Tiffania Williamson's Point of View
Napaupo na lang ako sa bench dito mismo sa bench namin at napasandal na lang kay Darious dahil sa pagod na nararamdaman ko.
Hindi naman ako tumatakbo bilang kasapi sa SSG Council at hanggang taga-support lang kami ni Quin. Maliban na lang pala sa kanila ni Xander dahil sila ang taga-beat! But watdahek lang? Bakit sila magkasama?
"Water?" Alok niya at inabot ko naman ito at ininom.
Kung curious kayo kung bakit kami magkasama ni Darious ay dahil gaganap na ako bilang fiancé niya at feeling ko ay nasasayahan ako sa acting na ito.
Ewan ko ba, naging sweet siya sa akin at naging mas naging close na din kami. Sabay pa nga kaming pumasok kanina at nagshare na din kami ng mga buhay namin para you know? Kapag nagtanong ang dad niya ay masasagot ko o masasagot niya.
Masayang-masaya naman sila Quin at Gale at sila Gale at Charlse naman ay nagkakaligawan na. Tss. Yung kila Quin at Xander naman ay ahm ewan ko? Kasi halos ang sama ng mukha ni Quin kapag kinakausap siya ni Xander. Siguro dahil ayaw niya na may nakadikit na lalaki sa kaniya, I guess?
Napalingon naman ako kila Quin at Xander at napangiti na lang ako sa kanila. Kasi hinihilot ni Xander ang kamay ni Quin habang si Quin naman ay nakapayong ang ulo sa sandalan ng bench.
Bagay talaga sila...
Napalingon naman ako kila Gale at Charlse at halos kiligin naman ako sa scenario nila dahil nakayakap si Gale sa bewang ni Charlse habang nakapatong ang baba niya sa balikat nito habang si Charlse naman ay nakayukong nakatingin sa liniligawan niya at napalingon na lang ako sa mga kamay nila na may couple bracelet pa ata sila? OMG lang!
"Naiinggit ka sa kanila?" Napalingon na lang ako kay Darious na tulad ko ay nakatingin din siya kila Gale at Charlse.
"Nope, I'm just happy for them" sagot ko at tumango naman siya at linapit ang mukha niya sa akin.
"Do you want to make this real? Bulong niya na kinakunot ng noo ko.
"Ha? What do---"
"I want this scene to be real, Tiffania" seryosong sambit niya na kinatulala ko sa kaniya.
"Can we?" Tanong niya at hindi ko na namalayan na napatango na lang ako at ngumiti naman siya sa akin at nagulat na lang ako ng yakapin niya ang bewang ko at sinuksok ang mukha niya sa leeg ko.
Halos magsitaasan ang balahibo ko ng maramdaman ang mainit niyang hininga roon! At hindi ko alam pero parang kinikiliti ang tiyan ko roon!
OMG lang! Ano ito?!
"Thank you, Tiffania" bulong niya at hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa sinabi niya.
Hindi naman masama ang sumubok na magmahal hindi ba?
Napangiti na lang ako at yinakap siya pabalik.
"Wow, love is in the air nga talaga!" Napalingon na lang kaming lahat sa isang babae na blood ang buhok at ngumiti sa amin.
"Nako mga teh at kyah ha? Tapos na ang buwan ng Pebrero pero kung---"
"Shut up ka nga diyan, Cass. Ahm guys siya pala si Casandra Easthwood, siya yung friend kong magiging fashion designer natin para bukas sa SBF" Sabi ni Gale at napatango naman kaming lima sa kaniya.
"Nice to meet you guys!" Bati niya at ngumiti naman kami ni Quin bilang sagot habang ang mga lalaki naman ay tumango.
"So ayun na nga, pumunta na lang kayo sa shop ko okay? Para masukatan ko na kayo" sabi niya at tumango naman kami.
BINABASA MO ANG
The Silvenia's
Teen FictionMasaya, malaki at makapangyarihang pamilya ang mga Silvenia. Halos lahat na ng pwedeng katangian ng isang perpektong pamilya ay nasa kanila na. Ngunit, makalipas lamang ng labing-anim na taon ay muli bang mababalik ang masaya at masiglang pamilya ng...