REBECCA's POV
dear diary...
june 18, 2017
"becca..."-napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko naman si ivan na nakangiti sakin
"hmm bakit?"-tanong ko dito tsaka ipinagpatuloy yung pagbabasa ko
Pangatlong araw ko na ngayon sa ospital at si ivan ay nandito pa rin binabantayan ako,5:00 palang at hindi pa sumisikat ang araw
Yung nangyari kahapon? hindi ko nalang yun iniisip,gusto ko ng kalimutan yun,kaya dinadaan ko nalang sa pagbabasa ng libro,baka sakaling makalimutan ko yon
"may gustong kumausap sayo"-nakangiting sabi nya kaya naibaba ko yung hawak kong libro at kunot noong tumingin sa kanya
"sino naman?"-taka kong tanong
nginitian nya lang ako tsaka tumingin sa pinto,bumukas yung pinto at pumasok si...
Si ian...
Hindi agad ako nakapagsalita nung pumasok sya dahil natulala lang ako
Anong ginagawa nya dito? Alam na kaya nya yung kalagayan ko?
"a-anong ginagawa mo dito?"-sinikap kong wag mautal pero nabigo ako
"becca..."-mahinang pagtawag sakin ni ivan tsaka lumapit sakin at hinawakan yung pareho kong kamay
"naalala mo yung sinabi ko sayo na kahit ano gagawin ko sumaya ka lang? eto na yon,nagawa ko na...at sana mapasaya kita sa ginawa ko,gusto ko lang malaman mo becca na mahal na mahal kita,and i will do anything just to make you happy,even if that happiness,no longer includes me"-nakangiting sabi nya sakin tsaka ako hinalikan sa noo
"ivan..."-mahinang pagtawag ko dito
"papasok na ko sa trabaho,ilang araw din akong umabsent,baka matanggal na ko nyan sa trabaho haha,pero wag kang mag alala,may bago namang magbabantay sayo dito"-nakangiti muling aniya tsaka tinignan si ian at nagkindatan pa sila
Anong meron? close na sila?
"una na ko ah? wag kang mag alala dahil tuwing uwian ay dadaan ako dito para tignan ang lagay mo"-sabi nya at hinalikan ulit ako sa noo tsaka tumayo na ng tuwid at nilapitan si ian tsaka tinapik sa balikat,kumaway sya sakin tsaka tuluyang lumabas ng pinto,kaya ang ending? naiwan kaming dalawa dito ni ian...
"ahhh...may dala nga pala akong almusal dito,tara kainin na natin"-nakangiting sabi nya tsaka ipinatong sa mesa yung pagkaing dala nya
"anong ginagawa mo dito ian?"-muling tanong ko sa kanya at natigil naman sya sa ginagawa
"uhm...aalagaan ka syempre"-sabi nya at napapikit naman ako sa inis
"pwede bang wag kang umarte na para bang walang nangyari kahapon?"-inis na sabi ko sa kanya at tumingin naman sya sakin ng deretso,seryoso
"we need to talk"-seryosong aniya tsaka hinawakan yung braso ko pati yung dextrose ko tsaka ako tinulungang tumayo
"ano bang pag uusapan natin ian? wala na tayong pag uusapan pa dahil nasabi ko na sayo lahat ng gusto kong sabihin sayo kahapon"-seryosong sabi ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin at tuloy tuloy pa din sa pag alalay sakin na makatayo
"kaya ko"-sabi ko tsaka kusang tumayo
"san ba tayo? pwede naman tayo ditong mag usap ah?"-inis na tanong ko pero nagkibit balikat lang sya tsaka ko hinila papunta sa kung saan
BINABASA MO ANG
30 Days [COMPLETE]
Teen FictionRebecca De Guzman.. an inspiring writer who's stupidly inlove with his bestfriend-- Ian. But what will happen if she found out that she only have thirty days left in Earth before she die? -30 days- Written by: piscesworks