Chapter 19: Riddles and Confusion

7.6K 112 15
                                    

Kian was so ecstatic the whole time. Parang siyang bata habang itinuturo kay Kei ang mga rides na gusto niyang sakyan. Those were all extreme rides but Kei did not say any protest. Pinagbigyan niya ang binata sa lahat ng gusto nitong sakyan, mapa-Space Shuttle man ito o sa Roller Coaster.

May mangilan-ngilan din naman silang sinakyang rides na hindi delikado kagaya ng Flying Fiesta, Up, Up and Away at Bump Cars. They even went inside the Realto. Kei joked that they should try the Carousel too and she was laughing so hard when Kian agreed with it. Silang dalawa na lang ang pinagtinginan ng mga kasamang bata habang nakasakay at tumatawa sa naturang rides.

Nang makaramdam ng pagod ay pumunta sila sa food court. Umorder ng pagkain si Kian samantalang kumuha ng bakanteng lamesa si Kei.

Enchanted Kingdom was bigger than what Kian thought. Sa sobrang laki nito ay mapapagod ka talaga kahit ikutin mo lang ito. Hindi rin naman nawawalan nang makikita sa amusement park dahil bukod sa mga rides nito na nagkalat kung saan-saan ay marami ring magagandang gusali at sulok ito na magandang kuhanan ng pictures.

"So, kailan ang unang beses mo rito sa EK?" Kian asked as he took the seat opposite Kei.

Inabot nito ang isang sandwich at softdrinks sa dalaga. Nang tinanong niya kasi si Kei kung ano ang gusto niyang kainin ay 'yon lang ang isinagot niya.

"I was twelve years old then, field trip namin. 'Yon ang unang beses ko rito."

"Ang tagal na pala?" manghang tanong ni Kian.

"Hindi naman din 'yon ang last na punta ko before nitong ngayon," natatawang sambit ni Kei. "If my memory serves me right, this is my fifth time here. And, I am still amused with the whole place. Maraming ipinagbago pero masasabi kong lalo itong gumanda."

"Sino ang mga kasama mo sa unang apat na beses mo rito?"

Kei frowned. "Do I have to go with those details?"

Kian shrugged. "Gusto ko lang malaman. Para naman alam ko kung paano higitan ang una mong experiences dito."

Natatawang umirap ang dalaga dahil sa tinuran ng binata. "Really, Ki? Pati ba naman ang pamamasyal dito sa EK ay ginagawa mong pakikipag-kompetensiya? Napaka-competitive mo naman pala!" pabirong wika niya.

"Had you been here before with your ex boyfriend?" Kian suddenly asked, ignoring what she said.

Kei's right eyebrow arched because of his sudden question. "And how did Reanan become part of this conversation?"

Kian shrugged again. "I just want to know. If yes, gusto kong higitan ang naging experience niyo rito. Gusto kong makalimutan mo 'yon at ako na lang ang maalala mo at ang experiences natin together here whenever you think about EK."

"Seriously, Ki stop it. Para kang ewan d'yan sa mga pinagsasabi mo," Kei mumbled with a forced smile on her face.

Kian laughed softly and she laughed along with him trying to shake her uneasiness away.

Alam niyang may laman ang mga pahaging ni Kian sa kanya magmula no'ng umaga. Ngunit ayaw niyang isiping mabuti ang mga iyon. Iniiwasan niyang iproseso ng kanyang utak ang mga pinagsasabi ng binata dahil ayaw niyang maguluhan kahit na sobrang nagkakabuhol-buhol na ang mga konklusyong pilit na namumuo sa kanyang utak.

Pagkatapos magmiryenda ay nadaanan nila ang mataong lugar kung saan maraming booth na may mga stuff toys. Kailangan ipanalo ang laro ng mga booth kung gusto mong makuha ang stuffed toys.

Lalampasan lang sana nila iyon nang may mahagip ang mga mata ni Kei. On one of the booths, she saw a crocodile stuff toys. And that was her weakness. Nangongolekta siya ng crocodile stuff toys at tuwing nakakakita siya nito sa kahit na anong lugar na puntahan niya ay talagang binibili niya.

The Bachelor's Bed GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon