Eun Ha POV
Malapit na ang pasukan kaya magmo-mall muna ako ngayon. Bibili ako ng mga gamit.
May bag na akong dala kaya mga notebooks, ballpens, pencil, etc. nalang yung mga kailangan kong bilhin. Eggzoited nakooo~
Sa totoo lang, di namann talaga ako nasaktan dun sa convo namin ni Jungkook. Nagpapamiss lang talaga ako. Haha!
Alam kong wala akong pag-asa sakanya dahil isa lang akong hamak na sasaeng para sakanya. Alam ko rin na marami pang magaganda dyan sa tabi tabi na mas deserve niya.
Offline ako dahil mahina data dito, syempre charot lang yun nuh! Haha. Oflline ako kasi tinatamad akong mag online. Tska wala akong makakachat ngayon.
Alam ko naman na busy si Jungkook dahil may papalapit silang concert ngayon dito sa Korea. Buti nalang malapit lang. Bibili na rin ako ng ticket later, available na din naman sa mall eh.
Excited ako kasi perstaym kong makakapunta sa concert nila at dito pa sa Korea! Im so lucky talaga. Hihi.
Nagbihis na ako at lumabas na sa condo. Naka tshirt ako na dark green ang kulay na may tatak na 'DOPE' and black rip jeans.
Pumara ako ng taxi nang makalabas ako ng building.
Nagpa-drive ako sa malapit na mall. Nang nandon na ako ay nagbayad na ako at bumaba na ng taxi.
Wow! Ang gaganda ng mga malls dito. Dapat pala kapag may time ako naglalalabas din ako sa condo. Subukan kong mag foodtrip sa susunod, hihi.
Pumasok ako sa mall at agad naman akong nakakita ng mga gamit na kailangam ko don.
Malapit na kasi ang pasukan kaya siguro ganto, makakakita ka kaagad ng mga gamit kahit nasa may bandang entrance ka palang ng mall.
Nagsimula na akong tumingin-tingin.
Kuha dito, kuha don.
Andaming magaganda. Parang gusto ko ulit bumili ng bag kaso masyado namang magastos kapag ganon. Nagtitipid pa naman ako. Haha.
Nang nakuha ko na lahat ang mga kailangan ko ay pumunta na ako sa cashier. Tignan mo nga naman, mukhang sini-swerte talaga ako ngayon ah! Wala kasing nakapila dun sa cashier. Ayos, maaga ako makakakain neto. Yipiee~
Pagkatapos kong magbayad ay kumain muna ako. Konti lang ang inorder kong pagkain dahil hindi pa naman ako ganon kagutom. Sa totoo lang, diet ako. Haha.
Kain, kain, kain.
Sharaaapp ng foods nila dito! Parang ayaw ko ng umalis, hehe. Pero di pwede yun, delikado na, baka mapasubo ako at mawalan na ng pamasahe pauwi. Nakakapagod naman kapag naglakad ako diba?
Bago ako umalis ng mall ay nagtititingin muna ako. Nadako ang paningin ko dun sa stall na nagtitinda ng cotton candy *yum yum yum* parang masarap kumain ng cotton candy ngayon ah! Makabili nga.
Habang papunta ako dun sa stall ay may nakabanggaan ako. Letse! Buti nalang at nakapag-balance pa ko kaya di ako natumba, galing ko noh? Haha!
"Mianhaeyo miss" sabi nung nakabangga sakin.
Weeyt! Alam ko yung boses na yun ah!
"T-taehyung??" Tanong ko habang tinitignan ng maigi ang mukha niya.
Kung hindi siguro siya nagsalita ay baka di ko siya nakilala, naka mask at cap kasi siya.