"

Umiling iling siya bago nagsalita. "You know what? Instead of finding them, Come!...

...Let me give to you my second surprise!" Ngumiti ito ng malawak at hinila ako papunta sa mikropono.

"Goodafternoon everyone! Everyone! Can I have your attention please!...

...In behalf of Ace, I just wanna say thank you for coming to this grand opening..." sobrang dami pa niyang sinabi pero hindi ko iniintindi dahil di magkanda ugaga ang mata ko sa pag hahanap sa taong kanina ko pa gustong makita.

Nagulat ako nang magpalakpakan ang mga tao sa paligid ko at sumisigaw ng "Congraysulations!" sa akin.
Ngumiti lang naman ako sa kanila.

"Aren't you happy babe?" Ani Bianca na may pagka excited ang boses.

Nangunot naman ang noo ko. "Hah?"

"Babe! I'm pregnant!" Bulalas niya.

Parang nabingi ako sa sinabi niya. Hindi ko agad ma-absorb ang sinabi niya.

"Babe!" Yugyog niya.

"Bu-- bun--tis ka?" Di makapaniwalang tanong ko.

Pagtango na pagtango niya ay muling lumakad ang mga mata ko sa bawat taong nasa loob ng studio. Hinanahanap ng mata ko si Kate. Part ng utak ko ang nag sasabing sana nga wala siya dito. Dahil alam na alam ko na ang magiging hitsura ng mukha niya kung sakaling marinig niya ang announcement ni Bianca.

Sa paglandas ng mata ko sa dami ng tao, walang Kate na maapuhap ang mata ko. Pero meron nga palang Emy na nandirito. "Sh***tt!" Mura ko sa isip ko. Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Emy dahil sa narinig.

Nagulat ako lalo ng halikan ako ni Bianca sa labi sa harap ng maraming tao. Nag sigawan sila at bumati ng congratulation.
Bahagya ko siyang na-itulak.

"Whut!!" Sabi niya ng mahina.

Humingi ako ng tawad sa nagawa ko.

Pinag salita niya ako saglit para sa pasasalamat at sa pag welcome ng studio. Pagkatapos non ay hinila ko siya sa likod.

"Bia what is this all about?" naninigas ang pangang sabi ko.

Natawa siya sa tanong ko. "What do you mean Ace? Aren't you happy to become a father?" Anito sa sarkastikong tinig.

Napahilamos ako sa mukha ko. "No! I mean Yes! No! What I really mean is... I am not yet ready for this! And I thought your taking a pills? How come you get pregnant?" Pagtataka ko.

Suminghal siya bago nagsalita. "I stop using it when I get back to the U.S and forget to take it again when I got here!...

...Wait!! What is this all about Ace? Tell me!! Do you want me to abort your child?!! Tell me!!" Sigaw niya!

Biglang kumabog ang dibdib ko ng sobrang bilis. Niyakap ko siya agad."No!.. No! I'm sorry. I'm so sorry babe. Its just that I am not yet ready for this, But I didn't say I don't want it. Im sorry. Nabigla lang ako." Kalma ko sa kaniya.

Hindi na siya muling nagsalita.

What is happening right now! Hindi ko maabsorb ang announcement ni Bianca. Sana magkita kami ni Kate bago niya malaman ang lahat ng to.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon