Chapter 50: Begin Again

3.5K 77 22
                                    

Dedicated to: Black_Quinn

-------------------

Lingo ng gabi at nagmamadali si Kian sa pagbaba ng kanilang hagdanan. He smiled when he saw his mother and grandmother seating on the sofa of the receiving area in their mansion. Magkausap ang mga ito ngunit nang mapansin ang binata ay binaling ng mga ito ang kanilang atensiyon sa kanya.

"Aalis ka uli?" Sylvia, his grandmother, asked.

Lumapad ang ngiti ni Kian. Pinuntahan niya ang kanyang Lola at hinalikan ang noi nito. "I'm going out with my friends, La."

"Gabi-gabi ka na lang umaalis, Ki. Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagba-bar mo? No'ng nasa Pilipinas tayo ay palagi nang ganyan ang ginagawa mo, hanggang dito ba naman ay gabi-gabi ka pa ring nagba-bar?" puna ni Lauren sa anak.

"Hayaan mo na, Lauren. Na-miss siguro nitong apo ko ang mga kaibigan niya rito sa Vegas. Ilang buwan din niyang hindi nakita ang mga ito."

Lumapad ang ngiti ni Kian sa narinig mula sa kanyang Lola. "Kaya love na love kita, eh, La," nakangising wika nito.

He hugged his grandmother and noisily kissed her cheek. Tuwang-tuwa naman ang matanda sa ginawa ng kanyang apo.

"Bolero ka talaga, apo! Alam na alam mo kung paano ako lambingin!"

"Masyado niyo kasi siyang ini-spoil, 'Mmy!" reklamo ni Lauren.

"Hayaan mo na! Minsan lang naman siya maging binata nang ganyan! Let him enjoy his youth! Puro trabaho na nga ang pinapaatupag ninyo sa kanya no'ng nasa Pinas siya. Let him unwind while he's here!" Sylvia spoke before turning to her grandson. "Maaga kang uuwi, Kian, ha!" pagpapaalala nito.

Kian grinned. "Opo, La! Umaga akong uuwi." He then laughed.

"Napakapilosopo mo talagang bata ka!"

"Si Lolo po ba tulog na?"

"Oo, nasa kwarto na siya. Pinauwi ko na rin muna ang personal nurse niya nang makapagpahinga rin iyon."

"Sana po tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kalagayan niya."

"'Yon din ang hangad ko, apo," Sylvia said. "Maaga kang umuwi. Samahan mo kami sa follow up check up niya bukas. Ipang-drive mo kami."

"Sige po, La. Kayo rin matulog na po kayo at medyo malalim na rin ang gabi. Huwag pong masyadong magpupuyat at baka magkasakit ka rin niyan," magaang paalala ng binata.

"Oo, apo matutulog na ako niyan. May pinag-usapan lang kami ng Mommy mo sandali."

Kian nodded. He went to his mother to kiss her foregead too. "Mauna na po ako."

Tumango rin si Lauren. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Kian. Kasama niyo ba si Yvonne?"

"Opo, susunduin ko muna siya kina Tita niya bago kami dumiretsong bar."

"Isama mo siya rito minsan para naman lubusan din naming makilala ang girlfriend mo."

"Opo, 'Mmy one of these days I'll invite her over dinner," Kian said. He bid his goodbyes again to the two women before he stepped out of the mansion.

Kinaumagahan ay sinamahan nga ni Kian ang kanyang Lolo't Lola sa doktor. Patuloy na bumubuti na ang kalagayan ng kanyang Lolo at nakaka-recover na ito mula sa heart attack. Nang malaman nilang inatake sa puso ang matanda ay kaagad silang lumipad ni Lauren sa Las Vegas.

Naging routine na rin ng binata ang pag-aalaga sa kanyang Lolo tuwing umaga at hapon. Kapag gabi naman ay palagi niyang kasama ang kanyang mga barkada.

The Bachelor's Bed GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon