Eun Ha

63 2 0
                                    

*After 2 weeks*


Eun Ha POV


"GOOD MORNEENG WORLD~"


Haaayys! Gusto ko pang matulog nu ba yan.


Tumayo na ako at inayos ang kama ko bago ako pumasok ng banyo.


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin dito sa banyo. Nagulat ako ng nakakita ako ng Dyosa. Wag kayong ano. Haha.


Ginawa ko ang mga morning rituals ko. Nang matapos ako ay lumabas ako ng kwarto. Nandito ako ngayon sa Condo ko. Humiwalay na ako sa mga magulang ko ng nagsimula akong mag-aral sa collage.


Pumunta ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig don. Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom.


*BEEP BEEP*


Tunog yan ng cellphone. Wag kayong ano. Haha.


Reminder: Pupunta ako ng Korea ngayon. Papakasalan ko na si Jungkook bebe q.


NYETAAA! BAT NAKALIMUTAN KO NA NGAYON PALA YUNG PUNTA KO SA KOREA!? WAAAH!


Nagmadali akong bumalik sa kwarto ko. Buti nalang at nakapag-ipake nako nung isang araw.


Egzoited nakoo~ Makikita ko na yung kookie ko. Hihi. Buti nalang talaga pinayagan ako nila mama na pumunta sa korea at dun ipagpatuloy ang collage ko.


Makikita ko na ang Bangtan. Waaahh! Naiiyak tuloy ako. Letse. E kasi naman eh. Kung pwede ko lang isama ang lahat ng mga ARMYs dito sa Pilipinas ginawa ko na. Ang hirap kaya maging Army huhu. Nasa Korea yung mga asawa mo tapos ikaw nandito sa pilipinas? Mahirap yun.


Oh, tama na yung drama. Huehue.


Lumabas na ako ng kwarto at nilock na yun. Mami-miss ko yung condo ko, huhu. Dami ko pa namang nakadikit na posters dito. Pero kinuha ko yung iba para dun ko ididikit sa bago kong condo sa korea.


Ini-unplug ko muna yung mga saksakan, mahirap na baka pagbalik ko dito sunog na 'tong condo ko tapos makikita ko yung mga posters ko abo nalang. Noooo! Di ko kakayanin yun. Makita ko pa lang nga na may lukot o punit yung mga yun. Naiiyak na ako eh. Tapos masusunog pa? No way.


Kinuha ko na yung bag ko at yung maleta ko. Lumabas na ako ng condo.


Pumunta ako dun sa labas ng building at pumara ng Taxi.


Hirap na hirap akong magsakay ng mga bagahe, ang bigat bigat eh. Tapos si kuyang driver naman di man lang nag abala na tulungan ako. Mga pilipino nga naman oh.


"Manong, sa NAIA terminal * nga po." sabi ko sa driver. Bawal niyong malaman yung terminal, baka sundan niyo ko eh. Charot, haha.


After 123456789 hours nandito na din kami sa Airport. Letseng traffic. Kapag ako naging presidente, magpapagawa ako ng lumilipad na sasakyan.


Iniabot ko na ang bayad ko at ibinaba na sa taxi ang mga bagahe na dala ko.


"Haaayys! Konting hintay nalang. Makikita ko na kayo mga baby ko." Sabi ko ng nasa harap na ako ng Airport. Infairness, para akong baliw na nagsasalita dito ah?


Nagsimula na akong pumasok sa airport. Mahirap na, baka pagkamalan pa akong baliw dun sa labas. Charot. Haha. Ganda ko namang baliw.


Nicheck na yung mga bagahe ko at nicheck din nila ako bago ako tuluyang makapasok.


Umupo muna ako sa mga upuan don at naghintay na tawagin yung flight ko.


Nang natawag na ay tumayo na ako.


Konting oras nalang makikita ko na kayo.

Chatting My BiasWhere stories live. Discover now