12: Game Over

10 0 0
                                    

"Kate, si Ace nasa labas." Ani Emy na kagagaling lang sa labas.

Ibinaba ko ang cheeze sandwitch na kinakain ko at sumilip sa binta.
"Sabihin mo wala ako dito!" Utos ko kay Emy.

Kumamot ito ng ulo. "Eh! Sinabi ko na nga. Wala ka dito at di ko alam anong oras kang dadating. Sinabi ko din na baka nandon ka sa dating bahay mo!" Ani to na halatang naiirita na sa kakapalusot sa akin.

Dalawang linggo na mula nung huling me nangyari samin sa resort. Mula noon ay hindi ko na siya kinakausap. Palagi ko siyang iniiwasan. Totoong isinuko ko na siya. Wala na rin akong mahanap na dahilan para kumapit pa sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Sabihin mo nag business trip. Sa malayo. Abroad ganon! O kaya umuwi sa probinsiya! Ikaw bahala ka na! Basta wala ako dito!" Muli kong utos.

Inirapan niya ako at pinaymewangan. "Nasabi ko na yan nung unang beses ka niyang hinanap sakin Kate. Nung nakaraan ang sabi ko may business trip kayo ni Sir. Arthur. Muntik na nga akong sapakin ng hayop na yan eh. Tsk!" Tumalikod ito at kumuha ng tubig sa ref.

Mula kasi ng mangyari iyon ay dito na ko namalagi sa tinutuluyan ni Emy. Natatakot ako. Hindi dahil kay Ace kundi natatakot akong baka kapag nabigyan ako ng pagkakataon na kaming dalawa lang ay ibaba ko na naman ang panty ko at mag paka tanga ulit sa lalaking yon.

Umupo na lang ako at itinuloy ang pagkain sa mesa. Nilapitan ako ni Emy. "Besh kausapin mo na kasi!" Agad na umarko ang isang kilay ko.

"Emy! Ano ba! Ikaw ang nag sasabi saakin noon, Tama na! Isuko mo na! Ngayon na sumuko na ko, ikaw naman tong nag tutulak para kausapin ko?. Ano ba talaga?" Eksplana ko. Nakak inis kasi dati ayaw na ayaw niya kay Ace. Ngayon naman awang awa na siya.

"Kate, hindi ko naman siya pinapakausap sayo kasi gusto kong mahalin mo ulit siya. Pinapakausap ko siya sayo kasi kahit anong tago ang gawin mo, mahahanap at mahahanap ka pa rin niyan. Ano? Hanggang kailan ka mag tatago? Bakit di mo na lang siya harapin? Sabihin mo sa kanya na ayaw mo na talaga! Na hanggang doon na lang yon. Kausapin mo ng maayos." Sira ulo din ang isang to eh.
"Hmmm! Nangangati lang yang ungas na yan! Kaaalis lang kasi ng jowa niya! Bayaan mo nga yan!" Pag mamaktol ko. Ito talagang si Emy pinag pacutehan lang ni Ace lumambit agad.

"Hoy Emy! Baka nalilimutan mo kung sino yang nasa labas! Wait nakalimutan mo ata! Sino nga ulit yung nasa labas?" Tanong ko.

"Si Ace Ortega. Ehhhh!!" Kinikilig pa ang mukha nito.

Nanggigil tuloy ako. Mukang nalimutan niyang galit siya sa lalaking yon.
"Oo Siya nga Emy! Ano na nga ulit ang tawag sa kanya nung college tayo?" Paglilinaw ko.

"Womanizer!" Anito.

"See! Muka ngang tinalaban ka ng pagiging womanizer nya eh!" Ani ko at nag patuloy sa pagkain hanggang maubos ko.

"Besh ano kaba! Kausapin mo na kawawa naman yung tao oh!!" Wika pa niya.

Kinamot ko ang ulo ko dahil nanggigigil ako sa isang to. "Ewam ko sayo! Naawa ka sa ungas na yan? Sakin di ka naawa?" Nilagok ko ang tubig sa baso bago tumayo.

Tumayo ako at akto ng sisilip sa pinto kung andon pa ba siya ng bigla akong itulak ni Emy."Ay hudas ka!!" Nabanggit ko sa pagkaka gulat.

Agad ko namang naagaw ang atensiyon ni Ace na naka sandal sa kotse niya. "Kate!" Bakas sa boses niya ang pag aalala.

Tiningnan ko si Emy at pinanglakihan ng mata. "Sorry!"

Inayos ko ang sarili ko. Naka short lang ako at spaghetti hangdress. Nasa bahay lang naman kasi ako ngayon at walang inaasahang bwisita kaya ganto ang suot ko.

Agad siyang lumapit sa gate kung nasaan ako. "Hindi naman siguro mahaba pag uusapan natin no? Dito na lang tayo sa labas." Agad kong isinara ang gate at lumabas.

"Kate. Tinataguan mo ba ko?" Anito sa baritonong boses.

Humalukipkip ako. "Bat kita tataguan?"

Hahawakan niya sana ang kamay ko ng bigla ko itong ihagod sa buhok ko.

"Hinahanap kita eh. Ang tagal mo ng di nag papakita sakin." Ani to sa malambing na tinig.

Kung ako lang ang dating Kate, siguradong hinalikan ko na to kanina pa. "Ace, busy ka diba? Busy ka sa gf mo. Saka bakit mo ba ko hinahanap? Me papagawa ka ba sakin? O gusto mo ng bed warmer? Summer na summer Ace." Hilatsa ko rito.

Umatras siya at sumandal sa kotse niya. "Kate may problema ba tayo?" Anito.

Sabi na nga eh. Hindi niya mararamdaman ang gusto kong iparating. "Wala. Wala namang TAYO Ace!" Sabay irap ko rito.

"Kate ano ba? Hindi na kita maintindihan eh. Iniiwasan mo ko, tinataguan mo ko. Ang cold ng treatment mo. Dahil ba to kay Bianca?"

Natawa ako ng mahina. "Nakuha mo! Eksaktong eksakto Ace!....

...Ano mo nga ulit si Bianca?" Tanong ko.

"Girlfriend ko siya. Pero--" di pa siya tapos sa sasabihin niya ng putulin ko ang litaniya niya.

"Exactly Ace. May girlfriend kana. Tapos na ang pagiging Psuedo Relationship natin." Paliwanag ko rito.

"Kate, nakikipag hiwalay kana ba sakin?" Seryoso ang hitsura niya. Konti na lang at bibigay na ako.

"Ace, hindi natin kelangan mag hiwalay. Dahil hindi naman naging tayo." Totoo ang lahat ng sinabi ko.

Nakita ko ang pag tiim ng bagang niya. "Kate ano ba!! Napipikon na ko sayo ah!" Nilapitan na niya ako. Pinilit niyang kunin ang kamay ko pero binawi ko ito.

"Okay lates get straight! Do you love her?" Tanong ko sa kaniya. Tumango siya.

"Do you love me?" At hindi siya nakapag salita. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Sabi ko na nga eh. Dapat hindi na lang ako nag tanong. Alam na alam ko na kung ano ang sagot.

"I should hove not ask you. Alam ko naman ang tamang sagot!" Tumalikod ako sa kanya at pumasok sa loob. Nilock ko ang gate pero malalaki naman ang awang nito kaya nakikita ko pa din siya.

"Kate. Sandali... sandali lang! Mag usap muna tayo!" Awat niya saakin.

"Ace! Tama na! Ayoko na! Pagod na ko. Kung hindi mo ko kayang mahalin, Atleast let me be happy with someone else!"
Tuluyan na kong pumasok sa loob ng bahay.

"Besh" salybong sakin ni Emy.

Inirapan ko ito at marahas na pinunasan ang kuha ko. "Ikaw kasi ang kulit mo! Ayan tuloy!" Sisi ko rito. Agad akong tumungo sa kwarto at doon umiyak ng umiyak.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon