Tiffania Williamson's Point of View
Napadilat na lang ang mga mata ko ng marinig ang malakas na tunog ng alarm ko kaya agad akong nag-unat at mabilis na inayos ang higaan ko.
Pagkaayos ko ng higaan ko ay agad akong dumeretso sa kusina upang maghanda ng almusal na kakainin ko.
Nakatira ako ngayon sa isang maliit na apartment na pwedeng pang-isang tao lang talaga.
Magshe-share na ba ako ng mga maikling kwento ng buhay ko? Okay sige simulan na natin.
Wala na akong pamilya. I mean, wala na akong nanay, tatay o kahit lolo't lola ay wala na. Ewan ko pero nagkaroon na lang ako ng isip ng nasa bahay ampunan ako at ang kwento pa ng mga madre na nakasama ko doon ay nakita na lang daw ako na nakahiga sa dulong bahagi ng Death Forest.
Hindi ko nga ba alam kung bakit ganito ang naging buhay ko pero pinagsasalamatan ko pa rin na naging maayos na ngayon ang lagay ko at may sapat na pera na pangpaaral sa isang sikat at malaking eskwelahan dito sa Clarkson.
Pagkasinangag ko ng kanin kagabi ay nagprito agad ako ng hotdog na hinati ko pa at itlog. Pagkaluto ko dun ay nagtimpla naman ako ng hot chocolate which is yung cocoa na bigay sa akin nila Mang Bagang at Aling Postiso.
Mabilis akong kumain at naghanda ng aking sarili at nagsoot ng isang white long sleeve blouse at black pants. Kapag kasi freshman ka ay mga two weeks before bago ibigay sa amin ang mga uniform.
Pagkahanda ko ng sarili ay agad akong lumabas ng apartment at sinara iyon.
"Papasok ka na ba, Tintin?" Napalingon na lang ako ng makita si Mang Bagang na naglilinis sa harap ng unit nila.
"Mang Bagang, Tiffania nga po kasi yun" sabi ko sabay kamot ng batok ko.
"Ahh Tintin ba? O sige" sabi niya sabay ngiti ng malaki at nakita ko na lang ang bagang niya na walang ngipin. Napailing na lang ako.
"Opo, papasok na po ako. Si Aling Postiso po?" Tanong ko at ngumuso naman siya sa ibaba ng floor namin kaya agad akong tumingin sa baba at nakita ko nga si Aling Postiso na nagsasampay ng mga linabhan niya ng nakaraang gabi.
"Sige ho, aalis na po ako" sabi ko at mabilis na kumaway sa kanila at mabilis na sumakay sa bike ko.
Pagkasakay ko ng bike ay agad akong lumabas ng street namin at saktong sumalubong sa akin ang isang truck kaya agad akong humawak sa dulo ng sasakyan upang tayangin ako ng truck.
Nang makita ko na ang eskwelahan ay agad akong bumitaw at lumiko papunta sa harapan ng eskwelahan.
Pagkapunta ko doon ay halos mapanganga na lang ako sa laki ng eskwelahan. Halos tingalain ko ang buong eskwelahan at ng linibot ko ang buong paligid ng eskwelahan ay halos mapalunok ako ng makita kung gaanong kadami ang mga nakaparadang mga magagarang sasakyan ang nandito at ang mga istudyante na halata na galing sa mga mayayamang pamilya.
Napailing na lang ako at pumasok sa loob at ng nakapasok ako ay muli akong napanganga ng makita ang loob nito. Kitang-kita mo ang H3 o ang tinatawag nilang High 3 na mga building! May tatlong malalaking building na mayroong mga sampung palapag.
At kung sa labas ay may maraming mga nakaparadang mga sasakyan ay mas doble dito ganun din ang mga istudyante.
Agad akong naghanap ng mauupuan dahil maaga pa naman at meron pa akong 30 minutes bago magsimula ang klase.
Nang makahanap ako ay agad akong pumunta sa isang bench na may lilim ng puno sa tabi nuon. Pagkaupo ko ay agad kong pinatong ang bag ko sa lamesa at kinuha ang mga libro na binili ko para sa tulong ng pag-aaral ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/147330762-288-k265399.jpg)
BINABASA MO ANG
The Silvenia's
Teen FictionMasaya, malaki at makapangyarihang pamilya ang mga Silvenia. Halos lahat na ng pwedeng katangian ng isang perpektong pamilya ay nasa kanila na. Ngunit, makalipas lamang ng labing-anim na taon ay muli bang mababalik ang masaya at masiglang pamilya ng...