REBECCA's POV
Noong bata pa ako,laging sinasabi sakin ni mama na lagi daw akong magpapasalamat kay papa God dahil binigyan nya ko ng buhay...
At ngayong malaki na ko,naisip ko din...
Bakit nya tayo binigyan ng buhay kung babawiin nya lang din?
Im Rebecca De Guzman,becca for short,i have leukemia and i only have an hour before i die...
i only have one question in life...
Ano ang rason para mabuhay ako sa mundong ito?
Yan yung lagi kong tanong sa isip ko simula magkaisip ako
Ano nga ba?
Pero narealize ko na hindi lahat ng tanong ay nasasagot
May mga tanong na malalaman mo lang ang kasagutan kung napapagdaanan mo o nararamdaman mo
Bakit nga ba ko nabuhay sa mundong ito kung mamamatay lang din ako diba?
At ngayon alam kong mawawala na ko sa mundong ito,doon ko narealize na nabuhay ako para sa isang tao,nabuhay ako para pasayahin ang isang taong nag iisa nalang sa buhay nya,nabuhay ako para maging karamay nya
Pero di ko inaasahang mahuhulog ako sa kanya...
Hindi ako nabuhay para mahalin sya...
Ngayong mawawala na ko sa mundong ito,hangad ko ang kasiyahan nya,yun lang at wala ng iba
"rebecca,anak..."
Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si mama na nakangiti sakin,ngumiti din ako sa kanya,ngayon ko lang napansin na hindi ko pala alam kung nasaan ako,siguro nasa langit na?
"mama..."-mahina ko ring tawag sa kanya tsaka ako lumapit
"sasama na ko sayo mama"-mahina kong sabi sa kanya
"sigurado ka?"-nakangiti nyang tanong at ngumiti naman ako tsaka tumango
"tapos na ang misyon ko sa mundong ito mama,wala na kong dapat pang gawin"-sabi ko sa kanya at umiling naman sya
"hindi pa anak,meron ka pang natitirang sampung minuto sa mundong ibabaw,iintayin kita..."-nakangiting sabi nya sakin at nararamdaman ko nalang na unti unti na kong naglalaho
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasilaw pa ko pero maya maya lang din ay luminaw na ang paningin ko,napatingin ako sa paligid...
Puro puti...
ang daming nakaturok sa katawan ko...
Pero isa lang ang naagaw ng pansin ko---
---yung lalaking natutulog sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko
Napangiti ako sa itsura nya kaya hinaplos ko ang maamo nyang mukha habang natutulog
Ito yung mukha na nakasama ko sa mga oras,araw at taon ko dito sa mundong ibabaw...
Ito yung mukha na hinding hindi ko makakalimutan...
Hindi ko napansin na dahil sa paghaplos ko sa mukha nya ay magigising sya
Nang imulat nya ang mga mata nya at nakita akong nakangiti sa kanya ay natulala sya,para syang nakakita ng multo kaya naman natawa ko sa reaksyon nya at doon lang sya bumalik sa katinuan
BINABASA MO ANG
30 Days [COMPLETE]
Teen FictionRebecca De Guzman.. an inspiring writer who's stupidly inlove with his bestfriend-- Ian. But what will happen if she found out that she only have thirty days left in Earth before she die? -30 days- Written by: piscesworks