6 DAYS

89 1 0
                                    

REBECCA's POV

dear diary...

june 25, 2017

Time check: 7:40 AM

Kakagising ko lang at nung inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ay wala si mama

Tatayo na sana ako nung biglang bumukas yung pintuan at pumasok si mama

"ma..."-mahinang tawag ko dito,nararamdaman ko ng nanghihina ko,senyales na malapit na talaga kong mamatay

"rebecca,anak...bakit tumatayo ka na agad?"-tanong nya ngunit hindi ko iyon pinansin,gusto kong malaman kung gising na ba si ian at kung maayos na ba ang lagay nya

"asan po si ian?"-tanong ko sa kanya ngunit yumuko lang sya kaya sinimulan na kong kabahan

"ma asan po kako si ian?"-pag uulit ko ng tanong ko at malungkot naman syang tumingin sakin

"halika at sasamahan kita sa kwarto nya"-sabi nya at inalalayan naman nya kong tumayo

Nasa katabing kwarto ko lang yung kwarto ni ian kaya hindi na ko nahirapan pa sa paglalakad

Pagkabukas ko nung pinto ay nakahiga pa rin si ian sa hospital bed nya at walang malay,nakabenda din yung kanang braso nya dahil napilay ata nung nahulog kami mula sa kabayo at may benda din na nakaikot sa ulo nya na ipinagtaka ko

"hindi pa rin sya nagigising simula nung aksidente"-sabi sakin ni mama at lumapit naman ako kay ian

"b-bakit pati ulo nya ay may benda?"-kinakabahan kong tanong kaya nauutal na ko

"masama ang pagkakabagsak nya at yung kanang braso nya pati ang ulo nya ang napuruhan"-sagot naman ni mama at hindi ko na napigilan yung luha ko na tuluyan ng bumagsak

Nakikiusap po ako sa inyo aming amang nasa langit...kailangan ko po ang tulong ninyo ngayon,sana po ay magising na si ian,kailangan ko pa po sya,nakikiusap po ako...

"K-kailangan mo ng g-gumising jan ian,aalagaan mo pa ko diba? Ako dapat ang unang mamamatay at hindi ikaw..."-umiiyak kong sabi sa kanya at niyakap naman ako ni mama

"wag kang magsalita ng ganyan becca...walang mamamatay"-sabi ni mama at napatigil naman ako nung maramdaman kong gumalaw yung ng bahagya yung daliri ni ian!

jusme salamat po dahil pinakinggan nyo po agad yung panalangin ko!

"mama g-gumalaw po yung daliri nya!"-natataranta kong sabi kay mama at kita ko sa mata nyang nagulat din sya

"t-teka tatawagin ko muna si Doktor Tan"-natataranta ding sabi nya tsaka lumabas ng hospital room ni ian

Pagkalabas ni mama ay napatingin ulit ako kay ian at gumalaw na yung ulo nya hanggang sa unti unti na nyang imulat yung mga mata nya!

Shit hindi ko alam ang gagawin ko!

"i-ian ayos ka lang? m-may masakit ba sayo? t-teka n-naalala mo pa ba ko?"-sunod sunod kong tanong sa kanya at inilibot naman nya yung paningin nya hanggang sa mapatingin sya sa gawi ko at kumunot yung noo nya

Shit no no no! Hindi pwedeng magkaron sya ng amnesia,hindi pwedeng makalimutan nya ko!

Hinawakan nya yung benda na nasa ulo nya habang ang paningin ay nasa akin pa rin

"i-ian magsalita ka please...sabihin mong nakilala mo ako"-naiiyak ko na namang sabi sa kanya

"a-asan ako? a-anong nangyari sakin? a-at sino ka...?"-sunod sunod nyang tanong pero isa lang dun ang umecho sa utak ko

30 Days [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon