Special Chapter #2

3.8K 75 14
                                    

Ten years in marriage, three equally beautiful children later, and Baby No. 4's on the way, I can proudly say that my life had never been better than this before. Hell, I am living the perfect life every man could only dream of. Best days of it started when I married Kei. Wala na akong mahihiling pa sa piling niya. Years might have passed but I am still so smitten and head over heels in love with her.

Sabi nila ang isang relasyon daw ay may tinatawag na honeymoon period. Kei and I have talked about that becuase she opened up to me about her fears when that period in our relationship ends. Magsisimula na raw mag-away palagi ang mag-asawa. Hindi na sila magkakaintindihan kahit na sa mga simpleng bagay lang. And worse, may mga naghihiwalay din dahil dito. And usually, that happens on the first seven years of marriage. Kaya crucial ang mga unang taon na iyon sa pag-aasawa. Kapag nalampasan niyo ang ika-pitong taon, parang doon niyo pa lang masasabi na matibay talaga kayo.

Although I have reassured Kei that we won't be having those same problems, somewhere deep inside me ay natakot din ako. No relationship is perfect. Paano kung kagaya lang kami ng ibang mag-asawa at hindi malalampasan ang mga dagok na iyon sa relasyon? Paano kung dumating ang panahon na hingin niya sa akin na maghiwalay na lang kami? Hindi ako makakapayag sa gano'n.

True enough, we had some misunderstandings. May mga pagkakataon na nagkakatampuhan at hindi naman iyon maaalis sa mag-asawa. Pero ang gusto ko sa amin ni Kei ay hindi namin pinapatagal ang mga ganoong tampuhan. We see to it na hindi matatapos ang araw na hindi kami nagbabati. Siguro ay dahil na rin sa aming respeto, pagmamahal, at pang-unawa sa isa't isa. Our love is greater than any of our misunderstandings. At wala namang hindi nadadaan sa lambing ang isang hindi pagkakaintindihan.

Alam kong walang problema ang hindi namin kayang lampasan basta magkasama kami. Kahit lumipas man ang marami pang mga taon, hinding-hindi kami maghihiwalay. Our love for each other is like a wine, it gets better as it ages. Sampung taon na ang lumipas at matibay pa rin kaming dalawa. At alam kong kahit dumaan man ang marami pang taon, patuloy kaming magiging matatag. Basta kasama ko si Kei, alam kong hindi mangyayari ang mga naging pangamba ko noon. Sa paglipas ng panahon, napatunayan ko na walang hindi malulutas at malalampasan ang pagmamahal namin para sa isa't isa.

Honeymoon period doesn't really expire, I guess. Nasa mag-asawa lang 'yan. You just have to keep the love and fire burning. Kung mapapanatili niyo lang ang init ng pagmamahal na mayro'n kayo no'ng ikasal kayo, hindi matatapos ang honeymoon period na sinasabi nila. Just like Kei and I. Ten years in marriage and I feel like we are still on that period. And I don't think it will ever end for us.

A silly smile broke from my face when the electonic gate of our house automatically opened at the approach of my car. It was Friday and I took the afternoon shift off of the office. Dapat nga ay hindi na ako papasok sa araw na iyon. Monday would be a holiday and to make the best out of the long weekend with the kids, we decided to go to Baguio. Pero biglang tumawag ang secretary ko at dumating daw ang isang prospective investor sa K & L and I had to meet him kaya pumasok na ako ng umaga. Hapon pa naman ang alis namin papuntang Baguio.

My heartbeat raced at the thought of my wife and my kids waiting for me by our main door. Ito ang pinakagusto ko sa tuwing uuwi ako mula trabaho kaya palagi akong excited na umuwi. Kei and the kids would always wait for me by the door. Nakakawala ng pagod sa tuwing makikita ko ang mag-ina ko. Wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam na makita silang hinihintay akong umuwi mula sa opisina.

Mabilis akong lumabas sa kotse nang maiparada ko ito sa garahe. Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ko. I got my leather bag from the back seat and slung it over my right shoulder and I almost jogged my way to our main door. And just like every day, naghihintay na nga sa akin ang mag-iina ko sa may pintuan. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Sino ba naman ang hindi mae-excite umuwi kung ganito ang madadatnan mo araw-araw?

The Bachelor's Bed GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon