20 DAYS

104 1 0
                                    

REBECCA's POV

dear diary...

june 11, 2017

"becca..."

napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko naman si ian na papalapit na sakin

"i-ian..."-bahagya pang gulat na tawag ko dito

ang huli kase naming pag uusap ay kahapon pa nung nasa coffee shop

ngayon ay huwebes na at break time na namin,kaya nga ko nagpahuli kase ayokong maabutan kahit sino man kay ian o kay bianca tapos magugulat nalang ako nung kusa na nya kong lalapitan

"pwede ba tayong mag usap?"-seryosong tanong nya at nilingon ko muna kung may kasama sya

"asan si bianca?"-nagtataka kong tanong

"hindi mo ba napansin? absent sya ngayon"-kunot noo nyang sabi sakin at nanlaki naman ang mga mata ko

"a-absent sya? hindi ko napansin"-gulat ko pang sabi

"masyado ka kaseng tutok jan sa trabaho mo,minamadali mong tapusin eh next month pa naman ang deadline nyan"-sabi nya at napatingin naman ako sa computer ko

"para maaga akong makapagbakasyon"-sagot ko at nagkibit balikat naman sya

naglalakad na kami ngayon papuntang coffee shop at ni isa sa amin ay walang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa coffee shop at makapaghanap ng pwesto

"anong pag uusapan natin?"-tanong ko sa kanya sabay higop sa kapeng hawak ko

"becca baka nakakalimutan mong magbibirthday na ko?"-tanong nya at medyo nagulat pa ko hindi dahil sa nakalimutan ko kundi dahil sa hindi ko inaasahang ipapaalala nya sakin

"hindi ko naman nakalimutan yon,sa 15 diba?"-tanong ko at tumango naman sya

"bakit? magpaparty ka ba?"-natatawa kong tanong at sinamaan naman nya ko ng tingin

"hindi naman,gusto ko kase sa birthday ko ay tatanungin ko na si bianca kung gusto nya rin ba ko o hinde..."-derederetsong sabi nya at para naman akong naestatwa sa kinauupuan ko

Ganon kabilis?!

"b-bakit mo naman sinasabi sakin toh?"-nauutal kong tanong

Shit becca! pigilan mon  wag mautal dahil baka mahalata ka nya!

"tulungan mo ulit ako ha?"-parang nagmamakaawang tanong nya sakin at napapikit naman ako

Eto na naman po tayo,magiging tulay na naman ako,hanggang kelan pa ba magpapatulong sakin ian? hanggang kelan mo pa ba ko sasaktan? tama na please? dahil sa totoo lang,sobrang sakit na...

"k-kailangan pa ba ko dun? k-kaya mo naman yan kahit wala ko dun eh,i-ikaw pa"-pang-eengcourages ko sa kanya

"pero becca alam mo namang lumalakas lang ang loob ko pag andun ka"-sabi nya at napayuko naman ako

"BECCA!"

napalingon kami sa sumigaw ng pangalan ko at nakita naman namin si ivan na nakangiting tumatakbo papalapit sakin

"Hi becca!"-masiglang bati nya sakin nang makalapit

"a-ah hello"-nauutal ko pang sagot dahil medyo awkwad na naman

"oh hi pre!"-bati din ni ivan nang makita si ian

"hello..."-walang ganang bati dito ni ian

"pwede ko bang mahiram muna si becca,pre? may importante kase kong sasabihin sa kanya"-paalam ni ivan kay ian tsaka ako hinawakan sa braso

nakita ko namang napatingin si ian sa braso ko na hawak ni ivan tsaka tumingin sakin

"go ahead"-walang ganang sabi nya at walang sali-salitang hinila ko papalayo ni ivan sa coffee shop

"b-bakit ivan?"-naguguluhan kong tanong

"yung bunso ko kaseng kapatid na babae,malapit na yung debu nya at gusto sana kitang imbitahan,actually yung kapatid ko pa nga mismo yung nagsuggest na imbitahan kita dahil gusto ka daw nyang makilala"-nakangiting sabi nya sakin at kumunot naman ang noo ko

"pano ko nakilala nung kapatid mo?"-gulat kong tanong

"madalas kase kitang makwento sa kanya,sabi ko ay ikaw palang yung kaibigan ko sa trabaho ko"-nakangiti pa ring aniya at napatango naman ako

"kelan ba yung debu nya?"-tanong ko at ngumiti naman sya nang malaki

"sa 15..."-sagot nya at nanlaki naman ang mga mata ko

s-sa 15? bakit sa dinami dami ng araw na pwedeng magbirthday yung kapatid nya eh sa 15 pa?!

"may problema ba becca?"-nag aalalang tanong nya at doon lang ako bumalik sa huwisyo

"k-kase birthday din ni ian sa 15"-nag aalangan kong sabi sa kanya

"ah yun ba yung pinag uusapan nyo kanina?"-tanong nya na parang nadidismaya

"o-oo"-nauutal kong sagot at kita ko yung paglungkot ng mukha nya

"p-pero wag kang mag alala,gagawan ko ng paraan"-biglang bawi ko sa sinabi ko kanina at napangiti naman sya

"talaga?! nako matutuwa talaga yung kapatid ko neto! aasahan kita don ah?"-masiglang sabi nya at wala na kong nagawa kundi ang tumango

"sige,pano ba yan? una na muna ko dahil marami pa kong ip-proofhead ngayon,kita nalang ulit tayo!"-sabi nya tsaka kumaway sakin

nang makapasok na sya sa kompanya ay babalikan ko pa sana si ian sa coffee shop (nagbabakasakaling andon pa sya) kaya lang paglingon ko ay nasa likuran ko na sya

"so...san ka pupunta? sa kaya o sa akin?"-biglang seryosong tanong nya paglingon na paglingon ko

"i-ian..."-mahina at gulat na tawag ko sa pangalan ko ngunit nananatili pa rin syang seryoso

"san ka pupunta?"-pag uulit nya sa tanong nya at napayuko naman ako tsaka ko naikuyom ang kamao ko

Bakit ba kase nagsabay pa?!

"h-hindi ko alam..."-nauutal kong sagot at narinig ko naman ang pag 'tsk' nya

"talagang pag iisipan mo pa yan? sino bang kaibigan mo samin dalawa? diba ako? oh baka naman pinalitan mo na ko?"-sarkastikong tanong nya at sunod sunod na iling naman ang naisagot ko

"w-wag ka ngang ganyan ian,nakakatakot ka naman eh! i-inaasahan din kase ko nung kapatid nyang magdedebu kaya nahihirapan akong pumili,pero gagawan ko naman ng paraan,anong bang oras gaganapin yung iyo?"-tanong ko dito at pilit na iniiwasan ang pagkautal ko

"alas sais ng gabi"-seryosong sagot nya at napatango naman ako

"siguro naman ay hindi sabay ang oras na gaganapin yung parehong party nyo noh? wag kang mag alala,dahil kahit anong mangyari ay pupunta ko sa birthday mo,ha?"-paninigurado ko dito at napangiti naman sya

"talaga?"-nakangiting paninigurado nya at nakangiting tumango naman ako

nagulat pa ko at hindi agad nakagalaw sa pwesto ko nung yakapin nya ko

"salamat becca! kinabahan talag ko kanina kase baka hindi ka na pumunta sa birthday ko eh,malapit na talaga kong magtampo sayo"-kunwari ay nagtatampo pang sabi nya

"pwede ba naman yun? syempre hindi noh,hinding hindi ko papalampasin ang pinakaespesyal na araw ng kaibigan ko"-nakangiting sabi ko at ginulo naman nya yung buhok ko

"aasahan kita don,ano tara na?"-nakangiting aya nya at tumango nman ako tsaka kami sabay na pumasok sa loob ng kompanya

Jusme pano na toh? sana naman ay wag alas sais mag simula ang party nung kapatid ni ivan,dahil kung hindi ay malalagot ako neto,nakangako ako sa kanilang pareho na makakapunta ko,kahit hindi pa ko sigurado...GHAAAAAAD TULUNGAN NYO PO KOOOO!!!

***

30 Days [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon