28 DAYS

142 2 0
                                    

REBECCA's POV

dear diary...

june 03, 2017

"I like bianca..."

"I like bianca..."

"I like bianca..."

nagpaulit ulit sa akin ang sinabing iyon ni ian kahapon

hindi ako makapaniwala...

iyon palang ang kauna-unahang beses na nagkita at nagkakilala sila,tapos gusto nya na agad?!

bakit ang bilis naman? ako ngang kaibigan nya at matagal nya ng nakakasama at kilala ay hindi nya magustuhan,yun pa kayang kahapon nya lang nakilala?!

FLASHBACK...

june 02, 2017

"I like bianca..."

hindi agad ako nakasagot sa seryosong inamin nya sakin

he likes who?!

yung pinsan ko?!

si bianca?!

"h-hey becca,m-magsalita ka naman"-biglang aniya kaya naman gulat akong napatingin sa kanya

"h-ha? ano ulit yon?"-nagtataka ko pa ring tanong

"i-i like bianca"-pag uulit nya at napapikit naman ako

noong nakaraan lang ay nalaman kong may leukemia ako at 30 araw nalang ang itatagal ko sa mundong ito...

tapos ngayon ay malalaman ko nalang na may gusto itong kaibigan ko sa pinsan ko?

ilang kamalasan pa ba ang mangyayari sa buhay ko ha?

"i-i know na kakakilala pa lang namin,pero na like-at-first-sight ata ko sa kanya eh,tinamaan agad ako"-natatawa pang sabi nya

"a-anong gusto mong gawin ko?"-kinakabahan kong tanong

"pwede mo ba kong tulungan na umamin sa kanya? tulungan mo din akong ligawan sya at mas mapalapit pa sa kanya,please becca? magkaibigan tayo,diba? pleaaaaseeee??? i need your help!"-nagmamakaawang aniya at napayuko naman ako tsaka pumikit

hes my bestfriend...

but i love him more than bestfriend...

now tell me,how can i say no to this person?

natigilan ako sa pag iisip nang biglang dumating si bianca

save by the bell....woooh!

hindi ko na nagawang sumagot sa tanong ni ian sakin dahil dumating na si bianca at nanatili nalang kaming tahimik...

END OF FLASHBACK...

Buti nalang talaga at ngayong araw ay hindi ako papasok sa trabaho,kailangan ko kaseng magpacheck-up,hindi ko sya makikita ngayon at maiiwasan ko yung request nya sakin

hindi ko kase talaga alam kung kaya ko...

murder yun sa puso ko pagnagkataon...

matapos kong magbayad sa sinasakyan kong taxi ay bumaba na ko at pumasok na sa loob ng ospital para magpacheck-up

"Magandang Umaga po dok"-nakangiting bati ko sa doktor na mag c-check-up sakin

"oh Ms. De Guzman ikaw pala,magandang umaga din,maupo ka muna"-nakangiting sabi niya at pumasok sa loob ng laboratory habang ako naman ay nag iintay sa office nya

30 Days [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon