25 DAYS

121 2 0
                                    

REBECCA's POV

dear diary...

june 06, 2017

Tuluyan na kong nakauwi galing sa ospital,ngayon ay naghahanda nalang ako papasok sa trabaho

Lalabas na sana ako nang bahay nung mapabsin kong wala yung cellphone ko sa bag ko,nasa drawer ko nga pala yun

Bumalik ako sa loob ng kwarto ko at kinuha yung cellphone ko sa drawer ko,sakto namang papalabas na ko nang kwarto ko nung mapatingin ako sa kalendaryo

Ngayon ay june 06, 2017,may dalawampu't limang araw na lang ako sa mundong toh

Nakangiting lumapit ako dito at binulugan yung numerong '30',yun kase yung exact date ng pag alis ko sa mundo,napangiti nalang ako sa naisip ko

malapit na kong mawala...

---

"Oh Ms. De Guzman,okay ka na ba?"-salubong sakin ng boss namin at nginitian ko naman sya

"okay na po ko sir,salamat nga po pala sa pagdadala sakin sa ospital"-nakangiting pasasalamat ko dito

"wag kang magpasalamat sakin dahil si ian naman talaga ang nagdala sayo sa ospital,tumulong lang ako"-sabi nya pero umiling ako

"malaki pa rin po ang naitulong nyo"-nakangiting sabi ko dito at napangiti rin naman ito

"oh sya sige na,babalik na ko sa opisina ko,umupo ka na sa desk mo at marami ka pang gagawin,wag kang mag alaala,kung hindi mo man matapos ngayon araw na toh yung chapter na pinapatapos ko sayo ay pwede mo namang gawin sa bahay mo nalang"-sabi nito atnakangiting tumango naman ako

"salamat po"-sabi ko at tinanguan nya lang ako bago tuluyang pumasok sa opisina nya

"rebecca! i heard what happened to you last time,are you okay now?"-biglang lapit sakin ni bianca at kinapa pa ang noo ko pati leeg para masiguradong wala akong lagnat

"nako okay na okay na ko bianca,salamat sa pag aalala"-nakangiting sabi ko dito at para naman syang nakahinga ng maluwag

"okay then,when you need somethibg just call my name okay? i just go back to my desk"-nakangiting sabi nya at sinuklian ko din sya ng ngiti

"becca?"-napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko ang nagtatakang mukha ni ian na nakatingin sakin

"oh ian,kakapasok mo lang?"-tanong ko dito at tumango naman sga saka lumapit sakin

"bakit pumasok ka na? diba dapat nagpapahinga ka pa ngayon? mamaya bigla ka na namang mahilo nyan"-nag aalalang sabi nya at napairap nalang ako sabay tawa

"what?! anong nakakatawa sa sinabi ko?"-halatang inis na tanong nya

"w-wala naman hahaha eto talagang bestfriend ko,masyadong nag aalala...wag ka ng mag alala,okay? maayos na ang pakiramdam ko at hindi na ko nahihilo"-nakangiting paninigurado ko dito at bumuntong hininga naman sya

"halata nga,nakakatawa ka na eh...by the way,since okay ka naman na sabi mo,gusto mo bang manood tayo ng sine mamaya? may new movie kaseng ipapalabas at gusto ko yung mapanood,nakabili na ko ng dalawang ticket kanina,kaya ano? tara?"-yaya nya at kumunot naman ang noo ko

"bumili ka ng ticket kanina? kaya pala medyo late kang pumasok ngayon"-sabi ko dito at napakamot naman sya sa batok nya

"baka maubusan eh,heheh"-nahihiya pang sabi nya at napairap naman ako pero nakangiti pa rin

"Pero bakit ako ang niyayaya mo? diba dapat si bianca? ayaw mo ba nun? makakasama mo sya mamaya manood ng sine"-sabi ko dito at napaisip naman sya

Ang galing mo naman becca! ikaw na nga ang inaaya pinamigay mo pa? psh!

Pero kase sinasanay ko na din yung sarili ko na malayo sa kanya,para sa araw na mawawala na ko,hindi na sya masyadong mahirapan

"Oo nga noh? kaso nahihiya ako eh,di pa naman kami ganon kaclose,pero teka...pwede mo bang gawan ng paraan yun becca? dali naaaa!!! isip ka ng paraan para makasama ko sya mamaya please?"-pamimilit nya pa sakin at napataas naman ang kaliwang kilay ko

ako talaga? pinapahirapan mo ba ko talaga ko ian? sinuggest ko na ngang sya nalang ang isama mo tapos ngayon ako pa ang gagawa ng paraan para mayaya mo sya? yung totoo? pwedeng pwede na kitang ipakulong at kasuhan ng murder ian,alam mo ba yon? kase sa ginagawa mo,parang unti unti mo na rin akong pinapatay nyan,peste!

"s-sige,gagawa ko ng paraan"-inis na sagot ko pero hindi ko pinahalata

"t-talaga? salamaaaaat beccaaaa!!! your'e the best,bestfriend in the whole woooorld woooh!!!"-nagulat ako nung bigla syang sumigaw at niyakap ako ng mahigpit

gagalaw palang sana ko para alisin yung pagkakayakap nya sakin pero ngayon ko lang narealize---

masarap pala sa pakiramdam na yakapin ng taong mahal mo noh?

"what's happening here? ian,why are you shouting?!"

sabay kaming gulat na napalingon ni ian sa biglang sumigaw at napatingin naman kami sa boss namin na masama na ang tingin samin

"s-sory po sir,nadala lang po ng sobrang kasiyahan hehe"-paumanhin ni ian habang kinakamot yung batok nya at nakayuko

"pasyensya na po sir,maingay lang talag yung bunganga netong kaibigan ko"-pagpaparinig ko kay ian at sinamaan naman nya ko ng tingin,nginisian ko lang sya

"back to work"-seryosong sabi nya tsaka tumalikod at bumalik sa opisina nya

nakahinga naman kami ni ian ng maluwag nung umalis na yung boss naming terror pero deep inside matulungin din

Pinagpatuloy nalang namin yung pagtatrabaho namin hanggang sa sumapit na ang gabi at mag uwian na

"becca,ayain mo na sya dali"-biglang lapit sakin ni ian at napabuntong hininga naman ako

kaya mo yan becca!

"uhm bianca?"-tawag ko dito nang makalapit ako

"oh rebecca"-nakangiting bati nito sakin

"uhhh,may gagawin ka ba ngayon?"-tanong ko dito at napaisip naman sya

tsk! bakit parang ako pa ang nagmumukhang lalaki dito?!

"nothing,why?"-takang tanong nito at napatingin naman ako kay ian,kinindatan naman nya ko at sinuklian ko sya ng irap

"yung 'bestfriend' ko kaseng si ian eh inaaya akong magsine,may gagawin pa kase ko ngayon kaya pwede bang ikaw muna ang sumama sa kanya?"-tanong ko dito at gulat naman sya na napatingin sakin

napansin ko din...hindi sya marunong magtagalog pero nakakaintindi sya nito? pwede pala yun?

napailing nalang ako sa kung ano-anobg kalokohang pumapasok sa isip ko at tinignan muli si bianca na mukhang di pa rin nakakaget over sa pagkagulat

"bianca?"-pagtawag ko dito at bumalik naman sya sa ulirat

"o-oh sorry,uhm yes im free tonight"-nakangiting sagot nya at hindi ko alam kung anong reaksyon ko ngayon

pumayag sya,ibig sabihin ay magkakasama sila ngayong gabi? hays...naman oh!

"o-oh sige una na ko,ayun si ian oh,ingat kayo bye!"-nagmamadaling sabi ko tsaka patakbong umalis sa lugar na iyon

aamin na kaya si ian sa kanya? magsisimula na ba syang ligawan si bianca? sasagutin kaya ni bianca si ian? magiging sila kaya?

napailing ako sa naisip ko at naramdaman ko nalang ang likido na pumapatak sa pisngi ko mula sa mata ko

dali dali akong umuwi sa bahay at dumeretso sa kwarto ko at doon nagmukmok

ang sakit pala...

ang sakit na makita yung mahal mong may mahal ng iba...

***

30 Days [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon