Its a bright and sunny day, tamang tama para mag bike, Hi I'm Clyde Pascual mahirap pero gwap— Aray!
"Bulag ka ba? Haist alam na one way dito dadaan!"
Ang sakit ng pwet ko bwiset!
"Hoy! Dika ba tatayo dyan? O gusto mong higitin pa kita?"
Sino ba tong ang sama ng tabas ng— (gulp) patay kang bata ka...
"Tititigan mo nalang ba ko Pascual?! Tayo!" Inis na sigaw Nya, kaya napabalikwas naman ako kaagad ng tayo. Ghad nakakatakot talaga tong babaeng toh..
Oh? Kala nyo lalake? Babae yan , matapang lang talaga magsalita kase anak ng General. ..
"Oh buti naman natauhan ka na, mauuna nako! Saka mag ingat ka nga! Pano kung Hindi ako ang nabangga mo? Edi nabaranggay kapa?! Haish" sabi Nya at nag-bike na paalis
Nako sana nga iba nalang nabangga ko, nakakatakot kaya sya
Makauwi na nga...
Pagdating sa bahay nakita kong bihis na bihis ang pamilya ko. Bakit kaya?
"Anak! Ano ba namang dumi nyang damit mo! Nahulog kaba sa kanal? Magpalit ka nga at may lunch meeting tayo"
Ano bang bago dun, araw araw naman may lunch meeting (--,) wait sinabi ko bang mahirap ako? Let me rephrase that with— SONRANG YAMAN $
Anyway to make it all short, andito na kami sa restaurant nung lunatic na si Haunt, isa sa mga kaibigan ko. Nakaupo at hinihintay ang bagong iseset-up sakin ng Mama ko.
"Ay! Future Balae! Mabuti naman andito na kayo, come here let's take a seat. "
Bahala kayo dyan, kakain nalang ako dito. May kanina pa umuubo sa harap ka pero diko nalang pinansin, baka may tuberculosis lang...
"Pascual!"
Nanlaki ang mata ko at biglang napatayo ng matuwid. Teka ano bang ginagawa ng babaeng toh dito?
"Anak naman kase manners may bisita tapos para lang patay gutom na kain lang ng kain dyan"
wth?! Ma! (><!)
"Anyway balae this is my one and only daughter Amber , isn't she pretty like me?"
"Nako oo, eto naman ang anak kong si Clyde. Pagpasensyahan nyo na ang inasal Nya kanina "
"That's okay, so shall we discuss the wedding? "
"WEDDING?!" sabay naming sigaw
"Mga anak, in the end pasasalamatan nyo din kami na ginawa namin to, kaya sige na upo na ang let's talk about your upcoming marriage"
"Pero Ma! Pumayag ba si General dito?!"
"Sweety wala ang dad mo dito so you don't need to call him general, saka OO pumayag na sya"
Laglag ang balikat na umupo nalang si Amber at sinamaan ako ng tingin. Teka! Bakit sakin sya nagagalit?!(00)
Ang swerte nga Nya sakin eh! Mayama— wait SOBRANG YAMAN na habulin pa ng chix! San pa sya? Edi Kay Clyde Pascual na!
"Okay! Its settled! Sa ngayon hahayaan muna namin kayo ng balae na mag get to know each other habang aasikasuhin naman namin ang kasal nyo okay? Babush!"
"Pero Ma— aish nakaalis na"
"Ano nang gagawin natin? "
"Feeling mo naman magpapakasal ako sayo dahil gusto ko talaga tch. Kung Hindi lang pumayag si General Hindi ako sasang-ayon dito (--,)"
Sya pa choosy!?
"Hindi na ako gagamit pa ng GOOGLE dahil nung nakilala kita,the SEARCH is over." Sabi ko sabay kindat
"Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo Pascual, San ba nanggagaling yan sa butas ng ilong mo?"
"Wth? Hahaha funny ka, bagay ka sa showtime"
Pero sinagot Nya lang ako ng isang death glare kaya napatahimik nalang ako..
"Hindi ka ba kakain? Almost noon na oh?"
"A soldier eats at exact time"
"Luh? Soldier kaba? Di naman ah? Sige na kumain kana"
"Magagalit si general"
"Puro ka general (--,)" sabi ko, kinuha ko ang kutsara Nya at itinapat sa bibig Nya
"Oh sige na , wala naman dito papa mo, di naman Nya malalaman"
"I'm not hungry" tungon Nya at umiwas ng tingin. Sasagot na sana ako nang may marinig akong tyan na kumukulo..
"TSS" yan lang sinagot Nya Sabay kuha nung hawak kong kutsara Sabay kain. Di kayo maniniwala pero pati pag-kain eh kain sundalo sya!(00) the hell?!
"Mahirap ba?" I just said that out of the blue, Ewan ko din..
"Ang kumain?"
"Ang maging anak ng general"
"*sigh* I would be lying if I say no. Wala din naman akong choice he's my dad"
"Then I would help you experience what a teenager should be doing" sabi ko at hinila sya palabas...
Dinala ko sya sa kung saan saan.. Mall, park, pati nga sa computer shop and you know what I see?, Amber is still a girl after all. Ngayon andito kami sa sea side kumakain ng street food habang hinihintay ang sunset..
"Masarap pala toh? Grabe ngayon ko lang naranasan ang lahat nang ito. Thank you talaga Clyde, you made me feel free even just for a day"
"Wala yun, maliit na bagay. Oh luto na tong betamax mo"
We just sat here habang nanunuod ng sunset,i have never done this either you know hanging out with a girl except sa mga jowa ng mga kaibigan ko.
"You know what? Nagbago na pagtingin ko sayo"
"Mahal mo nako agad?!(00)"
"Ulol! I mean yung sa ugali mo"
"Mabait naman ako ah?"
"Oo kapag tulog (--,) tsk anyway about that marriage thing, what should we do?"
"Sa totoo lang? Wala din akong alam"
"I'm not a wife material Clyde, you deserved someone much better than me"
"You're more than enough"
"Ano?"
"Wala! Sabi ko I love you!"
"Kung sapakin kaya kita? "
"Dipa ko tapos eh! I love you-re smile hehe yun yon! "
"Lulusot kapa eh! Pumarito ka!"
Araykupo hinahabol nako ng Leon! Help meh!
"Kyaaah rapist!"
"Ang yabang mo talagang Cly—ahhhh!"
Lumingon ako to see what happened, pero dapat pala diko na ginawa. Kase sakin sya babagsak! Huhu ang sakit, teka ng— (0\\\0)
Our lips just met .. Parehas kaming nagulat kaya napabalikwas kami ng tayo..
"Sorry"
"No kasalanan ko, ang clumsy ko kase"
"Is that— your first?" I saw her blush so that answers my question. I touched my lip, I can still feel her sweet lips on mine fcvk!
"Nagbablush kaba?" Tanong nya
Am I?
END?
BINABASA MO ANG
𝐌𝐲 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐲 𝐈𝐬 𝐌𝐲 𝐅𝐢𝐚𝐧𝐜𝐞 | ✔COMPLETED
БоевикMatrimonio Arreglado Series #1 (BOOK 1 of 2) Highest Rank Achieved #1 Two young individuals in the world full of violence and power we call Gangsters. James Sagara, is not your ordinary dream boy ;He rules the school and was feard by lower rank Gan...