25: Little Acey

7 0 0
                                    

Ace POV...

"Goodmorning boss!" Bati ni Danna sa akin. Kadarating ko lang kasi sa studio.
Binati ko din naman siya pabalik.

"Ah Danna, may schedule ba tayo ng photoshoot ngayon?" Tanong ko.

"Meron po boss. Sa Casa Villa Resort po. Pre-Nup po nila Mr.Andrew Escolante at Ms. Chelsea Nimon. Yung wedding po sa twenty three this month?". Paalala niya saakin.

Tumango tango lang naman ako. Inilapag ko ang  mga gamit sa mesa ko at inayos ang ilang mga litratong nagkalat doon.

"Ah boss!" Tawag saakin ni Danna.

"Umh?" Hindi ko na siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa pag aayos ng litrato.

Medyo umubo pa siya bago nagsalita ulit. "Tungkol po doon sa babaeng pinapahanap niyo. Nag kita na po ba kayo?" Tanong niya.

Natigilan ako sa ginagawa ko. Ito talagang isang to, hindi mapigilan ang pagiging chismosa. "Hindi eh! Bat mo natanong?"

Lumapit siya sa akin. "Ah kasi boss, may nalaman pa po ako tungkol sa kaniya eh."

Sa sinabi niyang iyon ay automatikong humarap angbkatawan ko sa kaniya. "Ano yon?"

"Boss may anak na pala siya. Saka may asawa na din po." Paliwanag niya. Sabay abot sa akin ng cellphone niya.

Tiningnan ko ang mga litratong kasama niya si Alex. Masaya silang nagtatawanan. May caption pa na "We chose to be happy". So masaya na nga siya ngayon.

Ilang picture pa ang tiningnan ko halos lahat doon ay kasama si Alex. Pero isang picture ang naka agaw ng atensiyon ko. Photo collage ng isang batang babae mula first month hanggang one year old. Tinitigan kong mabuti ang mga larawam niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. May kung anong kurot doon na hindi ko maipaliwanag. Ang mga mata niya, ang ilong niya, pati ang labi niya. Para akong tumitingin sa salamin. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.

May pusibilidad ba na anak ko siya? Malakas ang kutob ko na anak ko siya. Pakiramdam ko dugo ko ang dumadaloy sa kaniya. May sumilay na ngiti sa mga labi ko.

Ini-scroll ko pa ang ibang picture. Naka suot siya ng costume ni Thinkerbell at kasama niya si Alex. May caption na "Going to the happiest place to be with my daddy on my fourth birthday!". Nabura lahat ng sayang nararamdaman ko dahil sa nabasa ko.

May picture pa na naka uniporme siya at may stars ang mga kamay niya. "From: Little Acey To: Daddy Alex!"

Parang tinutusok ang puso ko dahil sa mga nakita at nabasa ko. Isinauli ko kay Danna ang cellphone niya.

"Boss may video pa sana akong ipapa panood sayo kaso kitang kita ko sa hitsura mo ngayon na nasasaktan ka. Kaya sa susunod na lang boss." Anito na parang nang aasar pa.

Sira ulo din talaga ang isang to. "Ipakita mo na ngayon. Sagarin mo na yung sakit na nararamdman ko. Mukang nag eenjoy ka eh!" Ani ko sa seryosong tono.

Hindi naman siya nagpakipot at iplinay ang video.

Interview iyon tungkol kay Kate, kung paano niya narating ang tagumpay na meron siya ngayon kahit may anak na siya. Ang sabi niya dahil yon mismo sa ama ng anak niya. Ginawa daw niyang inspirasyon upang maging siya ang kung sino man siya ngayon. Pinapasalamatan din niya si Alex dahil kung wala si Alex sa tabi niya hindi siya magiging matibay at hindi niya kakayanin kung wala si Alex.

Muli siyang tinanong tungkol sa estado nila ni Alex, "You look good being together. But the question is, what is the real score between the two of you?" mukang hindi din kasal ang dalawa. "He always bring out the best in me. I'm sorry, I can't say to you the real score between me and Alex. Because we want our lives to be privat.But one thing I am sure of  is  that he is a very special person to me and to our daughter Acey. He always has a place in my heart!" Sumilay ang mapaklang ngiti sa mga labi ko.

So ito pala ang dahilan kung bakit umalis ka ng walang paalam. Dahil nabuntis ka ni Alex? "Hindi ko akalaing kaya mong pumatol sa iba kahit may nangyayari saating dalawa!". Kausap ko sa sarili ko.

Sa pagkaka kilala ko sa kaniya hindi siya ganong klase ng babae. Kaya kahit boyfriend niya si Alex noon. Kampante akong walang mangyayari sa kanila dahil alam kong hindi siya ganong klase ng babae.

Nagkamali ako. Kung four years old na ang anak nila. Ibig sabihin may nangyayari sa amin at meron din sa kanila ni Alex? "Sh*t!" Mura ko sa sarili ko. Pakiramdam ko sinasaksak ako ng milyon milyong kutsilyo.

Pero alam kong wala pa tong nararamdaman ko kumpara sa lahat ng tiniis ni Kate saakin noon. Lahat na ata ng sakit na alam ko naiparamdam ko na sa kaniya.

"Boss okay ka lang?" Untag saakin ni Danna.

Tumango naman ako. "Oo okay lang ako. Balik ka na sa trabaho." Ani ko.

Kumamot siya sa batok niya. "Boss, eh di pa kasi natatapos don yung kailangan mong malaman."

Tumaas ang isang kilay ko kahit naka talikod ako. "Ano yon?" Kunwari ay hindi na ako apektado.

"Boss kasi, tumawag yung companiya nung Alex dito. Kinukuha ka nilang photographer para sa magazine cover ng bago nilang branch dito sa Pilipinas. Ang model po si Miss Kate." Mahina ang boses niya ng banggitin ang pangalan ng babae.

"Sige i-schedule mo sila!". Payak kong sabi. Kahit dito man lang maka bawi ako kay Kate.

"Boss! Sigurado po kayo?" Nagtatakang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Tumango lang ako. Ramdam na ramdam ko pa din ang kirot sa puso ko.

Bumalik si Danna sa mesa niya at may tinawagan. "Your schedule will be next week sir. Yes sir. Sometimes it took seven to eight days sir. Don't worry my boss is a proffesional one. Copy sir. Thank you for choosing us."

Minostrahan ako ni Danna na okay na. Huminga ako ng malalim at bumalik sa pag aayos ng mga litrato.

May parte sa puso ko na gusto kong mag wala. Pero kapag naiisip ko yung senario na magkikita kami at makaka sama ko si Kate, I think that would make the story different.

"I'm sorry Alex, I can't give her up that easily." Kausap ko sa sarili ko.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon