14: Love over anything

5 0 0
                                    

SPG alert!!

"Bye!" Paalam ni Emy sa kaibigan ng sumakay ito sa kotse ng kasintahan niya.

Ngumiti naman ng malapad si Kate at nag paalam din "Bye see you later!" Natatawa nitong sabi.

Magkabahay naman sila ngunit hindi sila nag sasabay ng uwi. Ayaw kasi ni Kate ng nakaka istorbo sa ano mang moment ng dalawa. Kaya mas gusto pa niyang mag hintay ng sundo ni  Alex o di kaya ay mag-commute kung kinakailangan.

Tumingin ito sa kaniyang relong pambisig. "Six thirty na pala" nag aalalang sabi nito. Dapat sa ganitong oras ay nandoon na ang kasintahan.

Kinuha niya ang telepono at idinial ang numero ng kasintahan. "The subscriber cannot be reach please try again later!" Pinatay niya ito at nag pasiyang maglalakad na lang papunta sa sakayan.

Nasa gitna siya ng paglalakad ng may lalaking tumabi sa kaniya. Inakbayan siya nito na ikinagulat niya. Ng masilayan niya ang mukhang hindi naman pamilyar sa kaniya ay agad siyang kinabahan. Pasigaw na sana siya ng bigla siyang tutukan nito ng patalim sa tagiliran sabay bulong ng "Subukan mong sumigaw ng kumalat ang laman loob mo dito!" Natahimik siya sa sinabi ng mama. Unti unti ay naka ramdam siya ng pagka manhid ng katawan. Gustong tumulo ng mga luha niya ngunit parang walang mahanapang butas ang mga luhang hindi mahulog hulog sa mga mata niya.
Nanlamig din ang mga palad niya kasabay ng nginig ng mga tuhod.

"Ah-Ano pong gusto niyo? I--Ito na po yung bag ko. Ku-kunin ninyo na- po!" Agad niyang tinanggal ang paglaka yakap sa bag at ibinigay ito sa holdaper.

"Ayan! Mabait ka naman palang kausap!" Tumawa ito ng mahina pero nakaka takot.
"Yan kwintas mo trip ko yan! Hubarin mo!" Anito sa kwintas na suot niya.

"Ho?" Naguguluhang wika nito. Ngunit parang mali siya ng sinabi at idiniin pa lalo ng lalaki ang patalim sa tagiliran niya. "Bingi ka ba! Ang sabi ko yang kwintas mo! Hubarin mo!" Pasigaw ang lalaki na ikinatakot niya.

Hindi maaari. Ito lamang ang kaisa isang regalo ni Ace sa kaniya kaya hindi niya maaring ipamigay ito. "Ahh Manong, wag naman po pati ito. Ito na lang hong relo ko original po yan. Maibebenta niyo po ng--" ngunit hindi pa siya tapos ng muling sumigaw ang lalaki.

"Huhubarin mo ba yang kwintas oh isasaksak ko na ito sa tagiliran mo!"

Agad na natakot si Kate sa sinabi ng lalaki kaya automatikong napahawak siya sa lock ng kwintas niya.

"Bilis!" Pagmamadali ng lalaki.

Nairita si Kate sa inaasta ng holdaper kaya napa sigaw ito sa sobrang bwiset."Teka lang naman kuya! Bat madaling madali ka ata! Luluwas ka ba? Ang hirap kayang---"

Hindi pa siya tapos sa pag hehesterika ng muling sumigaw ang lalaki. "Bilis sabiiiii!! Ang dami mong sinasabi eh!" Mas lalo pang diniinan ng lalaki ang tagiliran nito.

"Ohhh oo na kuya joke lang naman eh!!" Pagmamakaawa nito.

Umakto itong  nahihirapan sa pag tanggal sa kwintas ngunit ang totoo ay  umiisip ito ng paraan upang maka takas sa lalaki.
"Kuya bat ba kasi gusto mo tong kwintas ko? Eh hindi naman to totoo eh. Saka bigay po ito ng taong mahal ko eh, ito na lang ang meron ako kahit wala na siya!"

"Ang dami mong sinasabi---" hindi na natapos ang sinasabi ng lalaki ng bigla na lang itong tumurit sa harapan niya.

"Uwaaaahhhhh!!!" Napasigaw siya ng napaka lakas.
Napahawak siya sa dibdib niya at sa kwintas na suot niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaking naka hulagpos sa sahig. Napa atras siya  habang naka hawak sa dibdib nito. Parang naka hakahanap siya ng paraan para maka takas.

Pseudo RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon