EunKook

76 2 0
                                    

7:46 p.m. (Korea)

Jeon Eun Ha: Baby?

Jeon Jungkook: Oh?

Jeon Eun Ha: Puntahan kita. Huehue.

Jeon Jungkook: Wag na. Ano pang mangyari sayo, ako pa may kasalanan.

Jeon Eun Ha: Alam ko namang concern ka. Pero cge naaa~ pleassee?

Jeon Jungkook: Tsk, gabi na.

Jeon Eun Ha: Okey lang yan! Mas gusto ko ng gabi kasi di nae-expose yung kagandahan ko. Haha.

Jeon Jungkook: Kapal. Tsk.

Jeon Eun Ha: Byeee. Punta na ako dyan. Hihi.

Jeon Jungkook: Mag-ingat ka ah? Wag tatanga-tanga. Mag jacket ka na din, malamig sa labas ngayon.

Jeon Eun Ha: Opo tatang.

Jeon Jungkook: tsk.

--

Eun Ha POV

Yipieeee! Pupunta ulit ako sa dorm ng baby ko. Hihi.

Pumunta ako sa kwarto ko para magbihis.

Nagsuot ako ng yellow shirt na may tatak na 'Cute alien babe' na binili ko sa penshoppe and black short. Nagsuot din ako ng jacket tulad ng bilin ni baby kookie ko. Sinuot ko yung jacket na bigay niya, hihi.

Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko yung cap and mask ko. Mahirap na baka pagkamalan nila akong celebrity. Haha!

Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Sigurado akong hinihintay na ko nun. Haha.

Nag-abang ako ng taxi, hindi naman ako nahirapang makasakay dahil medyo konti nalang ang mga tao na nasa labas.

Nang makasakay na ako ay nagpa-drive agad ako kay manong driver papunta sa BigHit Ent.

Nakatingin lang ako sa bintana ng may makita akong food stalls. Pinahinto ko muna kay manong yung sasakyan at bumaba.

Pinuntahan ko yung mga food stalls dun at bumili ng pagkain. Pagdadala ko sila ng pagkain. Hihi.

Bumili ako ng lahat ng makita kong masarap sa paningin ko. May pizza stall din kaya bumili ako ng dalawang box.

Bumalik agad ako sa taxi ng matapos na akong mamili. Ang dami ko palang nabili. Buti mura lang pagkain dito. Haha!

Hindi nagtagal ay nakarating kami, bumaba na ako at ibinigay kay manong yung bayad.

"Manong, inyo na po ito. Napadami yung bili ko eh." sabi ko kay manong at ibinigay sakanya yung isang supot ng Steak na binili ko.

"Naku ma'am hindi ko na po matatanggihan yan dahil wala po akong maiuuwing pagkain sa pamilya ko. Maraming salamat po." Sabi sakin ni manong.

Chatting My BiasWhere stories live. Discover now