REBECCA's POV
dear diary...
june 12, 2017
Biyernes ngayon at nandito ko sa coffee shop dahil break time namin...
"becca?"
napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko naman si ivan na may dala-dalang tray
"ikaw pala ivan"-bati ko dito at umupo naman sya sa upuan sa harap ko
"bat hindi mo kasama yung 'bestfriend' mo?"-tanong nya na diniinan pa talaga yung salitang 'bestfriend',halatang nang aasar,psh
tumingin ako sa kabilang table kung saan andoon sila ian at bianca na masaya ulit na nagtatawanan
"ah kaya pala..."-tumatango tangong sabi nya matapos makita yung tinitignan ko
"eh bat kahapon ikaw ang kasama nya?"-takang tanong nya at nagkibit-balikat naman ako
"absent si bianca kahapon"-sagot ko
"bakit daw?"-tanong nya ulit at tinaasan ko naman sya ng kilay
"interesado ka?"-taas kilay kong tanong
"curious lang"-nakangising sabi nya at inirapan ko naman sya
"ano nga palang oras uwi mo mamaya?"-maya-maya'y tanong nya
"mga alas kwatro siguro"-sagot ko naman na ipinagtaka nya
"bat ang aga naman yata?"-gulat nyang tanong
"matatapos ko na kase yung estoryang sinusulat ko kaya mamaya ko na ipapasa"-paliwanag ko
"ibig sabihin...hindi ka na papasok bukas?"-parang malungkot nya pang tanong at tumango naman ako
"sa july na ulit ang pasok ko"-sabi ko at napabuntong hininga pa pero hindi ko na yun pinahalata
Yun ay kung aabot pa ko ng july...
"bakasyon ka na pala"-mahinang sambit nya at hindi na ko sumagot pa
lumipas ang ilan pang minuto hanggang sa matapos na ang break time namin kaya tumayo na ko
"tara na"-aya ko dito at tumayo naman sya tsaka kami sabay na lumabas ng coffee shop
kasalukuyan na kaming nakasakay sa elevator nung bigla syang magtanong
"pwede ka ba mamaya?"-tanong nito na ikinagulat ko ng bahagya
"bakit naman?"-taka kong tanong
"aayain sana kitang lumabas"-nakayukong sabi nya habang kinakamot pa yung batok
"bukas nalang,sabado bukas diba?"-tanong ko at parang lumiwanag naman yung mukha nya
"t-talaga?"-nauutal pang paninigurado nya
"oh bat parang gulat na gulat ka pa? may gagawin kase ko mamaya kaya bukas nalang"-paliwanag ko at nakangiting tumango naman sya
"sige,sabi mo yan ah? kita nalang tayo bukas!"-pasigaw na sabi nya at nung bumukas na yung elevator ay lumabas na sya habang kumakaway pa
---
"tapos ko na po sir"-sabi ko sa boss namin habang ibinibigay sa kanya yung estoryang ginawa ko na kanina ko lang naipaprint
"good job Ms. De Guzman,ilalagay ko nalang sa bank account mo yung kabuuan ng sweldo mo ah? maaari ka ng makauwi,enjoy your'e vacation"-nakangiting aniya at nginitian ko nalang din sya tsaka lumabas ng opisina nya
BINABASA MO ANG
30 Days [COMPLETE]
Novela JuvenilRebecca De Guzman.. an inspiring writer who's stupidly inlove with his bestfriend-- Ian. But what will happen if she found out that she only have thirty days left in Earth before she die? -30 days- Written by: piscesworks