17 DAYS

103 2 0
                                    

REBECCA's POV

dear diary...

june 14, 2017

Linngo na ngayon at tanghali na,kanina pa ko nakakatanggap ng mga tawag at texts kala ivan at ian pero ni isa dun ay wala akong sinagot

naguguluhan pa din ako sa nangyayari!

Si ivan ay umamin sakin kahapon,totoo kaya yon? o baka trip nya lang ako?

Tapos si ian naman tanong ng tanong sakin kung may gusto daw ba sakin si ivan,tapos sabi nya lumayo daw ako kay ivan

Ano ba talagang nangyayari? nagiging weird na sila!

Matapos kong kumain ay naghanda na ko dahil pupunta ako sa ospital ngayon,nagtext kase yung nurse na nakausap ko nung friday na dumating na daw si doktor tan kaya kailangan ko ng magpatingin ngayon

kinakabahan na din kase ko dahil nawawala yung mga pasa ko,dalawa nalang ata ngayon? pagnagsusuklay ako ay konti nalang yung nalalagas na buhok ko,nagkakaron na rin ng kulay yung labi ko kahit hindi ako maglagay ng lipgloss

Nagkaron tuloy ako ng pag asa na mabuhay...

*kring~kring~kring~*

napatalon ako sa gulat nung biglang nagring yung phone ko,pero mas ikinagulat ko nung makita ko kung sinong tumatawag

Mama calling...

t-tumatawag ba saken si mama?

ang tagal bago ko sinagot yung tawag at nanginginig pa kong inilagay yun sa tenga ko

"h-hello ma?"-nauutal kong sabi sa tawag

"rebecca..."-mahinang pagtawag nya

"m-ma,napatawag po kayo?"-nahihiya pang tanong ko

"gusto lang kitang kamustahin"-sabi nya at napabuntong hininga naman ako

Hindi nya din pwedeng malaman...

"o-okay naman po ako dito,kayo po jan? y-yung business nyo po,kamusta?"-pangungumusta ko din

"yung business dito ay maayos pa din ang takbo,kami din naman maayos dito,nabalitaan ko kay bianca na maayos daw ang trabaho mo at yung librong isinulat mo daw ay malapit ng ilabas"-sabi nya at napangiti naman ako

Atleast may update pa din sya sa nangyayari sakin dito sa pilipinas,kahit hindi lahat atleast kinakamusta nya pa din ako,hindi nya ko kinakalimutan...

"o-opo ma,malapit na ngang ilabas yung librong isinulat ko,sana nga magustuhan ng marami,wish ko lang hehe"-nakangiti kong sabi at natawa naman sya

"sigurado akong magugustuhan ng lahat yan,ikaw gumawa eh"-sabi nya at para naman akong maiiyak

"i miss you mama"-naiiyak kong sabi at narinig ko naman ang pagtawa nya sa kabilang linya

"miss na din kita anak"-sabi nya

"kelan po pala ang bisita mo dito sa pilipinas? tatlong taon na din po ang nakalipas nung huli mong punta dito"-tanong ko at natahimik naman sya sa kabilang linya

May problema ba?

"hey ma,stay there?"-tanong ko at narinig ko naman ang pag-ubo nga

"a-ah yeah,h-hindi ko lang alam kung kelan ako makakabisita jan,m-marami kasing gawa dito eh,magpapadala nalang ako sayo"-sabi nya at lumungkot naman ang mukha ko

Hindi ko kailangan ng kahit anong padala mo mama,ang kaikangan ko ay ikaw...

"ganon ba? o-oh sge po"-nasabi ko nalang

30 Days [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon