28: Unexpected Meet up

6 0 0
                                    

Ace POV...

"Boss, Winsome Beach Resort po. Kararating lang nila kagabi, mga pass two o'clock po ng madaling araw!" Report sa akin ni Lester kaning umaga.
Kaya nag madali agad akong pumunta sa kung saan man ang sinabi niyang resort.

Naka rating ako ng alas kwatro ng hapon sa resort na sinabi ni Lester. "One room please!" Ani ko sa babaeng nasa harap ko.

"Here is the key Sir. Room 23 right side Sir."
Naglakad ako sa direksiyon na itinuro niya.

Nang maayos ko angbmga gamit ko ay pinili kong lumabas kasi nagugutom na ako. Hindi pa nga pala ako nag lunch. Paano pag dating ko ng bahay kanina, si Bia agad ang naka kita sa akin. Nag away na naman kami. Nakakapagod na din talaga.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Basta naglalakad lang ako na parang may sariling utak ang mga ito kahit hindi ako familiar sa lugar na ito.

Nahinto ako sa isang Filipino style restaurant di kalayuan sa pinag check-in-han ko. Pumasok ako upang tingnan kung anong pwedeng kainin sa loob dahil kumakalan na talaga ang sikmura ko.

Pang apat ako sa pila nang maamoy ko ang isang pamilyar na luto ng pagkain. "Beefsteak!" Tugon agad ng utak ko. Naalala ko na naman si Kate. Favorite niya ang pagkain na yon.

Bumuntong hininga ako dahil sa naisip ko. "Saan kita makikita dito?" Tanong ko sa isip ko habang inilibot ko ang mata ko sa labas ng resto. Kahit hindi ako sigurado kung totoo ngang andito kayo, sumugal pa rin ako. Nagbabakasakali pa din akong mag kikita tayo Kate.

---
Kate's POV

Buhat buhat ni Alex si Acey ngayon na naka tulog na sa balikat niya dahil sa sobrang pagod. Napag pasyahan naming bumalik na sa bahay na inupahan namin upang makapag pahinga.

Dahan dahan lang ang paglalakad na ginagawa namin dahil gusto ko pang maramdaman ang malamig na hangin at ang mga pinong buhangin sa paa ko.

"Are you enjoying?" Basag niya sa katahimikan namin.
Nilingon ko siya upang mag tama ang aming mga mata. "Sobra." Yan lang ang nasambit ko. Ngumiti siya sa akin bilang pag sang ayon.

Bakit ba hindi ko magawang mahalin angbisang to kahit sobra sobra na ang ipinapakita niyang pag papahalaga saakin at sa anak ko. Siguro'y kung naging siya lang ang ama ng anak koy may pag asa pa. Kaso kahit anong pilit kong mahalin siya ay hindi ko magawa. Nakonsensiya tuloy ako sa naisip ko.

"Alex!" Tawag ko sa kaniya.

Nilingon niya akong muli. "Umh?"

"Thank you ha!"...

"Kasi naging mabuting ama ka sa anak ko kahit alam mong hindi mo naman siya anak. Eh mukang mas mahal ka pa niyan kaysa saakin eh!" Natatawa kong sabi.

Tumawa din naman siya ng mahina. "Kate, ano bang sinabi ko sayo? Anak ko si Acey okay? Hindi mab siya sakin galing. Itinuring ko siyang tunay na akin. Kaya hindi mo kailangang mag thank you diyan!"

"Naisip ko lang kasi, baka nagiging unfair na kami para sayo. Palagi mo kaming inuuna, hindi ka na nga maka hanap ng babaeng babagay sayo eh. Kasi kami lagi ni Acey ang inaalala mo."

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na desisyon kong maging single at hindi yon dahil sa inyo ni Acey. Saka pakiramdam ko kasi, hindi ako magiging masaya sa ibang babae. Sayo lang!" Mahina ang huling salitang sinabi niya.

Namula naman ako sa sobrang hiya. "Alex naman eh!" Pag mamaktol ko.

Tumawa siya ng mahina. "Joke lang!"

"Seryoso. Alam mo wish ko para sayo, maka hanap ka ng babaeng mag mamahal sayo at yung pahahalagahan ka. Kasi deserved mo yon Alex. Of all people ikaw dapat yung minamahal, iniingatan, hindi pinapakawalan...
...And I'm sorry I can't be that woman. Hindi ako yung para sayo!"

"Hindi ako yung para sayo!"

Nag chorus kami sa huling linyang binitawan ko kaya napa tingin ako sa kaniya.

"Alex naman iiihhh!" Hinampas ko siya sa braso.

Biglang gumalaw si Acey, kaya medyo natigilan kami.

Natawa siya sa nangyari. "What? Memorize ko na kasi yang linyahan mo eh. Wala na bang iba? Yung mas masakit diyan? Kasi immune na ang puso ko sa salitang yan!" Pag papatawa niya.

Inirapan ko naman siya. "Seriously. I'm sorry!" Ani ko.

"I'm sorry if I can't loved you back. I'm sorry I can't be the right woman for you. I'm sorry Alex. I really do. Kaya kapag naka hanap ka ng babaeng mag mamahal sayo at mamagalin mo? I'll be the most happiest person for you."

Hindi na siya nag salita. Hinalikan niya ako sa ulo.

Nang maka rating na kami sa bahay, ibinaba niya si Acey sa kama at nagpaalam na din upang mag pahinga.
Nahiga na din ako upang magpahinga na din.

..................
Sa hindi malamang dahilan, kanina pa ako paikot ikot sa kama namin pero hindi pa din ako maka tulog. Tiningnan ko ang relo sa side table. "11:43 am"mag uumaga na pala.
Nagpasya akong tumayo at lumabas ng bahay upang mamasyal sa dalampasigan.

Naupo ako sa isa sa mga bench doon upang damhin ang simoy ng hangin. Ilang minuto pa ang itinagal ko bago maramdaman ang lamig ng paligid. "Bakit ba kasi hindi ko nadala ang balabal ko." Kastigo ko sa aking sarili.

Napag pasyahan kong lumakad lakad muna para mawala ang lamig na nararamdaman ko. Mag uumaga na pero ang mga tao dito ay parang walang balak mag pahinga. Madami pa din sila.

Nakuha ng nag pafire-ball ang atensiyon ko. Lumapit ako doon at nakipag siksikan sa mga tao. Pinanood ko siya sa pag sasayaw gamit ang fireball. Malakas ang musikang sumasakop sa buong sistema ko pati na rin sa mgabtaong nandito. Halos hindi sila magka rinigan.

Isang lalaki ang lumapit sa akin. Hindi ko tiningnan ang mukha niya, doon ako tumingin sa iniaalok niya sa akin. Isang basong may lamang wine.
"No, thank you!" Tanggi ko.
Ni hindi ko nilingon ang pag mumukha niya. Hindi ako nakikioag eye contact sa mga hindi ko kilala. Iniiwadan kong ding makita ang mga mukha nila dahil Alam ko namang gusto lang nito ng ka fling.

Itinuon ko ulit ang atensiyon ko sa nag sasayaw. Upang ipakita sa lalaking nag alok saakin na hindi ako interisado sa kaniya.

Pero ilang minuto na ang lumipas ay nandodoon pa din siya at naka abang ang baso ng wine na iniaalok niya.

Nag pasya akong lumayo sa pwesto kung nasaan siya. Lalakad nang hilain niya ang pala pulsuhan ko.

"Hey I'm not! interested okay? I already have a chaaa--" hindi pa ako tapos ng mag salita siya.

"Alam ko!"

Kahit hindi ko siya tinitingnan at boses lang ang nadinig ko nanayo ang mga balahibo ko. "Ang boses na iyon!" Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit gaano pa kalakas ang musika dinig na dinig ko ang boses niya.

Boses na apat na taon kong hindi nadinig. Na pinilit kong kalimutan at burahin sa sistema ko. Pero hindi ko pa din pala nabubura. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hinila ko ang kamay ko pabalik at tiningnan siya. "Hey!" Yun lang ang nasabi ko.

"Hey" aniya din. Ilang minuto pa niya akong tinitigan at ganoon din ako.

Nag bago ang hitsura niya. Hindi ito ang mukhang ine-expect ko. Malayo ang hitsura ng Ace na kilala ko sa nakikila ko ngayon. Mahaba ang buhok, at balbasin na tao na. Pumayat siya ng sobra, at may lungkot sa mga mata niya.

"Kate? Can we talk in some peaceful place?" Ani niya.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon