EunKook I

58 2 0
                                    

*Bighit Ent*

Eun Ha POV (8:27 p.m.)

Nasa harap ako ngayon ng BigHit.

Ang masasabi ko lang ay WOW.

Inilabas ko agad ang cellphone ko para makapag selfie. Pagdating ko mamaya sa Condo ko ipopost ko agad 'to sa FB. Huahua.

Gabi na kaya walang masyadong tao.

Kinuha ko ang cellphone ko at chinat si bebe Jungkook ko.

--

Jeon Jungkook POV

*BEEP BEEP*

Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan ang nagchat.

--
Jeon Eun Ha: Psst, labas ka. Hihi.

Ako: Wag mong sabihing nadyan ka sa labas!?

Siya: Nadale mo! Dalian mo na at giniginaw nako dito. Pagdala mo na rin akong jacket ha? Hihi. Byeee~
--

'Tong babae talaga na 'to! Aish.

Dali dali akong tumayo sa kama ko at kumuha ng cap and mask at isinuot ko iyon. Kumuha na rin ako ng dalawang jacket. Ang isa ay isinuot ko at ang isa ay dala dala ko.

Lumabas ako ng kwarto at nagmamadaling maglakad palabas nang nagsalita bigla si Suga Hyung. Nandito pa kasi sila sa sala. Nanonood ng movie, tinatamad akong manood kaya sa kwarto nalang ako nag stay kanina.

"Hoy Jungkook, san ka pupunta? Gabi na ah?" -Suga Hyung

"Dyan lang hyung, magpapahangin lang" sagot ko sakanya.

"Hoy Jungkook, wag kang magtatagal ah? Lagot ako kay PD nim pag nagkataon" -Namjoon Hyung

"Yes Hyung!" sagot ko at lumabas na sa dorm, mahirap na baka madaldalan pa ako nila hyung at di ko mapuntahan yung babaeng yun. Ano bang nakain nun? Gabing gabi na ah, baka may masamang mangyari sakanya ako pa may kasalanan. Tsk.

--

Eun Ha POV

Letse! Asan na yung lalaking yun!? Nilalamok nako dito ah! Pati mga lamok nai-inlab sa kagandahan ko. Nubayan, ganda ko talaga letse. Haha.

Weyt! Magbi-video muna ako, huehue.

Kinuha ko yung cellphone ko at iniharap sa akin yung camera. Ni-click ko yung video then ni-start ko na.

"HELLLOOOOOOO~" Sabi ko sabay ikot at with matching kaway pa. Syempre mabagal lang yun. Mahirap na baka makita ako ni Jungkook na nakatumba dito. Hehe.

Habang umiikot ako ay may nakita akong papalapit na guy mula sa likuran ko. Galing sa BigHit.

Weyt-- BigHit!? Di kaya...

Ni-end ko na ang Video at tumingin dun sa Guy na papalapit sa direksyon ko.

Jungkook!?

Weyt weyt! LETSE, IBA PARIN TALAGA PAG NAKITA MO YUNG ASAWA MO IN PERSON. NYETA! SI JUNGKOOK NGA! PALAPIT SAKIN!

Syempre inayos ko yung sarili ko. Nakamask ako para surprise. Haha.

"Oy, oh ayan Jacket mo." -Jungkook. Inabot niya sa akin yung black na Jacket.

Nyeta! Kilala nya ko! Kilala ako ng Asawa ko! Letse! Letse!

"Wag na wag kang magkakamaling sumigaw dyan kung ayaw mong pagkaguluhan ako dito." -Jungkook

Tinignan ko siya ng maigi. Baka kasi nananaginip lang ako, mahirap na.

"Bat ganyan mukha mo? Nakakatakot." -Jungkook

Nung nasigurado kong totoo nga at hindi panaginip 'to ay inalis ko na ang mask ko at ngumiti ng malapad sakanya.

Kung nakikita niyo lang yung mukha ni Jungkook ngayon. Matatawa talaga kayo. Eh pano ba naman nakatulala sakin. Nyeta, inlab na 'to.

"Tsk. Inlab ka na naman sakin. Sabi naman kasi sayo maganda ako eh. Haha" Sabi ko sakanya.

"Sino ka ba?" -Jungkook

"Ay so ganon? Di moko kilala? Ano yan? Pagkatapos mong makita ang maganda kong mukha nagka-amnesia ka? Iba talaga kagandahan ko.

"Wala kang pinagbago. Sa chat man or in person, kapal pa din." -Jungkook

"Okay lang yun! Asawa mo naman ako eh. Nukaba. Hihi" sabi ko na abot tenga ang ngiti sakanya.

"Tsk, nagde-daydream ka na naman." -Jungkook

"Bago moko laitin, upo muna tayo ah? Hindi mo alam ang pinagdaanan ko habang naghihintay ako dito. Kulang nalang pag-fiestahan na ako ng mga lamok" sabi ko at umupo sa malapit upuan dun.

"Sino ba kasing nagsabing pumunta ka dito? Tsk. Tska kala ko bang nilalamig ka? Isuot mo na yang Jacket." -Jungkook

"Yieee, concern ka na naman ah! Kaya mahal kita eh. Huehue" Sabi ko at tinusok-tusok siya sa tagiliran niya.

"Tsk. Sayang lang kasi yung effort ko na magdala ng jacket." -Jungkook

"Eeh, kahit na kinikilig pa din ako. Hihi." sabi ko at sumandal sa balikat niya. Narinig ko na nag 'Tsk' siya pero lakongpake. Pagkakataon ko na 'to. Haha.

"Kababaeng tao nana-nyantsing ka. Tch" -Jungkook

"Ganun talaga. Susulitin ko na, minsan lang 'to. Haha!" sabi ko sakanya.

Biglang naging tahimik ang atmosphere namin.

Biglang umihip ang malakas na hangin kaya umayos ako ng upo at isinuot na yung jacket na bigay niya. Inpeyrness! Ang bango. Hihi.

"Pati Jacket ko pinagnanasaan mo. Tsk." -Jungkook

"Lakangpake. Mabango eh. Amoy gwapo, huehue." sabi ko habang inaamoy yung Jacket.

"Gumagabi na ah? Wala kapang balak umuwi o balak mong makitulog pa sa dorm? Kapal mo nalang talaga kapag ganon." -Jungkook

"Makapal talaga ako eh. Tara tulog na tayo. Haha!" Sabi ko at tumayo na.

"Wait! Balak mo talagang matulog sa dorm? Puro lalaki kaya dun noh! -Jungkook. Tumayo na rin siya.

"Lakongpake, ikaw naman mahal ko eh. Tara na, dalian mo. Gusto ko ng matulog, pero kung di ako pwede dun, its alright lang naman. May respeto naman ako, mabait ako eh." Sabi ko sabay wink ko sakanya.

"Tsk, sige na nga. Mahirap na baka may masama pang mangyari sayo, ako pa may kasalanan pag nagkataon, tsk. May isa pa namang kwarto dun, dun ka nalang muna matulog."

"Ey, tabi nalang tayo. Chawrot. Hehe. Tara na. Malapit ng maubos dugo ko dito eh." sabi ko na ikinatawa niya.

Pumasok na kami sa entrance at pumunta sa isang elevator para mabilis kaming makapunta dun sa dorm.

Itutuloy...

Chatting My BiasWhere stories live. Discover now