REBECCA's POV
dear diary...
june 07, 2017
Kinabukasan pagkapasok ko sa trabaho ay napansin ko agad yung dalawa kong katrabaho na masayang nagtatawanan
sila bianca at ian...
mukhang close na close na sila ah?
napapikit ako sa naisip ko at walang ganang umupo sa desk ko at nagsimula nang magtrabaho
"ahahahah that's true! they are so sweet! i hope one day i'll fine a man like dino"-malakas na sabi ni bianca na sinabayan pa nya ng tawa,magkausap sila ni ian at siguro yung pinagkwekwentuhan nila ay about doon sa napanood nila kagabi
"wag kang mag alala bianca,mahahanap mo din yun,malay mo nga nasa harap mo na hindi mo lang nakikita diba?"-biglang hirit ni ian kaya naghiyawan ang mga katrabaho namin at napansin ko namang nanahimik na yung dalawa,marahil nagkailangan na
---
break time na namin at lalapitan ko palang sana si ian para ayain na sabay na kaming maglunch pero lumapit sya kay bianca at marahil ay inaya na nya itong maglunch dahil sabay silang sumakay ng elevator
wahahaha ganon na lang yon? nakalimutan na nya ko porque close na sila ni bianca? baka nakakalimutan nyang ako ang dahilan kung bakit sila close ngayon! walang utang na loob,peste!
pero okay lang...kahit masakit
dahil nawalan na ko ng ganang kumain ay nagstay nalang ako sa floor namin at pinagpatuloy yung ginagawa kong story para naman mas mabilis ko na matapos toh at mapaaga ang bakasyon ko sa trabaho
---
Time check: 5:00pm
Gaya ng inaasahan ay mabilis kong natapos ang ginagawa kong chapter ngayong araw,kaya maaga akong makakauwi
matapos kong isave ang mga naisulat kong chapter ay tumayo na ko at walang paalam na umalis,pero hindi pa ko tuluyang nakakaalis nung mapatingin ako sa gawi ni ian na deretso pa rin sa pagtatrabaho,parang hindi manlang napansin na tapos na ko at aalis na ko
hindi ko na yon pinansin pa at naglakad na ko pauwi sa bahay namin
ngayon ko lang narealize na,ni isang beses ay hindi pala kami nakapag usap ni ian? ganon sya kabusy sa kausap nya kaya nakalimutan na nya ko?
naiinis akong nagpatuloy sa paglalakad nang may madaanan akong pet shop
lumapit ako doon at tinignan yung makulay na parrot doon,maingay ito at kasing ingay yon ng bunganga ni ian kaya napangiti ako nang makaisip ako ng magandang ideya
malapit na ang kaarawan ni ian,sa june 15 na at maganda tong panregalo para sa kanya,sigurado akong matutuwa sya
binila ko yung parrot na nakita ko at nang makarating ako sa bahay ay isinabit ko ito sa bintana ng kwarto ko,hindi naman siguro toh mawawala dito
nagpahinga lang ako saglit tapos ay pumasok na ko sa cr para maglinis ng katawan at para makatulog na din
nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng balikat ko nung bigla itong kumirot kaya napa 'aray' ako
tinignan ko sa salamin kung bakit masakit ang parteng yun ng balikat ko at hindi ko inaasahan ang makikita ko
isang malaking pasa...
nung nakaraan ay may mga tumutubo saking pasa pero hindi kasing laki nitong ngayon,sobrang sakit din neto pagnatatamaan at yung dati naman ay hindi
lumalaki na ang mga pasa ko...
tinignan ko yung iba pang parte ng katawan ko at may mga nakita pa kong pasa sa hita ko,maging sa bandang dibdib ko ay meron ding malaking pasa
napapikit nalang ako dahil sa nangyayari sakin tsaka ko binuksan ang shower at sinabayan ko ito ng pag agos ng luha ko
mamamatay na ko...
malapit na kong mamatay...
---
Dahil sa mga nakita kong pasa ay hindi na ko mapakali kaya tumayo ako at lumabas ng bahay para pumunta sa ospital
"dok..."-mahinang pagtawag ko dito
"oh Ms. De Guzman,naparito ka? come in"-gulat na aniya at pumasok naman ako tsaka umupo sa upuan na katapat nung kanya
"may nangyari ba?"-tanong nito at napayuko naman ako at sa hindi ko inaasahan ay bigla nalang akong napahagulgol ng iyak
hindi ko pwedeng ipakita na mahina ako...hindi dapat ako umiiyak ngayon,kailangan ay ipakita ko sa kanilang malakas ako at kaya ko toh para hindi sila mag alala sakin at hindi nila ko kaawaan
pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin ng deretso sa kanya tsaka ngumiti
"Ms. De Guzman,are you okay?"-nag aalala nitong tanong sakin
"yes doc im okay,sorry po kung umiyak ako kanina ha? kinabahan lang po talaga ko sa mga nangyayari sakin"-nakangiting sabi ko dito at kumunot naman ang noo nya
"bakit? ano-ano na ba ang mga nararamdaman mong kakaiba ngayon?"-tanong nito sakin
"lumalaki na po ang mga pasa ko at dumadami,bukod doon ay kahit masagi mo lang ng kaunti ay kumikirot na"-kwento ko at napatango naman sya
"normal lang yan sa taong may sakit na leukemia dahil isa yan sa mga sintomas nito,maaaring mas dumami pa iyan at mas lalong lumaki"-malungkot na aniya
"dok...ano pong kailangan kong gawin?"-nag aalala kong tanong dito
"kailangan mong magpahinga Ms. De Guzman,tigilan mo na muna ang pagtatrabaho dahil ikasasama yan ng lagay mo,kung ako sayo ay sabihin mo na yan sa kahit sinong kamag-anak mo para maprotektahan ka at masuportahan sa kung ano mang kailangang gawin sayo,hindi mo pwedeng itago sa kanila yan Ms. De Guzman"-malungkot na aniya at umiling naman ako
"yan ang hinding hindi ko gagawin dok,simula nung magtrabaho ako ay nakatayo na ko sa sarili kong mga paa nang wala ang tulong nila,may mga kaibigan ako na pwedeng tumulong sakin at sapat na yun para suportahan ako at hindi na kelangan pang malaman ng mga kamag-anak ko,besides...wala naman ako nun"-nakangising sabi ko at mapaklang ngumiti sa kanya na ngayon ay iiling-iling
"oo may mgs kaibigan ka,pero hindi kada oras ay mas-suportahan ka nila"-sabi nya at ako naman ang napailing
"hindi ko sila kailangan,kaya ko ang sarili ko dok,kaya pakisabi naman kung anong pwede kong gawin oh?"-pakiusap ko dito at bumuntong hininga naman sya
"may irereseta ako sayong ointment,makakatulong iyon sa pag alis ng mga pasa mo sa katawan,pero hindi ko maipapangakong hindi na ito babalik ha? ipahid mo yan sa katawan mo bago ka matulog"-sabi nya at ibinigay sakin ang ointment na sinasabi nya
"salamat po dok,sana ay maunawaan nyo ko at inaasahan ko po na wala kayong pagsasabihan netong sakit ko,salamat po ulit"-sabi ko tsaka lumabas ng ospital na iyon
Unti-unti nang lumalala ang sakit ko...
Senyales na malapit na nga talaga kong mamatay...
Pero naniniwala naman ako sa himala,himalang gagaling ako kahit na walang tulong na nagmumula sa kahit sino man
***
BINABASA MO ANG
30 Days [COMPLETE]
Teen FictionRebecca De Guzman.. an inspiring writer who's stupidly inlove with his bestfriend-- Ian. But what will happen if she found out that she only have thirty days left in Earth before she die? -30 days- Written by: piscesworks