>>> Pendleton's Residence <<<
Charlse Pendleton's Point of View
Nasa hapagkainan kami ngayong magpapamilya at kasalukuyang kumakain ng agahan namin. Tahimik lang kami at tanging mga tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig niyo.
Ganito naman kasi talaga ang agahan namin lalong-lalo na si mom na halos wala namang pakialam sa mga anak niya. Tss.
"Clarense and Charlse, how's your first day of school?" Napalingon na lang kaming magkakapatid kay Chairman.
"Good" sabay na sagot namin at tumango naman ang matanda. Nang nakatapos na kaming kumain ay agad kaming tumayo at mabilis na nagpaalam.
Pagkalabas namin ng mansion ay saglit akong napahinto sa paglalakad at napalingon na lang kay Clarense na nakakunot ang noo.
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang may isang taong lalapit sa akin at...
"What's the matter, Charlse? May nakalimutan ka ba?" Tanong nito at nagkibit balikat lang ako at napapailing habang papunta sa kotse ko.
"Pakiramdam ko may magaganap na kahihiyan sa akin mamaya" sagot ko na lalong nangunot ang noo nito.
"Hayaan na lang natin" sabi ko at nagkibit balikat. Mabilis kaming sumakay at nagbusina para ipaalam na aalis na kami papuntang iskwelahan.
Pagkapunta namin sa harap ng UM ay saktong kakarating lang din ang sasakyan ng mga apo ng Silvenia, Lavreign at Watson.
Pagkaparada namin ay nangunot na lang ang noo ko na mabilis dinugso ang sasakyan ko kaya ngayon ay pinapaligiran na ako ng mga istudyante.
What the hell is going on?
Lalong nangunot ang noo ko ng biglang may nagstrum ng gitara kasabay ng pagtili ng mga istudyante kaya agad akong lumingon kung nasaan galing ito at halos magkasalubong na ang kilay ko ng makita si Jackson na deretsong at seryosong nakatingin sa akin habang iniistrum ang gitara niya.
"It's turning out just another day"
Nanlaki na lang ang mata ko sa narinig kong kakantahin niya. Seriously, Jackson? Dying Inside? Psh.
"I took a shower and I went on my way
I stopped there as usual
Had a coffee and pie
When I turned to leave
I couldn't believe my eyes"Napangisi na lang ako at sumandal sa sasakyan ko habang deretsong nakatitig sa kaniya dahilan para mamula siya at yumuko at muling tumingin sa akin na wala na ang pamumula ng mukha.
Mahirap pigilan ang kilig, Jackson.
"S-Standing there I didn't know what to say
Without one touch we stood there face to face"Palihim na lang akong namangha dahil may angkin pala siyang kagandahan ng boses.
"And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside, I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you"
BINABASA MO ANG
The Silvenia's
JugendliteraturMasaya, malaki at makapangyarihang pamilya ang mga Silvenia. Halos lahat na ng pwedeng katangian ng isang perpektong pamilya ay nasa kanila na. Ngunit, makalipas lamang ng labing-anim na taon ay muli bang mababalik ang masaya at masiglang pamilya ng...