Charlse Pendleton's Point of View
Pauwi na ngayon kami ni Gale at ihahatid ko na siya sa bahay nila. Napangiti na lang ako ng naalala ang masayang dinner namin ng buong pamilya at mas naging mas masaya iyon dahil kasama namin si Gale.
Masayang-masaya para sa akin ang araw na ito dahil tanggap ng pamilya ko si Gale lalo na si Clarense na hula niya daw talaga ay magkakagusto ako kay Gale.
Sa lahat ng sinabi ko sa kaniya ay totoo iyon. Alam ko na 'gusto' ko pa lang siya at hindi pa talaga totally na 'mahal' pero pakiramdam ko ay mapupunta pa rin doon ang nararamdaman ko kaya agad na akong nagtanong sa kaniya kung pwedeng manligaw.
Hindi ko alam pero sabi ng isip ko na gusto ko pa lang siya pero iba naman ang sinasabi ng puso ko dahil sinasabi nito na mahal ko na siya. Pero mas pinakinggan ko ang isip ko muna ngayon dahil gusto ko ay kapag naging kami na ay mahal na mahal ko na siya kapag dumating ang araw na iyon.
Yung binigay ko namang bracelet sa kaniya ay para talaga sa amin iyon. Kahit na matagal na iyon na nakatabi sa kwarto ko at sinabi ko pa rito na ibibigay ko lang ang bracelet na iyon sa taong mapapangasawa ko ay iniba ko na dahil ibibigay ko ang bagay na iyon sa taong magiging buhay ko.
Napangiti na lang muli ako at lumingon kay Gale na natutulog na sa tabi ko at nakakatawang nakasandal pa siya sa balikat ko.
The story of my life I take her home
I drive all night to keep her warm and time
Is frozen (the story of, the story of)Napangiti na lang ako sa kanta at agad na pinarada ang sasakyan ko sa harap ng apartment niya at sandali naman akong tumitig sa kaniya habang natutulog.
The story of my life I give her hope
I spend her love until she's broke inside
The story of my life (the story of, the story of)Tinanggal ko ang mga hibla ng buhok niya sa mukha at inayos siya sa pagkakaupo. Ngayon ay nakasandal na siya sa sasakyan ko kaya mapapatitig na lang ako ng maayos sa mukha niya.
Hindi ko talaga itatanggi na napakaganda niya. At napakaingay din. Pero kapag kasama ko siya ay bigla na lang siyang natatameme at dahil iyon sa akin. Napakalakas talaga ng tama ng babaeng ito sa akin.
Agad akong lumabas ng sasakyan at dahan-dahan ko siyang binuhat na pa-bridal style at agad naman siyang humarap sa akin at mas siniksik ang katawan niya kaya napangiti na lang ako.
Pagkaakyat namin sa apartment niya ay dahan-dahan ko siyang linapag sa kama niya at agad na kinumutan.
Hinalikan ko ang noo niya at muling pinagmasdan siya at napangiti muli.
"I love you, Gale" pero natatakot kong sabihin ito sa iyo dahil natatakot akong harapin ang susunod na araw na kung kailan na minahal kita ay tsaka naman ako mawawala.
K I N A B U K A S A N
Noimie Miles' Point of View
Ito na talaga mga teh gurl! Papasok na ako sa pinakasikat na iskwelahan dito sa Marchessa! Ang University of Marchessa! Nako lang ha? Grabe ang cute kong kapitbabay ay masyadong napaka-snob! I tried my best to be a friendly here, ya know? Psh.
Ay wait lang mga teh! Did you remember me? I'm the cute and funny girl na kapitbahay ni ate gurl na binibisita ata ng isang napakagwapong kyah!
You right, mga teh gurl! I'm the girl who have a baby blue hair!
May I introduce myself? Hi mga teh gurl! My name is Noimie Miles! Yeah, like Miles lang talaga! Hahaha! And since na may color ang hair ko ay anak ako ng isa sa mga stockholders sa school!
BINABASA MO ANG
The Silvenia's
Teen FictionMasaya, malaki at makapangyarihang pamilya ang mga Silvenia. Halos lahat na ng pwedeng katangian ng isang perpektong pamilya ay nasa kanila na. Ngunit, makalipas lamang ng labing-anim na taon ay muli bang mababalik ang masaya at masiglang pamilya ng...