EunKook II

65 2 0
                                    

Jeon Jungkook POV

Nandito kami ngayon sa tapat ng dorm. Inilagay ko na ang passcode para mabuksan ang pinto.

Nang bumukas yon ay pumasok na kaming dalawa ni Eun Ha.

At di ako nagkamali sa mga naging reaksyon nila. Gulat silang lahat.

Lumapit sa akin si Eun Ha at bumulong. "Psst! Anyare sakanila?" Bulong niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako at sinenyasan siya na magpakilala.

"Annyeong! I'm Jeon Eun Ha, 21 years old. Im from Philippines. Asawa ako ni Jungkook! Hihi." Sabi niya dahilan upang mapasapo ako sa noo ko.

"Woah, woah. Kailan pa yan Jungkook?" -Jimin

"Ganda niya *__*" -Taehyung

Sinamaan ko ng tingin si Taehyung Hyung. Tsk.

"Woah, easy di ko naman aagawin sayo yan. Haha!" -Taehyung

"Nagpahangin pala ah?" -Jin

"Subukan ko ngang magpahangin, baka magka-asawa din ako. Haha! -Hoseok

"Ingay niyo tsk." -Yoongi

"Pasalamat ka di tumawag si PD nim ngayon. Tska yang babaeng kasama mo, kamukha ni IU. Haha." Namjoon

Napatingin naman ako dito sa kasama ko na namumula na pala. Cute, haha. Tinignan ko yung mukha niya at kamukha nga niya si IU noona.

"Oo nga pala, dito muna siya matutulog ngayon. Dun sa isang kwarto, wala namang gumagamit nun diba?" tanong ko at tumango sila bilang sagot.

Hinila ko si Eun Ha at pumunta dun sa kwarto. Bago kami makapasok ay narinig kong sumigaw si Jimin hyung.

"Hoy Jungkook! Hinay hinay ah? Haha!" Minsan talaga sarap ibitin patiwarik ni Hyung eh. Ano ano sinasabi. Ang halay ng bibig. Tch.

"Dyan ka matutulog ngayon. Malinis naman yan, kapag may kailangan ka, nandun lang ako sa kwarto ko sa kabila lang nitong sayo." sabi at paalala ko sakanya.

Aalia na sana ako ng magsalita siya.

"Wait! Matutulog ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Di pa, wae?" Tanong ko sakanya.

('wae' is the korean word of 'why')

"Pwedeng dun muna ako sa kwarto mo? Please *puppy eyes* hihi." tanong niya sa akin habang di maipaliwanag ang itsura. Ano 'to? Nagpapa-cute o nagpapa-awa? Mga babae nga naman. Tss.

"Di pwede." Sabi ko.

"Eey, cge na~ Please?" Sabi niya tska lumapit sakin at kinurot ang magkabila kong pisngi.

"O-oy! Tyeka, mashakiit." sabi ko na nagkakanda bulol-bulol na.

Inalis ko ang mga kamay niya sa pisngi ko. Nakatingin siya sakin habang malapad ang mga ngiti. Anong nangyayari sa babaeng 'to? Tsk.

"Sige na kasiii. Please? Pleaasse??" Aish! Ang kulit ng babaeng 'to.

Wala na akong nagawa kaya isinama ko nalang siya sa kwarto ko. Baka ano pang gawin sakin ng babaeng 'to eh, dilikado na. Haha.

"Yeeeyy! Swerte ko talaga! Hihi." Sabi niya habang umiikot ikot na naglalakad. Tsk, parang bata.

Nang nasa pinto na kami ng kwarto ko ay bigla siyang pumunta sa harapan ko at siya ang nagbukas.

"Wooooww" Manghang-mangha niyang sabi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto ko.

Ngayon lang siya nakakita ng kwarto? Tss.

Nang makapasok kami don ay agad siyang humiga sa kama ko. Inamoy-amoy niya pa yon. Konti nalang, mapagkakamalan ko ng manyak 'tong babaeng 'to eh. Kababaeng tao, tsk.

"Hoy! Hinay hinay lang. Baka mawalan ng amoy yang kama ko sa kakasinghot mo." Sabi ko sakanya.

"Hindi yan. Bango kaya. Pwedeng akin nalang? Charot! Haha!" sabi niya at nagpagulong-gulong sa kama.

"Di kaba natatakot na baka may gawin akong masama sayo habang nakahiga ka dyan?" Sabi ko sakanya. Tinatakot ko lang, wala akong balak. Haha.

"Gawa na ba tayong baby? Tsk. Wag muna, di pa tayo kasal noh! Tska na. Wag kang excited. Haha!" Sabi niya habang tumatawa. Wala talaga akong panama sa babaeng 'to. Langya.

"Sira ka talaga. Tsk." Sabi ko at umupo sa kama.

"Maganda naman. Haha!" Ilang beses ko na bang nasabihang baliw 'tong babaeng 'to? Tsk. Baliw talaga eh.

"Di naman mahal ng mahal niya. Haha!" Sabi ko sakanya dahilan para mapaupo siya sa kama at tignan ako ng masama.

"Oy Jeon Jungkook! You told me that you love me. Letse ka! Napapa-english ako ng wala sa oras eh." Sabi niua na ikinatawa ko.

"As a FAN." Sinadya ko talagang diinan ang pagkakabigkas ko dun sa word na 'FAN' para dama niya. Haha!

"Nyeta ka! Balakajan. Dun nalang ako kay Taehyung, buti pa yung alien na yun mabait sakin. Hmp!" Tumayo na siya sa kama at aaktong lalabas na ng kwarto ko ng pigilan ko siya.

"Oy gabi na! Baka tulog na yun. Wag mo ng abalahin si Hyung, tsk." Sabi ko sakanya. Totoo naman eh, baka tulog na yun.

"Edi gisingin. Charot lang, tska sigurado akong di pa tulog yun noh! Nakita ko yung pinapanood nila kanina na movie. Napanood ko na yun kaya alam ko kung kailan matatapos, wala pa sa kalahati yung movie nung pumunta tayo dun sa kwarto na tutuluyan ko. Kaya sigurado akong gising pa yun. Haha!" Sabi niya at lumabas na ng tuluyan sa kwarto ko.

"Oy! Dito ka nalang. Iistorbohin mo pa sa panonood sila hyung eh!" Pagpigil ko sakanya.

Humarap siya sakin at ngumiti ng malapad. Baliw.

"Haayy. Aminin mo nalang kasi na nagseselos ka. Alam mo namang sayo lang naman ako eh! Haha!" Sabi niya at itinaas baba ang mga kilay tska lumapit ulit sakin at umupo sa kama.

"Baliw kana talaga" Sabi ko sakanya.

"Baliw sayo! Haha!"

SHE'S CRAZY.














Chatting My BiasWhere stories live. Discover now