Chapter 27: Cold Shoulder

5.7K 98 13
                                    

Kei instantly frowned when she saw Kian sitting on one of the sofa of the receiving area as she took the last step down the staircase. Prenteng nakaupo ang binata roon. At kahit nakaupo lamang ay pakiramdam ni Kei ay ang yabang pa rin ng tikas nito. When their eyes met, Kian smiled at her but she only rolled her eyes at him. She heard him chuckle at lalo siyang napasimangot.

It was Sunday morning at katatapos lamang nilang magsimba. Nagbihis lamang si Kei pagkauwi bago siya tutungo sa salon. Napansin niyang nakapagbihis na rin si Kian. Kung kaninang nagsimba sila ay naka-polo ito at pantalon, ngayon naman ay nakasimpleng puting t-shirt, itim na shorts at itim na Nike na sapatos na lamang ito.

"Aalis ka?" Kian asked, his smile never leaving his face.

Kei did not answer. Instead, she rolled her eyes again at him before making her way to the main door of the mansion. Muli niyang narinig ang pagtawa ng binata.

Anong problema ng damuho na 'to at kanina pa siya tawa nang tawa? Bwisit talaga 'tong blue-eyed dragon na 'to! inis na isip-isip niya. Magsama sila no'ng kung sinomang Agatha na 'yon!

"Love, galit ka pa rin ba sa akin hanggang ngayon? Bakit? Ano ba ang nagawa ko?" Kian asked and Kei turned at him to throw him hostile gander.

Hindi mo talaga alam kung bakit?! Bwisit ka talagang playboy ka!

"O, teka lang, Love. Sa sama ng pagkakatingin mo sa akin ay parang gusto mo na akong patayin, ah," natatawang usal pa rin ng binata. Tumayo ito at nagsimulang maglakad papalapit kay Kei.

Manloloko ka!

"Ano'ng problema, Love?" he asked when he reached her. Tumingala si Kei sa kanya at muli niya itong nginitian. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Kei. "Siguro naman sasabihin mo na sa akin ang dahilan kung bakit ka galit sa akin? Hindi ako nangulit kagabi dahil alam kong masyado pang mainit ang ulo mo kaya pinalipas ko na lang ang magdamag kahit hindi ako nakatulog sa kaiisip ng dahilan."

"Ano'ng pinagsasasabi mo, Kian?! At sinong nagsabi sa'yong galit ako, ha?! You are just assuming things!" Kei irrately bit out as she harshly took his hands off her shoulders.

She hated the fact that he was too tall compared to her that he was towering her. Pakiramdam niya kasi ay lalo siyang nanliliit at mas malakas si Kian sa kanya. And she did not like that feeling.

"Hindi ka galit sa akin pero sinisigawan mo ako?" magaan pa ring tanong ng binata sa kanya. And she did not like that, too. She hated that he was too cool when she felt like a mess.

"Ganito lang talaga ako magsalita! Ngayon if you still want to assume na galit ako, then assume all you want for all I care!" Kei hissed before turning her back at him and started walking again.

"Come on, Kei what's really the problem, ha?!" Kian asked, his voice now on edge, as he followed her. "Oo, wala kang sinabi sa aking galit ka but, Kei ramdam ko naman, eh! I know what you feel even in your silence! I know you are angry at me--!"

"Kian, stop! Bakit ba ang kulit mo, ha?! Hindi nga ako galit sa'yo!"

"Hindi ka galit pero halos hindi mo ako kausapin kagabing pauwi tayo?! Hindi ka galit pero hindi mo ako pinatulog kagabi sa kwarto mo--!"

"What the hell! Stop it! Geez! Baka may makarining sa'yo!"

"Totoo naman, ah! Hindi pa nga tayo kasal-- no! Hindi mo pa nga ako sinasagot ay outside the kulambo na kaagad ako!"

"Kian, I said stop it! Maririnig ka nina Ninong!"

"Wala siya! Umalis kasama si Mommy kani-kanina lang! Nakipag-meet sa isang kliyente!"

The Bachelor's Bed GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon