REBECCA's POV
dear diary...
june 22, 2017
"Good morning"
Kakamulat ko lang ng mata ko at yung boses agad ni ian ang narinig ko
Napatingin ako sa gawi nya at nakita ko syang nakangiti sakin habang nagtitimpla ng gatas
"Good morning din~ anong nginingiti-ngiti mo jan?"-nawiwirduhan kong tanong sa kanya at nagkibit-balikat lamang sya
"good mood?"-tanong ko at nginitian naman nya ko tsaka inabot sakin yung tasang pinagtimplahan nya ng gatas
"anong gagawin ko jan?"-tanong ko at sinamaan naman nya ko ng tingin
"inumin mo malamang,try mong nguyain"-sarkastikong sabi nya at inirapan ko naman sya
"ayoko ng gatas"-iritang sabi ko sa kaya tsaka ko sya tinalikuran at pumikit ulit
"hindi pwede becca! kailangan mo ng gatas,okay? isusumbong kita kay tita"-sigaw nya sakin at halata sa boses nyang naiinis na sya
Tsaka,wow ah? kelan pa sya naging sumbungero?
"what's happening here?"
Sabay kaming napalingon ni ian sa biglang nagsalita at nakita ko si mama sa may pintuan ko
"Gising kana pala anak,anong nangyayari dito? bumili nga pala ko jan sa labas ng almusal,pagsaluhan na natin toh dito"-bati nya sakin at pinakita naman nya yung hawak nyang paper bag tsaka pumunta sa side table ko at inihanda yung binili nyang...lugaw???
"salamat po tita,ayaw po kaseng inumin ni becca yung gatas na tinimpla ko para sa kanya"-sumbong naman ni ian kay mama at tinaasan ko naman sya ng isang kilay
Nagsumbong nga talaga?
"bakit naman anak? kailangan mo yung gatas kaya inumin mo na,dali...tapos kainin na natin tong binili kong lugaw"-aya sakin ni mama at wala naman akong nagawa kundi inumin yung gatas na tinimpla sakin ni ian,nakita ko naman syang pangisi ngisi habang nakatingin sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin
Matapos naming mag almusal ay lumabas saglit si mama dahil may aasikasuhin lang daw muna sya,i wonder what is it?
"ian"-tawag ko kay ian na ngayon ay busy sa paglalaro nya sa cellphone nya habang nakasalampak sa sofa
Tinignan nya lang ako ng nagtatanong na tingin tsaka nya ibinaling ulit ang atensyon sa cellphone nya
"alam mo ba kung saan pupunta si mama?"-tanong ko sa kanya at nagkibit balikat naman sya
"idunno"-sagot nya habang ang paningin ay nasa cellphone nya pa rin
at dahil wala naman akong magawa ay kinuha ko yung cellphone ko sa side table kaso ni hindi ko pa napipindot ay inagaw na agad sakin ito ni ian kaya pinagkunutan ko sya ng noo
"problema mo?"-inis kong tanong at sinamaan naman nya ko ng tingin
"diba sinabi na sayong bawal kang gumamit ng cellphone? makakasama sayo yung radiation nun"-sabi nya at napairap naman ako
ANG BOOOOOORING!!!
Nakakainis!
Lahat nalang bawal! puro bawal bawal bawal! Ano nalang mangyayari sakin nito? tutunganga hanggang sa mawalan ako ng hininga? O baka nga sa sobrang boring eh mamatay na ko ng maaga nito eh!
Okay ang OA ko sa part na yun
Napangiwi ako nung biglang may tumama sa tiyan ko na matigas na bagay at pagtingin ko dito ay...headset?! anong gagawin ko dito?!
BINABASA MO ANG
30 Days [COMPLETE]
Novela JuvenilRebecca De Guzman.. an inspiring writer who's stupidly inlove with his bestfriend-- Ian. But what will happen if she found out that she only have thirty days left in Earth before she die? -30 days- Written by: piscesworks