Quin Leign Bernardino's Point of View
Habang nagsisitalon ako sa ibabaw ng mga bubong sa street na tinitirhan ko ay muling bumalik ang mga pinag-usapan ng mga Silvenia kanina sa dean's office kasama si Tiffania.
So kung hindi ako nagkakamali ay may hula sila na anak ni Alonzo si Tiffania sa labas at ang babaeng ina ni Tiffania na kapangalan niya din ay ang kabit ni Alonzo.
Kaya gustong ipa-blood test si Tiffania sa kaniya.
Ngunit agad din akong napaisip ng sinabi ni Ana sa amin kung sino talaga ang ama niya. Mabilis na lang akong napailing at binilisan ang pagtalon sa mga bubong ng mga bahay ng street namin at ng nasa bahay na ako ay mabilis akong bumaba sa harapan ng main door at binuksan iyon.
"Quin Leign!" Napalingon na lang ako sa living room ng tawagin ako ni Romeo kaya agad akong lumingon roon at pinuntahan sila nila Ana.
"Kamusta ang klase mo, anak?" Tanong ni Ana at ngumiti naman ako sa kaniya at hinalikan ang noo niya.
"Okay naman po, Ana. Romeo maari ba tayong mag-usap? Nang tayong dalawa lang" seryosong sambit ko at agad naman siyang tumango at sumunod sa akin.
Romeo Yllia, ang lalaking nakasama ko sa loob ng labing-anim na taon ng buhay ko rito sa mundo.
Ana, ang babaeng tumayo bilang ina ko.
Sila ang dalawang taong nakasama ko hanggang sa nagkaroon na ako ng kaalaman. Si Romeo din ang nagsabi sa akin kung sino ang tunay kong mga magulang at kung sino din talaga si Ana.
"Narinig ko ang pag-uusap ng mga Silvenia at si Tiffania. Sabihin mo nga sa akin, sino ba talaga ang kasama niya ng may nangyari?" Seryosong tanong ko at lumingon naman siya sa akin at bumuntong hininga.
"Buwan ng Enero iyon. Nasa lubong namin ni Ana ang mag-asawang Silvenia na papasok sa hotel na pagdadalhan ko kay Ana para makasama siya" panimula ng kwento niya kaya agad akong umupo at tumingin sa kaniya.
"Simula ng makita namin silang mag-asawa ay wala na siyang tigil sa pag-iiyak nung panahong iyon at palaging tinatawag ang pangalan ni Alonzo. At kahit na mahirap sa akin na tawagin ang lalaking iyon dahil mahal ko si Ana ay tinawag ko siya at pinapasok sa kwarto namin" sabi niya na kinakunot ng noo ko.
"Lumabas muna ako para bumili ng makakakain namin ni Ana at pagkaakyat ko muli roon ay nakita ko na si Eliza na nakatayo sa harapan ng kwarto namin. Gusto ko siyang lapitan ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong gumawa ng iskando roon" sabi niya at uminom muna ng tubig.
"Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto namin ng malayo na si Eliza ay bigla itong bumukas at lumabas si Alonzo na masama ang mukha. Hindi ko na lang ito pinansin at pumasok sa kwarto namin. Pagkapasok ko ay nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Ana pahiga sa kama at doon pinaghahalikan" sabi niya at agad naman akong nag-iwas ng tingin ng doon na sa parte na iyon ng istorya.
"Nung gabing iyon ay may nanguari sa amin at kinabukasan lang non ay umuwi na din kami dahil sa kagustuhan ni Ana at ng pauwi na kami noon ay nakasalubong ko si Eliza na iyak ng iyak. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na mali ang nakita o nasaksihan niya ngunit nakita ko na si Alonzo kaya bumalik muli ako kay Ana at tuluyang umalis na" pagtapos nito at doon ay lumapit ako sa akniya at tumabi.
"Ikwento mo ngayon sa akin ang nangyari nung panahong kinuha niyo ako sa kanila" seryosong sambit ko at napangisi naman siya at nagsindi ng sigarilyo.
"Nasa dugo mo talaga ang pagiging---"
"Ikwento mo!" Sigaw ko sa kaniya dahil kating-kati na ako na malaman ang totoo dahil hindi lang buhay ko ang nadamay dito kundi nila at siya!
![](https://img.wattpad.com/cover/147330762-288-k265399.jpg)
BINABASA MO ANG
The Silvenia's
Teen FictionMasaya, malaki at makapangyarihang pamilya ang mga Silvenia. Halos lahat na ng pwedeng katangian ng isang perpektong pamilya ay nasa kanila na. Ngunit, makalipas lamang ng labing-anim na taon ay muli bang mababalik ang masaya at masiglang pamilya ng...