2: Regalo

17 0 0
                                    

Kakatapos lang ng graduation ko. Dumiretso agad kami dito sa bahay dahil meron naman kaming kaunting salo salong inihanda.

Hindi ko nga akalaing madami dami pala ang pupunta. Kaya heto nag titimpla tuloy ako ng juice. Pang tatlong timpla ko na to sa isang malaking water dispencer.

"Akina! Buhatin ko na!" Alok naman ni Ace. Andito na pala ang ngongo na to. Bakit kaya ngayon lang siya dumating.
Siguro may inasikasong mas importante.

Inirapan ko siya. "Bakit ngayon ka lang?"

Nginitian niya lang ako.
Kainis! Bakit ba nawawala lahat ng galit ko sa kanya kapag nakikita ko yung dimples niya.

"May binili pa kasi ako eh!" Sabay buhat nito ng galon kung saan tinimpla ko ang juice.

Sinundan ko lang naman siya palabas.

"Kate! Congrats ha!" Bati sakin ng isang kaklase ko. Naka upo sila kasama ng ibang mga classmates din namin sa section ko.

Ngumiti lang naman ako dito. At nag pasalamat.

Aalis na sana ko kasi susundan ko si Ace kaso nag salita pa yung isa kong kaklase. "Kate ang galing mo talaga! Sabi na nga eh! Ikaw magiging cum laude! Deserve mo talaga yan! Sipag mo kaya!"

Nagpasalamat na lang ako sabay excuse sa kanila. Papano nawala na naman sa paningin ko si Ace.

Lumabas ako ng gate para tingnan kung andon siya. Hindi ako nag kamali. Nasa labas siya nag yoyosi.

Agad akong lumapit para kunin ang atensiyon niya. Tinapon naman niya agad yung yosi niya.

"Bat andito ka? Nasa loob yung pagkain. Wala naman dito! Saka hinahanap ka ni Tita!" Pag sisinungaling ko.

Lumapit siya sakin. Naka pamulsa ang dalawa niyang kamay.

"Nagpapahangin lang! Saka hinihintay ko yung tropa ko. Makikituloy daw siya sa bahay eh. Galing ng States." Tumango lang naman ako.

"Ay nga pala. Pinadiretso ko muna siya dito ah! Kasi sabi ko mamaya pa ko uuwi. Celebration ng pinaka mamahal kong kaibigan eh! Kako! Ok lang ba?" Tanong nito sakin.

Nagkibit balikat lang naman ako. "Oo naman! Marami pa namang pagkain sa loob. May maabutan pa naman siya kung sakaling papasok siya sa loob!"

Natawa siya. "Mas gusto non alak!" Pagbibiro niya.

Napa iling na lang ako. "Meron din naman sa loob!"

Natahimik kami ng kaunting segundo. Naka titig lang siya saakin at hindi ko yun kinakaya. Para akong yelo na natutunaw.

"Nga pala! Ano palang binili mo kanina? At late ka ng dumating?" Palusot ko. Pakiramdam ko kasi mapapaluhod ako sa titig niya sakin.

Naglakad pa siya palapit sa akin. Mas lalo tuloy niya akong tinitigan. Mali ata ang naitanong ko.

"Gusto mo talagang malaman?"
Unti unti niyang hinigit ang baywang ko na siyang nag patayo sa lahat ng balahibong meron ako sa katawan.

"Pikit!" Utos niya.

Manlalaban pa sana ako kasi baka kung anong kalokohan lang ang gawin niya sakin. Pero pinatahimik niya ako agad.

"Kapag hindi ka pumikit! Hindi mo malalaman!" Pagbabanta niya.

Kaya imbis na manlaban eh ginawa ko na lang kung anong gusto niya.

Pikit ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang hininga niya sa gilid ng tenga ko. Maya maya lang naramdaman kong may parang mabigat na naka lagay sa leeg ko.
Dahan dahang nawala ang hininga niya sa tenga ko.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon