Tiffania Williamson's Point of View
Pagkauwi ko sa bahay ay sandali pa akong nahiga sa kama ko at napatulala sa kisame.
Grabe ang taon na ito sa akin, mas may lalala pa ba ito? Kasi tingnan niyo naman.
Una, yung mga nangyari sa akin kasama ang mga apo ng mga Silvenia at pangalawa ang pag-uusap naman namin ng mga matatanda sa pamilyang Silvenia din!
Juice ko lang! Nakakonekta ba talaga ako sa pamilyang iyon? Napabuntong hininga na lang ako at tatakipin ko na sana ang mukha ko ng unan ng may kumatok sa apartment ko kaya agad akong napabangon at takang napalingon sa pinto.
Agad akong tumayo at inayos muna ang sarili ko bago buksan ang pinto at halos nanlaki na lang ang mata ko ng makita si Darious na nakatayo!
"Hi?" Bati niya at magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan sa harapan ko at isang kulay blue na buhok ng babae ang bumungad sa amin.
"Oh! Hi my beautiful kapitbahay! I'm Noimie Miles! Kakalipat ko lang kaninang umaga! Hehe hi!" Bati niya at tinitigan ko lang siya para hanapin ang pake ko at ng wala naman doon ay humarap muli ako kay Darious na tulad ko ay nagtatakang nakatingin sa babae.
"Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman ang bahay ko?" Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang humarap sa akin at tinulak ako papasok at pagkapasok ko ay agad niyang sinara ang pinto.
Kunot-noo ko naman siyang pinapanood habang siya naman ay linilibot ang buong bahay ko!
"Hoy! Ano bang ginagawa mo---"
"Tinitingnan ko lang ang bahay ng mapapangawa ko" paputol niya sa akin dahilan upang mangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano?!" Tanong ko at napabuntong hininga naman siya at lumapit sa akin kaya dahan-dahan naman akong umatras at ng mapasandal na ako sa pader ay nanlaki na lang ang mata ko ng cornerin niya ako gamit ang braso niya!
"Pwede bang dito muna ako matulog? Ngayong gabi lang. Ayoko munang umuwi sa bahay" sabi niya sa akin dahilan upang mapatitig ako sa kaniya.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong ko at bumuntong hininga naman siya at lumayo sa akin at umupo sa mahabang upuan na kahoy sa bahay.
"Nagplano si dad ng isang arrange married sa isang business partner niya para lang mas lumaki ang pondo ng kumpanya namin at ang kamalas-malasan pa ay ako ang pinili niya at ipapakasal sa anak na babae ng business partner niya" sagot niya at lalong nangunot ang noo ko at lumapit sa kaniya.
"Ayokong magpakasal sa isang babae na hindi ko naman kilala o mahal kaya sinabi ko kay dad na ayokong magpakasal pero mapilit siya at sinabi na kung ayaw ko daw magpakasal sa anak ng business partner niya ay humanap ako ng isang babae na pwede para lang maipasa sa kaniya ang yaman" patuloy niya at hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan.
"At nag-isip ako ng malalim para malaman kung sino ang babaeng iyon at ngayon ay nakapili na ako" patuloy niya at hindi ko alam pero bumilis na lang ang tibok ng puso ko ng tumingin siya sa akin ng seryoso ang mukha.
"At ikaw ang napili ko" pagtapos niya at mabilis ko naman siyang sinampal ng malakas sa sobrang gulat at inis ko.
"Sira ka ba?! Ako? Bakit ako?! Hoy Darious, sabihin ko lang sayo na hindi porket at magkakilala tayo ay pwede mo na akong papasukin sa gulo mo! Na-ah! Hindi ako papayag kaya---"
"Please lang, Tiffania. Kahit umarte ka na lang na fiancé ko ay okay na yun basta makumbinsi lang natin si dad" paputol niya sa akin at napatulala na lang ako at napahawak sa noo ko.
BINABASA MO ANG
The Silvenia's
Novela JuvenilMasaya, malaki at makapangyarihang pamilya ang mga Silvenia. Halos lahat na ng pwedeng katangian ng isang perpektong pamilya ay nasa kanila na. Ngunit, makalipas lamang ng labing-anim na taon ay muli bang mababalik ang masaya at masiglang pamilya ng...