REBECCA's POV
dear diary...
june 21, 2017
"nakikiusap po ako Doktor Tan! Kailangan ko po talagang lumabas ng ospital ngayon! kahit saglit na oras lang,nakikiusap ako..."-naiiyak kong sabi kay Doktor Tan at konti nalang ay malapit na kong lumuhod
"Gustuhin ko mang payagan kang lumabas ay hindi talaga pwede dahil ayon sa schedule mo ay ngayon ang araw ng check up mo"-naaawang sabi nya sakin at wala na kong nagawa kundi mapaupo nalang sa sahig at humagulgol naparang bata
Its 7 o'clock in the morning at kakagising ko lang,nung makita kong si ian ang bantay ko ay hinanap ko agad si ivan,then sabi ni ian ay maaga daw umalis si ivan dahil maaga din ang oras ng flight nya
Pagkasabing pagkasabi nun ni ian ay tinanggal ko agad ang dextrose na naka-kabit sa katawan ko at tumakbo papunta kay Doktor Tan,kaso hindi nya ko pinayagang makalabas ng ospital dahil sa pesteng check up na yan!
"Becca! Hey becca bakit mo tinaggal yung dextrose mo?!"-rinig kong sigaw ni ian pero hindi ko sya pinansin at patuloy lang sa pag iyak
Totoo nga yung sinasabi nilang,tsaka mo lang makikita ang halaga ng isang tao pag umalis na sila or wala na sila..
At yun yung nararamdaman ko ngayon...
I realize that ivan is not just a friend for me,i don't have a special feelings for him,but still...hes my bestfriend! I treat him as my real friend,ian and ivan...they are my bestfriend
Sana hindi nalang ako nagkasakit,edi sana napigilan ko pa si ivan diba? o kaya naman sana nasundan ko pa sya
Gusto ko sa oras na mawala ako sa mundong ito ay silang dalawa ni ian ang huli kong makikita at makakausap,ayokong iwan nila ko,gusto ko andyan lang sila sa tabi ko
Pero i realize na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo,hindi lahat ng hiling mo matutupad...because everything happens for a reason,and only God knows the best for us
"becca..."-mahinang tawag sakin ni ian tsaka ako niyakap
That hug...yan ang kailangan ko ngayon
"Salamat ian"-sabi ko na ikinagulat nya pero ngumiti din sya
"andito lang ako,okay? babalik naman si ivan eh,magkikita pa kayo,pero sa ngayon...hayaan muna natin sya na ipagpatuloy ang kinabukasan nya"-nakangiti nyang sabi sakin at tumango naman ako
Tinulungan nya kong tumayo at ikinabit ulit sakin yung dextrose ko na tinanggal ko,bago kami bumalik sa hospital room ko ay nginitian ko muna si Doktor Tan and mouthed him 'thank you',he just smiled at me
Nang makabalik na kami sa hospital room ko ay pinakain na ko ni ian ng almusal,matapos nun ay dumating na ang mga nurse na magche-check up daw sakin
Gaya ng dati,kinuhanan ako ng dugo pinainom ng gamot,at kung ano ano pa
Pagkaalis naman nung mga nurse ay lumapit sakin si ian at tinanong kung ayos lang daw ba ko,tumango naman ako bilang pagsagot,wala kong ganang makipag usap muna ngayon dahil bukod sa namamanhid ang buong katawan ko dahil sa mga gamot ay namimiss ko din si ivan
"Ms. De Guzman..."
Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko naman si Doktor Tan na may hawak hawak na folder at seryosong nakatingin sakin
Kinakabahan ako sa seryosong aura ni Dok Tan kaya naman napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni ian
"y-yes doc? k-kamusta po yung result nung pagpapablood test sakin?"-kinakabahan kong tanong pero pilit kong pinapakita na matatag ako
BINABASA MO ANG
30 Days [COMPLETE]
Teen FictionRebecca De Guzman.. an inspiring writer who's stupidly inlove with his bestfriend-- Ian. But what will happen if she found out that she only have thirty days left in Earth before she die? -30 days- Written by: piscesworks