16: Two Red Lines

6 0 0
                                    

12:07 pm

Pagcheck ko sa suot kong relong pambisig. Nag lunch out ako upang mag pacheck up sa pinaka malapit na hospital mula sa building namin.

"Doc napapadalas po kasi pagkahilo ko. Tapos napapansin ko po madalas sumakit sikmura ko. Kaya po pag umaga eh nagsusuka po ako." Pag amin ko sa doktor na kausap ko ngayon.

Natatakot akong baka bumalik ang dati kong sakit na ulcer. Ilang araw na kasi akong ganto. Ang mga kinakain ko ay isinusuka ko din.

"Do you have a history of ulcer?" Tanong ng doctor.

Napa tango siya. Ngunit habang pinag mamasdan ang Doktora ay mukhang hindi ito sumasangayon sa sinabi niya.

"I dont think its ulcer Ms. Sandoval." May kinuha ito sa drawer na nasa gilid lang din ng mesa niya. "Try this." Maikling suhesyon ng doktora. Napa arko ang kilay ko ng makita niya ang pregnancy test na inilapag ng doktora.

"Hindi pwede!" Ani ko sa utak ko. Hindi pwedeng mangyari ito.

Oo ngat patuloy lang kami sa ginagawa namin ni Ace ngumit ni minsan ay hindi kami gumamit ng kahit anong contraceptive. Posible nga kayang buntis ako?

"If the result is negative then saka lang tayo gagawa ng ibang test." Ana ng doktora.

Kahit ayaw maniwala ay kinuha ko ang maliit na cup at ang pt na ibinigay niya. Nagtungo ako sa comfort room na pinaka malapit.

Ginawa ko ang proseso na kinakailangan. Napakaraming pumapasok sa utak ko sa mga oras na ito. Napaka laking gulo ng magagawa ko kung sakaling mag positive ito.

Habang hinihintay ang resulta ng pt ay napa sandal ako sa sink at tinakpan ko ng aking mga palad ang aking mukha. Kinakabahan ako. Nanginginig ang mga laman ko. Anytime ay pwede akong bumagsak. Napakapit ako ng mabuti sa sink upang hindi ako mabuwal.

"Ano ka ba Kate! Bat kasi hindi ka nag ingat!" Kastigo ko sa aking sarili.

Ipinikit ko ang aking mga mata upang kalmahin ang aking sarili.
"Relax!. Enhale! Exhale! Ulitin mo ng one hindred times!" Ani ko sa aking sarili.

Muli kong iminulat ang aking mga mata upang makita ang resulta ng pt.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang "Two Red Lines!" Mahinang banggit ko.

Napahawak agad ako sa tiyan kong impis. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na to. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang tumulo ang mga luha ko.

Nakaramdam ako ng magkahalong saya at lungkot. Saya, dahil may munting nilalang ang nabubuhay sa sinapupunan ko. Lungkot, dahil hindi ko alam kung paninindigan ba siya ng tatay niya o kung tatanggapin man lang ba siya nito. Gayong wala akong pinanghahawakan kundi ang relasyong "Psuedo Relationship" na meron kami. Isa pa, may girlfriend ang tatay mo anak. Paano ko sisimulang palakihin ka ng mag isa? Tanong ko sa aking sarili.

Pinahid ko ang mga luha na tumutulo sa aking mga mata. Nag desisyong akong bumalik kay Dra. Para malaman ko kung ano ang kundisyon ng bata at kung ilang bwan o araw na ba akong buntis.

"Congratulations Ms. Sandoval. I told you its not ulcer." Nakangiting wika nita.

Ngumiti ako bilang ganti. "Dra. Pwede ko po bang malaman kung ano ang kundisyon ng bata? At kung ilang araw o buwan na ba siyang nabubuhay sa sinapupunan ko."

"Sure, halika! Doon tayo." Kinayag niya ako sa isang madilim na kwarto. Pinahiga at nilagyan niya ng gel ang tsan ko at saka ako sinuri gamit ang ultra sound.

"The heartbeat is normal, and its 8 weeks and 5 days old Ms. Sandoval." Napangiti ako ng marinig ko ang heartbeat ng anak ko. Pakiramdam ko sinasabayan niya ang bawat pag hinga ko.

Nang matapos ang ginawang pag susuri saakin ay nagpaalam na ako kay Dra. Delos Reyes. Ang sabi niya saakin irerefer daw niya ako sa kaibigan niyang Obgyne para doon na mag pacheck up monthly.

Sakay ng taxi ay bumalik ako sa opisina.
Agad akong sinalubong ni Emy.

"Besh! Buti naman naka balik kana! Oh ano sabi ng doktor?" Pang uurirat niya.

Tiningnan ko siya ng may matamlay na tingin saka ako na upo sa swivel chair  ko.

"Ay deadma? Ano nga! Bumalik ba ulcer mo?" Halata sa boses nito ang pag aalala.

Inikot ko ang swivel chair para magkaharap kami. "Emy buntis ako!" Mahina kong bulalas dito.

Ngumiti si Emy saka umiling. "Lakas mo mangtrip! Ano nga!" Natatawang sabi niya.

Dinukot ko ang pt aa bag ko saka ipinakit sa kaniya.
"OH MY GHHHHAAAADDD KATEEE!" sigaw niya. Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka may maka rinig saamin.

"Totoo nga!" Nanlalaki ang mata niya sa nakikitang pt. "Oo ayan na nga diba!" Naiinis kong tugon.

"Kateeee! Ano ka ba! Bakit di ka gumamit ng protection? Tsk!" Pagalit niya saakin.

Binuksan ko ang computer para ituloy ang ginagawa kong report kanina na hindi natapos.
Hindi ko na siya sinagot.

"Anong balak mo ngayon?" Muli niyang tanong.

Nag kibit balikat lang ako. Sa totoo lang hindi ko din alam. Ano nga ba?
"Ano sa tingen mo Emy? Dapat ko bang sabihin kay Ace?" Tanong ko sa kaniya habang hindi inaalis ang mata sa screen ng computer.

Hila hila ang swivel chair niya hinarap ako ni Emy. "Dapat lang malaman ng sira ulong lalaki na yon ang responsibilidad niya Kate! Pero dapat handa ka. Tandaan mo, may Bianca kang haharapin." Litaniya niya.

Oo nga pala. Nandito nga pala si Bianca. Ilang buwan na dito si Bianca, pero nagpapatuloy pa rin kami ni Ace sa ginagawa namin. He's there when I need him. I'm there too when he need me. May mga gabi pa nga na sa apartment siya natutulog dahil na stress daw siya kay Bianca. Nagiging masungit daw ito sa kaniya at nagiging mainitin ang ulo nito.
"Two months!" Ani ko sa aking sarili.

"Ano?" Tanong ni Emy. Sobrang hina kasi ng sinabi ko.

"Two months na kong buntis Emy."

Nagsalubong ang kilay ni Emy. "Two months? Eh four months ng nandito si Bianca! So ibig sabihin, kahit nandito na si Bianca, nag chuchukchakan pa rin kayo ni Ace?" Tanong niya. No way to a lair, so I nod ny head as an answer.

"Anak nam! Nilanding kuting naman oh Kate! Alam mo gustong gusto kitang sampalin ngayon Kate alam mo ba yon?" Nanggagalaiting wika nito.

"Hindi ko na alam gagawin ko Emy!" Sabay nagsituluan ang mga luha ko.

Niyakap ako ni Emy. "Bat ka umiiyak? Blessing yan besh! Ano ka ba? Kung hindi ka paninindigan ni Ace andito naman ako. Tutulungan kita noh!"

"Thank you!"... niyakap ko siya pabalik.

"Wait may isa ka pang problema Kate. Paano mo sasabihin yan kay Alex?" Anito.

Oo nga pala. May Alex pa nga pala akong dapat kausapin.

"Emy, makikipag hiwalay na ako kay Alex." Pag amin ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Bakit? Mahal na mahal ka nung tao Kate! Tapos hihiwalayan mo lang?" Suhesyon niya.

Hinarap ko siya. "Emy! Magiging unfair ako sa kaniya. Knowing that I am caring other mans baby? What do you think?" Ekspalana ko.

Hindi na muling naka sagot si Emy. Sa tingen ko sumang ayon din ito sa akin.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon