Casandra Easthwood's Point of View
After the show... is agad na akong tumakbo sa backstage para tingnan ang mga napakagwapo at magaganda kong mga models! At hindi na ako nagulat kung lahat sila mga basa dahil sinunod naman nila ang sinabi ko na gumawa ng sariling eksena at sa lahat na eksena na napanood ko kanina ay sila Quin, Tiff at Gale ako naloka!
Grabe lang ha? Anong eksena ang meron sa kanilang anim?
Si Quin at si Xander ay may pag-iilangan na nagaganap sa kanila. Si Tiff at Darious naman ay may panlalayo na nagaganap sa kanila at may pakiss pa sila sa ilalim ng pool? Ang cool lang ha?
At ito ang mas malala! Kila Gale at Charlse! Bakit ganun ang nangyari kanina? Pagkasalubong nilang dalawa ay nagulat na lang ako sa walang emosyong mukha ni Charlse, bakas sa mukha ni Gale na nalilito siya sa nobyo niya pero narinig ko kanina na tinanong ni Gale si Charlse pero hindi naman siya sumagot.
Hindi ako nagulat sa pahalik nila sabay bagsak sa tubig kasi nagulat ako ng iwan ni Charlse si Gale sa pool.
Oh my girls, anong nangyari sa mga relationship niyo with the boys?
Kanina naman habang kinakausap ko si Charlse ay okay pa naman siya... diba? Napakamot na lang ako ng ulo ko at ng nasa backstage na ako ay sinalubong agad ako nila Daniela at Noimie na ngayon ay soot na nila ang pangalawang damit na dinesign ko para sa party.
Ang mga beautiful bikini nila. Si Noimie ay nakasoot ng blue with black stripes bikini na bagay sa asul niyang buhok habang si Daniela naman ay plane brown bikini.
Hindi totally na pangbikini ang pang-ibaba nila dahil short lang iyon na sapat na para takpan ang butt nila. Ayoko na may bosohan na magaganap sa party kaya ganyan ang dinesign ko.
"Cass! OMG! Thank you talaga! Your so awesome! Ang ganda ng mga dress namin! At lalo na itong soot namin!" Sabi ni Noimie habang mahigpit akong yinakap kaya ngumiti naman ako bilang sagot.
"Thanks, Cass. Your a profesional designer talaga. Bagay lang ang award na natanggap mo" sabi naman ni Daniela at napakamot na lang ako ng noo ko dahil nahihiya ako na makarinig ng mga papapuri sa akin.
"Salamat and by the way, nasan ang partner niyo?" Tanong ko at sabay naman silang ngumiwi at tinuro ang pool and ayun! Tanaw ko sila na pinapaligiran ng mga babae.
Mga pakboy amputek!
"Sige na, mag-enjoy na kayo sa party" sabi ko at napangiti na lang sila.
"Eh ano pa nga ba? Let's go!" Sabi ni Daniela at mabilis na hinila si Noimie papunta sa bar area. By the way, hindi talaga totally bar yun dahil mga fruit wine lang naman ang nandun.
Teka, sino nga ba ang hinahanap ko? Oh! Sila Gale nga pala!
Quin Leign's Point of View
Kung tinatanong niyo kung nasaan ako ay nandito ako ngayon sa rooftop ng building at kaharap non ay ang pool area kung saan madaming mga istudyante na nagkakasayahan habang ako ay nandito at mag-isa na umiinom ng harddrinks na itinago ko pa sa bag ko.
Nakasoot ako ngayon ng black na pangbikini na bra habang ang pang-ibaba ko naman ay short. Pero dahil sa ayaw kong may makakita ng balat ko ay nagsoot ako ng black na jacket na hindi ko zinipper.
Ang init kaya!
"Drinking alone?" Hindi na ako lumingon kung sino ang nagsalita dahil pabamgo niya pa lang ay alam ko na. Si Xander.
BINABASA MO ANG
The Silvenia's
Teen FictionMasaya, malaki at makapangyarihang pamilya ang mga Silvenia. Halos lahat na ng pwedeng katangian ng isang perpektong pamilya ay nasa kanila na. Ngunit, makalipas lamang ng labing-anim na taon ay muli bang mababalik ang masaya at masiglang pamilya ng...