14 DAYS

109 2 0
                                    

REBECCA's POV

dear diary...

june 17, 2017

"kahapon hindi na nya sinagot yung mga tawag ko,at haggang ngayon ay hindi pa rin nya sinasagot yung tawag ko?! ivan nag aalala na ko kay ian!kialla ko sya at hindi sya ganito! hindi naman siguro sila magdamag na nagpakasaya ni bianca diba? inabot na ko ng hapon sa kakatawag sa kanya at simula pa kahapon hanggang ngayon ay ni isa wala syang sinagot sa tawag ko! kaya tell me,paano ako kakalma?!"-sigaw ko kay ivan

Pangalawang araw ko na dito sa ospital at halos oras-oras na kong tumatawag kay ian pero ni isa don ay wala syang sinagot

Galit kaya sya sakin?

"please ivan! kailangan ko na talaga syang makita at makausap"-pakiusap ko pa kay ivan at napabuntong hininga naman sya

"oh sge,pero kasama mo ko ha?"-tanong nya at napangiti naman ako

"yas! salamat ivaaan!!! you're the best!"-sigaw ko at niyakap pa sya kaya nagulat sya

"s-sorry hehe nadala lang ng saya"-nahihiyabg sabi ko tsaka humiwalay ng pagkakayakap sa kanya

"lahat naman gagawin ko para sayo,kahit na nasasaktan na ko..."-bulong nya pero narinig ko

"tara na?"-tanong nya at nakayukong tumango ako

"magpalit ka ng damit,tatakas na tayo"-bulong nya sakin at pumasok naman ako sa cr ng hospital room ko para magpalit ng maayos na damit

"okay na"-sabi ko nang makalabas

Nakasuot ako ng 'all black',yung pantalon ko black,pati na rin yung t-shirt ko,tapos may sumbrelo din akong black,syempre pati na rin yung sapatos na suot ko

"makikipaglamay ka ba? psh palitan mo yung t-shirt mo ng puti,jusme naman buhay pa yung pupuntahan mo pinapatay mo na dahil jan sa suot mo"-kunot noong sabi nya at inirapan ko naman sya tsaka pumasok ulit sa loob ng banyo at nagpalit ng kulay puting t-shirt

"ayan okay na,nagmukha ka na ulit anghel,hindi kagaya kanina,mukha kang holdaper na pupunta sa lamay"-sabi nya at inirapan ko lang ulit sya

"ewan ko sayo,tara na nga"-sabi ko tsaka sya hinila palabas ng hospital room ko

Mabilis lang kaming nakalabas dahil busy si doktor tan gamutin yung iba,hindi naman ako kilala dito bilang pasyente kaya nakalabas kami agad ng ospital

"saan tayo?"-tanong nya habang nagdadrive

"sa bahay nya muna"-sabi ko at tumango naman sya

---

"ian? ian andito ko"-sabi ko habang kumakatok

ilang beses na kong kumatok pero wala pa ring sumasagot kaya inilabas ko na sa bag ko yung duplicate ng susi nya,binigyan nya ko ng duplicate ng susi nya para pag nakalimutan nya yung susi nya ay meron pang extra na nasa akin

"kanina ka pa katok ng katok jan,meron ka naman palang susi,sarap mo ding iuntog eh noh?"-sarkastikong sabi nya at sinamaan ko naman sya ng tingin

"shut up"-inis na saway ko sa kanya at pumasok na ng tuluyan sa bahay ni ian

isa lang ang masasabi ko dito...

parang dinaanan ng bagyo!

sobrang gulo ng bahay nya! yung mga damit nya ay kung saan saan nakabalandra,tapos yung kusina nya ay punong puno ng hugasan!

"anong nangyari dito? parang dinaanan ng bagyo!"-inis na sabi ko

"ganto ba talaga tong kaibigan mo? walang kalinis linis sa katawan"-parang nandidiring sabi nya

30 Days [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon