Tiffania Williamson's Point of View
Pagkatapos ng klase ay mabilis na akong nakipagpaalam kay Gale at Quin dahil sasabay ako sa mga Silvenia para magpablood test.
Pagkababa ko sa bench ay napabuntong hininga na lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko naman siguro talaga tunay na ama si Mr. Alonzo diba? Kasi alam niyo yung lukso ng dugo? Wala naman akong nararamdaman ng ganun nung unang beses ko siyang nakita.
"Hey" napalingon na lang ako sa gilid ko ng makita si Darious na tumabi sa akin kaya ngumiti naman ako bilang sagot.
"Sino hinihintay mo?" Tanong niya.
"Yung mga Silvenia" sagot ko na kinakunot ng noo niya.
"Ha? Bakit? Sabay ba kayo uuwi?" Tanong niya at napatawa na lang ako at umiling.
"Hindi, may gagawin lang kami" sagot ko at tumango naman siya bilang sagot.
"Yung about sa SBF? Sure ka na okay lang talaga sayo na sumali ka?" Tanong niya at ngumiti naman ako bilang sagot at humarap sa kaniya.
"Oo nga, si Gale na din naman daw na ang bahala kaya hindi na ako mag-aalala" sagot ko at tumango-tango naman siya.
Magsasalita na sana siya ng makita ko na palabas na ang mga Silvenia kaya agad akong tumayo at mabilis na nagpaalam kay Darious at lumapit sa kanila.
Pagkalapit ko sa mga Silvenia ay agad akong sumakay sa sasakyan ni Erza. Pinaupo niya ako sa passenger seat habang siya naman ang magda-drive.
At habang nagda-drive kami ay parang sumisikip ang paghinga ko dahil halos nakakamatay ang atmosphere dito sa loob! Seryosong nahdadrive si Erza.
Nangunguna sa pagmamaneho ang sasakyan nila Ezikiel at Ezrael at sinundan naman ng sasakyan ni Erza at ang nasa likuran naman ang mga sasakyan nila Athena at Audrey.
Pagkapunta namin sa Clarkson General Hospital ay agad kaming bumaba at sumalubong naman sa amin ang ibang miyembro ng pamilyang Silvenia na sila Chairman at Madam Silvenia, Dean Silvenia at sila Mr. and Mrs. Silvenia na katulad ng mga apo o anak nila ay mga seryoso.
Agad kaming pumasok at mabilis naman kaming pinalibutan ng mga tauhan nila na kinailang ko kasi mukha akong bilanggo sa dating namin dahil pinanggigitnaan nila ako!
Pagkaakyat namin sa third floor ay may isang doktor na sumalubong sa amin at sa tingin ko ay isa itong Koryano dahil sa taglay niyang kamistiso at singkit na mata.
"Goodmorning, Silvenia's and Ms. Williamson" bati nito sa amin na kinakunot ng noo ko dahil hindi ko naman siya kakilala kahit na ang bahay ko lang ay ang kaharap nitong ospital.
"Goodmorning, so can we start now?" Tanong ni Mr. Alonzo at mabilis namang ngumiti ang doktor at sumenyas sa amin na sumunod.
Naiwan naman ang mga anak niya ganun din ang mga matatanda habang si Mrs. Eliza naman ay sumama sa loob.
Umupo kami sa harapan ng desk niya at kinuhanan ng dugo para sa blood examination. Within 20 minutes daw ay malalaman na ang result at napahanga na lang ako doon dahil ang ibang nagpapablood test ay umaabot pa ng ilang weeks bago malaman ang result.
Siguro dahil private doctor nila ang doktor na kumuha sa amin.
Mamaya-maya pa ay pumasok muli ang doktor at may hawak na itong papel.
"Mr. and Mrs. Silvenia, based on our examination is this is the result for the blood test you've request and don't worry because we already double check it" sabi ng doktor at inabot sa mag-asawa ang papel at halos nanlaki na lang ang mata nila at sabay na lumingon sa akin.
BINABASA MO ANG
The Silvenia's
Novela JuvenilMasaya, malaki at makapangyarihang pamilya ang mga Silvenia. Halos lahat na ng pwedeng katangian ng isang perpektong pamilya ay nasa kanila na. Ngunit, makalipas lamang ng labing-anim na taon ay muli bang mababalik ang masaya at masiglang pamilya ng...