8: Win you

7 0 0
                                    

Kate's POV

"Seryoso ka?" Napa tunganga si Emy sa mesa ko dahil sa sinabi ko.

Naikwento ko kasi sa kanya ang nagyari kagabi. At ikinuwneto ko din kung ano ang mga nalaman ko.

"Oo. Bakit? Masama ba?" Tanong ko habang inaayos ang make up ko.

Napa palo sa noo niya si Emy. "Gaga! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Nahihibang kana sa Ace na yan. KATE!Gumising ka! Ikaw ang babae ikaw ang manliligaw?. Letse ka!" Anito matapos kong sabihing nakapag desisyon na akong ako na lang ang gagawa ng mga moves para mainlove sakin si Ace.

"Bakit ba? Emy? Hindi naman ikaw ang iiyak kapag na busted ako ah?. Saka kung mabastend man ako, may step two,three,four,five at marami pang step to win him!." Kinikilig kong sabi.

Nag haist naman siya bago mag salita. "Oo nga! Hindi nga ako! Pero worried ako sayo! Kasi kaibigan kita. At saka pwede ba? Mahalin mo muna ang sarili mo bago mo mahalin ang ibang tao. Nagpapaka gaga ka sa taong hindi naman alam kung may feelings ba talaga para sayo o oinag paoarausan ka lang!" Galit niyang sabi.

Naiintindihan ko naman siya. Ayaw lang niya akong masaktan. Pero anong magagawa ko mahal ko talaga siya. "Thank you kasi andyan ka para makinig sa mga kwento mo. Thank you kasi lagi mo akong pinapaalalahanan. Thank you kasi mas natatakot kapa para sakin kaysa ako sa sarili ko. At thank you kasi kahit sobrang tigas ng ulo ko hindi mo pa din ako iniiwan!" Kinindatan ko siya at tinapik sa balikat.

Nakita ko naman ang pagka gaan ng pakiramdam niya. "Aahhhh! Syempre love kita." Hinaplos niya ang mga palad ko.

"See!! kung anong nararamdaman mo sa sinabi ko sure akong mararamdaman din yun sakin ni Ace. At sasabihin niya din saakin na love niya ako!" Kinikilig kong sabi.

Siya naman ay agad na pumorma ang lukot sa kanyang mga mukha. "Ewan ko sayo! Baliw kana talaga!!!" Sigaw nito.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Yes I know. I'm insane!" At sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko.

Inirapan lang naman niya ako at nagpunta na sa working table niya.

6:00 pm

"Bye Everyone!" Paalam ng isa kong katrabaho.

"Bye!"

Napatingin ako sa wrist watch ko. "Six o'clock na pala.uuummmhhg!" Nag inat ako bago tumaya.

"Kate! Tara na!" Aya naman sakin ni Emy. Agad naman akong tumayo.

Kinuha ko ang bulaklak na nasa mesa ko. Nagpadeliver kasi ako ng bulaklak kanina para ibigay kay Ace. Well first step? Ligawan si Ace Ortega.

"Talagang tinotoo mo yan ah!" Nanggigigil na turo ni Emy sa bulaklak na hawak ko.

Tumawa lang naman ako. "Sasabay ka ba samin? Nasa baba si Hans gamit kotse niya. Baka di ka na naman sunduin ni Ace eh!" Anito.

"Uh? Hindi. Susunduin niya ko. Tinext ko na siya kanina. Nag reply naman siya." Pag yayabang ko dito.

Paglabas namin ng building nakita ko na agad ang kotse ni Ace na naka parada. Pero hindi manlang siya bumaba. Nasa loob siya at mukang gawa na din ang aircon ng kotse niya. Nakakapag taka.  Sobrang tagal na naming mag kasama pero ngayon lang niya pinagawa ang aircon nito. Nakakapag taka talaga.

Sa wakas ay bumukas ang bintana ng kotse niya. Agad akong lumapit dito. "Kanina ka pa?" Tanong ko dito.
Hindi ito sumagot at tumango tango lang.

Sasakay na sana aka sa passenger's seat ng bigla niyang bukasan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Si Bianca?

"Kate, sa likod ka na lang." Ani Ace na mukang ngiting ngiti ito.

Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa likod at doon sumakay.
Pinapanood ko lang sila habang nag lalandian sa harap ko. Ang bulaklak na hawak ko na dapat ibigay sa kanya ay agad kong niyakap ng mahigpit.

First step rotten agad agad.

"Kate? Okay ka lang?" Tanong ni Ace. Sa salamin lang kami nag usap. "Huh? Ah? Oh-Oo." Tiim kong wika. Ni hindi ako maka hanap ng tamang salita para sa mga nararamdaman ko sa mga oras na to.

"Umh? Mukang masugid talaga yang manliligaw mo ah? May pabulaklak pa." Hindi ako naka pag salita sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit. Para lang akong na estatuwa sa mga nkikita ko.

Lumingon si Bianca sa lugar ko bago nag salita. "Wow, so sweet naman of your suitor. Bakit di mo pa sagutin?" Tanong niya.

'Wala kang paki elam kung ayaw kong sagutin! Mind your own business!' Mga salitang gustong lumabas sa labi ko pero tae talaga! Iba ang lumabas.

"Huh? Ah eh ano, tinitingnan ko pa kung handa ba akong samahan hanggang dulo. Yung iba kasi pinapasaya ka lang tapos iiwan ka din. Tapos minsan akala natin siya na, pero hindi pala. Ayoko lang ammmhh masaktan. Ayokong masaktan ulit. Nasaktan na niya ako dati eh." F*ck pakiramdam ko iiyak ako.

Tumawa lang naman siya ng mahina. "But love is sweeter the second time around. Right love?" Anito kay Ace na hinaplos pa ang mga pisngi.

Love? Just wow. So tama ang hinala ko. Mukang sila na ata talaga.

Theres no way to figure it out kung di ako mag tatanong. "Ehem. Kayo na ba ulit?" Lakas loob kong tanong.

Parehas naman silang napatingin sakin. "Not yet. But we're getting there. I mean bakit pa natin patatagalin? We both know each other so well love. Lets just continue our love story." Sabi ni Bianca na patuloy sa paghaplos sa pagmumukha nitong si Ace.

Pakiramdam ko sinasaksak ako ng milyong milyong kutsilyo sa dibdib. Tumingin sakin si Ace. Nakita niya kung paano ako nasasaktan. "Not too fast love." Wika nito na naka tingin pa rin sa salamin.

"I'm happy for the both of you." Wika ko.

Hindi naman sila nag salita. "Ahmm Ace, can you please drop me in the intersection? May nag hihintay kasi sakin don." Pag sisinungaling ko.

I don't know but there is something in me saying that I need to skip this moment. Kasi kung hindi baka tuluyan na kong sumuko at itigil ko na ang ginagawa ko.

"Are you sure?" Tanong nito na halatang nag aalala sa sinasabi ko.

Hindi ako nagsalita. Tumango tango lang ako saka pumeke ng ngiti.

Bumaba ako sa kotse ng hindi lumilingon sa kanila. Naglakad lang ako sa sidewalk nang diretso. "Kate? Ingat ka. Text ka kapag naka uwi kana!" Narinig kong sigaw niya sa likod ko. Tumango ako pero di ako nag aksaya ng panahon para lingunin siya.

Narinig ko din ang pag alis ng kotse niya na binarurot pa niya. Parang bulang naglaho silang dalawa. Napa upo ako sa gilid ng sidewalk. Hindi ko na namalayan ang pag tulo ng mga luha ko. Hindi ko alam. Wala akong maramdaman kundi sakit.

"How can I win you? If you already give me the reason to give up?"

Umiyak ako. Iyak na sobrang lakas. Iyak na ngayon ko lang ulit nailuha. Sakit na ngayon ko lang ulit naramdaman. Yung pakiramdam ng mawalan sa pangalawang pag kakataon.

I seek for my phone and dial Emy's number. Ewan ko bahala na. Alam kong pagagalitan na naman ako ng isang to. Pero okay lang. Basta kailangan ko ng kasama.

"Hello bakla?...." anito sa boses na prenta.

"I need you." Narinig niya ang pag hikbi ko.

"Sh*t where are you?" Anito na halatang nag aalala. "Okay just text me your location I'll pick you up. Don't go away. Don't move. Just don't f*cking move Kate. Wait for me." Anito sa tarantang boses. I ended the call and continue to sob.

I'm in between of my sobs when someone pull my hand upward. Agad ko siyang niyakap at umiyak ng malakas. Gusto kong mawala lahat ng sakit. Gusto kong makalimutan si Ace kahit ngayon lang. Pero gusto ko din humanap ng kahit isang dahilan lang para ipaglaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon