IAN's POV
After 10 years...
"daddy!"
Napangiti ako at sinalubong ko ang anak kong si rebi ng yakap tsaka sya hinalikan sa pisnge
"where's my pasalubong?"-tanong nya at ipinakita ko naman ang dala dala kong paper bag at agad naman nyang kinuha yun
"yaaay! i love you daddy!"-nakangiting sabi nya tsaka ako niyakap ulit
"i love you too baby rebi,where's mommy?"-tanong ko at tinuro naman nya yung loob ng bahay
"she's cooking"-sabi nya at binuhat ko na sya papasok sa loob ng bahay
"Hi sweetheart!"-bati ko kay bianca na ngayon ay nagluluto
Napatingin naman sya sakin at nginitian ako
"Hello sweetheart! How's your work?"-salubong nya sakin tsaka ako hinalikan sa pisnge
"medyo stress"-sabi ko tsaka ibinaba si rebi
"daddy i thought today is tita becca's death anniversary?"-biglang tanong ni rebi kaya sabay kaming napatingin ni bianca sa kanya
"bibisitahin nyo ba sya?"-tanong ni bianca kaya sa kanya naman kami napatingin
"i want to visit tita becca,daddy,please?"-pakiusap naman ni rebi sakin at tinignan ko si bianca ng nagtatanong
"ask your mom"-bulong ko sa kanya at tumingin naman sya ky bianca
"mom?"-tanong ni rebi kay bianca at nakangiting tumango naman si bianca
"ofcourse baby rebi,anything for you"-nakangiting sagot ni bianca sa kanya at niyakap naman siya ni rebi
"lets go daddy?"-tanong sakin ni rebi at nginitian ko naman sya
"hindi ka ba sasama sweetheart?"-tanong ko kay bianca at nakangiting umiling naman sya
"im not yet finish cooking,mamaya ko nalang sya bibisitahin"-sagot ni bianca at tumango naman ako
"alis na kami"-paalam ko at nung tumango sya at pumunta na kami ni rebi sa puntod ni becca
Sampung taon na din ang nakalipas simula nang mamatay si becca...
Dalawang taon din akong nagmukmok at hindi makamove on sa nangyari...
Then after 2 years nagpakita ulit si bianca,bumalik ulit sya ng pilipinas at naging magkatrabaho ulit kami sa publishing company
Tinulungan nya ko mag move on,anjan sya lagi sa tabi ko,hanggang sa nahulog na ko sa kanya,isang taon ko syang niligawan pero sinagot din nya ko
Makalipas ang limang taon ay nagpakasal na kami at biniyayaan kami ng isang babaeng anak na pinangalanan kong rebi bilang alaala kay becca,ayos lang naman yon kay bianca
Then after 10 years...
Eto na ang buhay namin,maayos,mapayapa at tahimik
Mahal na mahal ko si bianca,pero hindi pa rin maaalis sa puso ko si becca
"Becca...."-mahinang sabi ko tsaka hinaplos yung puntod nya
"Sampung taon na ang nakalipas simula nung iwan mo ko..."-sabi ko at pinigilan na wag maluha
"eto na ko ngayon becca,eto na ang buhay ko,masaya ka ba para sakin? i hope masaya ka,wag ka sanang magagalit kung minamahal ko ngayon si bianca ah? dahil kahit wala ka na ay hindi ka pa rin mawawala sa puso ko"-sabi ko at napangiti nalang
"Miss na miss na kita becca...alam mo bang lagi kitang kinukwento kay rebi? at gusto ka nyang makilala at makausap"-nakangiting sabi ko tsaka ko tinignan si rebi at umupo naman sya sa tabi ko
"Hi tita becca! Im rebi po,anak po ako ni daddy ian na mahal na mahal nyo po,kahit hindi po kita nakilala tita becca,i love you rin po"-sabi ni rebi at napangiti naman ako tsaka ginulo yung buhok nya
"tara na?"-tanong ko kay rebi at tumango naman sya
"alis na kami becca ah? miss na miss na talaga kita,always remember that i always love you"-nakangiting paalam ko at umalis na kami ni rebi
Kahit wala na ka na sa mundong ito becca,hinding hindi ka mawawala sa puso at alaala ko...
Mahal na mahal kita becca...
Hanggang dito nalang,
Ian***
A/N:
Waaaaah finally natapos ko na din tong story na toh,maganda ba guys? maganda ba?! Comment naman kayo kung nagandahan kayo oh! Hindi ako professional writer pero sana nagustuhan nyo yung imagination ko,sabihin nyo lang kung maganda or hindi,i'll accept it,atleast you read this,right?
I just want to say na MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA MGA SUMUPORTA SA MAIKLING KWENTO NILA IAN AT BECCA!!! MARAMING SALAMAT DAHIL NATAPOS NYO TONG STORY KO
I only have one question guys:
"Gusto nyo po bang gawan ko ng story si rebi (anak ni ian at bianca)?
AYLABYU GUYS!!! always remember that ;)
BINABASA MO ANG
30 Days [COMPLETE]
Teen FictionRebecca De Guzman.. an inspiring writer who's stupidly inlove with his bestfriend-- Ian. But what will happen if she found out that she only have thirty days left in Earth before she die? -30 days- Written by: piscesworks