Chapter 21: Heated Confrontation

6.8K 126 6
                                    

"Kanino galing 'yan?" Ianna teasingly asked as she meaningfully gazed at the bouquet of flowers on the side of her best friend's table.

Umirap si Kei sa kanya. Itinuon muli ng dalaga ang atensyon sa report na ginagawa niya sa kanyang laptop. Ayaw na niyang patulan pa ang pang-aasar ng kaibigan na ngayon ay todo ang mapanuksong ngisi sa kanya habang nakaupo sa harapan ng kanyang lamesa.

"You've been receiving flowers for three straight days now," puna ni Ianna na ipinagsawalang-bahala niya.

Her best friend was right. Mula no'ng araw na umuwi sila ni Kian mula Tagaytay, araw-araw na rin siyang binibigyan ng binata ng bouquet ng bulaklak. Hindi niya alam na seseryosohin pala talaga ni Kian ang sinasabi nito sa kanya na liligawan niya siya. At kahit hindi aminin ni Kei ay natutuwa siya sa ginagawa ni Kian kahit na lagi niyang iniirapan ang binata sa tuwing iaabot nito sa kanya ang mga bulaklak.

"So, sino ang bagong manliligaw ng best friend ko? Is it June? O si Jerico?" patuloy na pag-usyoso ni Ianna. "Naku, halata naman sa dalawang 'yon na gustong-gusto ka nila, ano? Sasagutin mo na ba?" she blatantly asked and Kei widened her eyes at her as they heard someone choke.

Humarap si Ianna sa kapatid na ngayon ay nakaupo sa sofa ng opisina ni Kei at tahimik na nakikinig sa kanilang usapan. He was clearing his throat repeatedly. Hindi rin maipinta ang mukha nito.

Kagaya ng dati ay parati pa rin si Kian sa opisina ni Kei. Palagi pa rin siyang sumasama sa K & L Towers para maglagi sa opisina ng dalaga.

"Ayos ka lang, Ki?" Ianna asked her younger brother worriedly.

Hindi siya sinagot ng kapatid. Bagkus, kunot-noo at marahas siyang tumayo. "Let's have lunch. I'm already hungry," he spoke coldly, no emotions written on his face, as he sauntered towards the door and stormed out of the office.

"Hala, ano na namang problema ng batang 'yon? Bakit ang init ng ulo?" gulat na tanong ni Ianna at nagkibit-balikat lamang si Kei.

But she knew the reason perfectly on why Kian's demeanour shifted. Ayaw niya na lang isipin. At hindi ka naman sigurado kung nagseselos nga siya, she told herself, a foreign feeling of hollowness and insecurity engulfing her system.

Mabilis nilang sinundan si Kian papalabas. Nauunang maglakad ang binata sa kanila. Habang tinatahak ang hallway ay pansin ni Kei ang mga makahulugang tinginan sa kanila ng mga empleyado.

She did not know why but she had that gut feeling na alam ng mga ito ang kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Kian. After they three-day vacation at Tagaytay, mas lalong naging malapit sila ng binata. At halata iyon sa kanilang mga kilos. Idagdag pa na si Kian ang personal na nagbibigay sa kanya ng mga bulaklak at alam ni Kei na nakikita ng mga empleyado ang araw-araw na pagdadala ni Kian ng bouquet sa tower. Hindi nga lang talaga sila makapagsalita tungkol sa kanilang napapansin.

Ang hindi rin maintindihan ni Kei ay kung bakit tila hindi napapansin ni Ianna ang pagbabago ng pakikitungo nila ni Kian sa isa't isa. Siguro ay pre-occupied lang talaga siya sa mga nangyayari sa kanila ni Radley, isip-isip niya.

She knew that her best friend's relationship with Radley was on the verge of falling apart. Kahit na laging nakangiti at masiyahin ang ipinapakitang facade ni Ianna sa kanya sa mga nakalipas na araw, alam niyang hindi okay ang kanyang kaibigan. Hinihintay niya lamang itong kusang magkwento sa kanya.

Kian took them on an expensive foreign restaurant. Wala pa rin itong masyadong imik. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkairita. Saktong ipinaglagay niya lamang sina Ianna at Kei ng pagkain sa kanilang mga plato at pagkatapos no'n ay hindi na niya pinansin ang dalawa. He focused his attention on his food while listening to the two girls chitchatting.

The Bachelor's Bed GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon