REBECCA's POV
dear diary...
June 02, 2017
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda na papasok sa trabaho
pinayagan na din akong makauwi ng doktor,mga bandang alas otso ng gabi at binigyan lang ako ng gamot na kailangan kong inumin pati na rin ang araw na kailangan kong bumalik sa ospital para tignan ang lagay ko
kahit naman tignan pa nila ang lagay ko at uminom pa ko ng mga gamot ay maliit na ang tsansang gumaling ako...kaya para saan pa? mag sasayang lang ako ng pera...
dahil sa naisip ko ay tuluyan na kong nawala sa mood,hindi ko na masyadong inisip yung mga nalaman at nangyari sakin kagabi dahil konti na nga lang ang ilalagi ko sa mundong ito ay magsesenti pa ba ko?
walang gana akong pumasok sa trabaho at mga hyper naman akong binati ng mga katrabaho ko
nginitian ko lang sila at tinignan yung table ni ian,nahuli ko syang nakatingin din sakin pero nung tumingin ako sa kanya ay agad syang umiwas ng tingin
umupo na ko sa table ko at humarap sa computer tsaka ito binuksan at itinuloy yung kwentong isinusulat ko,matatapos na rin ito at saktong sa friday na ang pasahan
habang nagtatype ako ay nakarinig ako ng bulungan ng mga kaofficemates ko kaya napalingon ako at nakita ko yung boss namin na may kasamang maputi at chinitang babae
teka kilala ko tong babaeng toh ah...?
"Good Morning Boss!"-bati ng ilan sa mga kaofficemates ko at tinanguan lang sila ng boss namin kaya nagsimangutan ang ilan
"This is Bianca,our new proofheader"-pakilala ng boss namin sa kasama nyang babae,na pinsan ko...
Oo pinsan ko ang ipinakilala ng boss namin na bagong proofheader,ang buong akala ko ay nasa new york sya dahil doon nagtatrabaho ang mga magulang nya kasama ang mga magulang ko
may binulong pa ang boss namin kay bianca bago umalis,at nung makaalis ay nakangiting nagwave si bianca sa lahat kaya napadako ang tingin nito sakin na mas lalo pang lumaki ag ngiti tsaka lumapit sakin
"i know you work here that's why i followed you!"-nakangiti nitong bati sakin at nginitian ko naman sya
dudugo ilong ko dito shet!
"a-ah that's nice to hear,but may i know why you followed m-me?"-nauutal kong tanong
di kami close kaya bakit nya ko kinakausap ng para bang sobrang close namin? pinsan ko sya pero never pa ata kaming nag usap ng ganito?
"oh that...my mommy told me that i need to go to the Philippines to find work,and she also told me where you work,so i followed you,i dont have friends here,and you are the only person i know here in the Philippines"-mahabang paliwanag nya at wala naman akong nasagot kundi ang pagtango
feeling ko anytime magdudugo na ang ilong ko,hindi dahil sa sakit kong leukemia kundi dahil sa kakaengles netong englesherang pinsan ko! bakit ba kase sumunod pa dito!
"hmm i just go to my table okay?"-paalam nya at tango lang ulit ang naisagot ko
---
mabilis na lumipas ang oras at lunch break na,huminto muna ko sa pagtatype ang sinave ang natapos ko tsaka tumayo
nagulat ako nung pagtayo ko ay biglang may bumangga sa gilid ng braso ko at naramdaman ko naman ang biglang pagkirot nito kahit sobrang hina lang naman ng pagkakabangga sakin
BINABASA MO ANG
30 Days [COMPLETE]
Teen FictionRebecca De Guzman.. an inspiring writer who's stupidly inlove with his bestfriend-- Ian. But what will happen if she found out that she only have thirty days left in Earth before she die? -30 days- Written by: piscesworks