Nagsimula sila sa pagkanta ng isa sa mga kanta na nasa kakalabas lang nila na album. Yung fake love, omy~ aym waiting beybeh. Haha! Aym waiting for Jungkook's abs. Huehue.
"FAKE LOVE!" Sigaw ko yan, wag kayong ano. Haha!
Omy! kitang kita ko sila dito, nasa harap lang kasi ako ng stage kaya malapit lang ako sa kanila.
Habang sumasabay akong mag-chant, tinitignan ko sila isa-isa. Nung nadako ang mga mata ko kay Jungkook, nakita kong nakatingin rin siya sa akin. Teka lang, bakit ang sama ng tingin sa akin ni Jungkook? ano na naman bang nagawa ko?
So dahil nga masama ang tingin niya sa akin, sinamaan ko din siya ng tingin. Tch, bahala siya dyan. Di ko siya papansinin mamaya, hmp!
Inirapan ko siya at tumingin nalang ako sa ibnag members, masasayang lang yung oras ko kapag nakipagtitigan pa ko sakanya. Ang sakit kaya sa mata lalo na sinusundan ko yung mga galaw niya. Nakakapgod yun nuh.
So nung dumating na yung part na hinihintay ko, napatili ako ng sobrang lakas. Omyy~
*_*
His precious six pack ABS. I'm dying.
Nang natapos ang scene na yon ay puno ako ng pagsisisi. Eh pano ba naman kasi hindi ko na-vediohan. Letse, kainis. Huhu.
Nang natapos na yung performance nila ay bigla silang pumunta sa gitna at biglang dumilim ang stage. Nakita kong dahan dahan silang bumaba habang nakatapak dun sa gitanang part ng stage.
Ay pak, may pa ganon. Bongga! Haha!
"Ang galing nilang sumayaw noh?" Napatingin ako sa nagsalita, si Bogum oppa pala.
"SUPPEEER!!" Sabi ko habang mataas ang energy.
Natawa naman siya ng bahagya dahil sa paraan ng pagsagot ko sakanya.
"Di ka naman masayadong hyper noh? haha!" Tanong niya sa akin habang nakatawa.
Habang wala pa sa stage ang mga asawa ko, nag-fanchant muna kami. Ang sarap lang sa feeling na sabay-sabay naming binabanggit ang mga pangalan ng mga lalaking nagpapasaya sa amin ngayon at nagbibigay ng inspirasyon sa araw-araw naming buhay.
Inilibot ko ang mga mata ko sa buong concert venue. Makikita mo talaga sa mga mukha ng mga ARMYs na masayang masaya sila, yung iba abot tenga ang mga ngiti at yung iba naman naiiyak na. Sino ba namang hindi maiiyak at matutuwa ng sobra kapag nakita nila yung mga Idols nila in person diba? Ako nga dito kanina ko pa pinipigilan ang iyak ko eh. Iyak na iyak na talag ako eh, huhu.
Natapos ang pag e-emo ko ng biglang lumiwanAg na naman ang stage. Omo! Andyan na sila!!
Tulad ng ginawa namin kanina, nag-chant muna kami bago magsimula yung kanta.
Habang nakikinig kami ng kanta, isinasabay namin ang mga army bomb namin sa bawat pagbigkas ng mga salita.
Sumasabay din ako sa pagkanta nila kapag alam ko yung lyrics. Lalo na kapag english, Haha!
Lumipas ang mga oras at maraming na silang nakanta. Halos lahat ng kinanta nila ngayon ay lahat yon mga bago. Sinayaw nila ang ilan sa mga kanta ng kakalabas lang nilang album, yung Love Yourself 'Tear'.
Natapos na din sila sa mga solo nila. Omy~ mas lalo akong nainlab sa kanila nang marinig ko silang isa-isang kumanta.
Nandito sila ngayon sa stage and guess what kung anong ginagawa nila? Bumubunot na sila dun sa box na pinaglagyan namin ng mga contact no. namin. Lahat kami dito ay tahimik at nag-aabang ng maswerteng matatawag.
Si Rapmon ang bumunot. At nung nakabunot na siya ay may iniabot na cellphone ang isa sa kanilang staffs. Kinuha yun ni Jhope at ibinigay kay Rapmon. Nang mahawakan na ni Rapmon yung phone ay ni-dial niya agad yung no. na nandun.
Walang umiimik sa amin ni isa. Itinapat ni Rapmon yung mic niya dun sa phone kaya rinig namin na nagri=ring yun. Ang tanga=tanga naman nung tinatawagan nila na yun, bakit hindi niya pa nakikita yung phone niya eh halos lahat ng ARMYs dito hawak yung mga phone nila.
Habang naghihintay ay bigla akong nagulat dahil biglang ni-tap ni Bogum hyung yung balikat ko kaya napatingin ako sakanya. Bigla niyang itinuro yung bag ko. Napatingin naman ako dun at nakita kong umiilaw, manipis lang kasi yung tela ng bag ko kaya makikitamo talaga kung may umiilaw dun.
Dali-dali kong binuksan yung bag ko at tinignan kung ano yung umiilaw dun. Nakita ko ang cellphone ko at may numerong tumatawag dun. Sinagot ko iyon.
"Ahm, hello?" Nagulat ako ng bigla kong narinig yung boses ko kaya napatingin ako dun sa stage at nakita kong nakatingin yung mga asawa ko banda dito sa gawi ko.
OMYYY.... Di kaya..
AKO YUNG LUCKY NA NATAWAG?!
Humarap ulit ako sa phone ko. Tapos harap ulit sakanila sabay turo sa sarili ko. Tumango naman sila at nagulat ako ng bigla akong pinuntahan nung isang staff at inalalayan akong umakyat ng stage.
Nagpahatak nalang ako dun sa staff, kasi naman hanggang nagyon para akong estatwa. Nadako naman yung tingin ko kay Bogum oppa at ayun, nakikita kong tinatawanan ako. Aba, loko yun ah! Pagtawanan daw ba ako? Pasalamat siya wala ako sa tabi niya ngayon eh! Psh.
Di naman nagtagal ang paghatak sa akin ni kuyang staff kaya nandun na agad ako sa stage.
Heto ako ngayon parang tangang nakatayo dito sa stage habang umiiyak yung ibang ARMYs dahil hindi sila ang natawag. Sorry na, hindi niyo kasi ninakaw yung phone ko eh, daming time kanina para madekwat niyo eh, ayan tuloy hindi kayo yung nandito sa sitwasyon ko.
Nandito ako sa gilid ng stage kasi naman hindi ako makalakad eh, parang nanigas ako, hindi dahil kinakabahan akong lumapit sa kanila. kinakabahan ako kasi ang daming tao, alam kong wala akong hiya pero, nakakahiya talaga eh hehe.
Nagulat ako ng nagtilian yung mga tao. Nyare sa kanila? Nagulat ako ng may humawak sa braso ko at hinatak ako papunta sa gitna ng stage, mas lalo tuloy akong nahiyo, leshee naman kasi ey.
Binigyan ako ng mic nung isang staff na lumapi sa akin.
"Anyeong haseyo!" Sabay-sabay silang sabi at yumuko.
"Anyeong haseyo" sabi ko at yumuko din sakanila.
Omyy~ Nakakahiya naman yung magwala ako dito sa stage right? Letse, di ko alam kung anong gagawin ko, what to do??
Napansin anman yata nila ako na hindi mapakali kaya nagsalita si Taehyung.
To be continued