Chapter 4

10 0 0
                                        

Gale Jacson's Point of View

   Nandito na ang sunod na lecturer namin pero hindi pa din bumabalik si Tiff! Mygod ah! Kinakabahan na ako sa frenny ko!

   Napalingon na lang ako kay Darious na panay lingon sa pintuan at hula ko ay hinihintay niya din si Tiff! Mygod lang talaga! I smell something fishy dito ah?

   "Okay class, I will announce to you that who will be your partner this whole semester project" sabi ng prof namin at agad namang nanahimik ang buong room.

   "Pendleton, Charlse and Jackson, Gale" pagkasabi na pagkasabi ng prof nun ay halos mapatili ako at mabilis ko namang tinakpan ang bibig ko na mabilis na tumingin sa akin ang prof.

   "M-May ipis po kasi akong nakitang lumipad sa l-labas" sabi ko sabay turo sa bintana at muli namang nagpatuloy ang prof namin.

   "Bernardino, Quin Leign and Lavreign, Xander" napalingon naman agad ako kay Quin Leign at nakita ko naman siyang bumuntong hininga.

   Oo nga pala, ayaw niyang makipag-usap sa mga ibang tao dito kundi kami lang ni Tiff.

   "Trech, Darious and Williamson, Tiffania" napalingon naman ako sa pinto na nigla itong bumukas at nanlaki na lang ang mata ko na makita ang longsleeve niya sa kanan ay may dugo!

   "OMG! Tiff!" Sabi ko at agad na lumapit pero natigilan na lang ako ng tinaas niya ang kamay niya kaya napabalik na lang ako muli sa upuan ko.

   "Ms. Williamson, are you alright? Anong nangyari sa braso mo?" Tanong ng prof at nagkibit-balikat lang si Tiff na kinatigil ko.

   Si Tiff ba ito? Bakit ganyan siya kung kumilos? Dahil ba ito sa---

   Nanlaki na lang ang mata ko sa agad kong naisip at mabilis na iniling ang ulo ko. Hindi pwede ganyan ang isipin mo, Gale, sa mga apo ng mga Silvenia okay? Hindi pwede!

   "Okay let's back. Watson, Daniela and..."

   Nagtuloy-tuloy na ang klase ngunit wala akong masyadong naintindihan o halos wala talaga akong maintindihan sa nangyari dahil nakatuon lang ako kay Tiff na ngayon ay seryoso at walang emosyong nakatingin sa harap.

   Like OMFG lang talaga! Ano ito? May Quin Leign Bernardino version 2 na? Hala siya! Kailangan may Gale Jacson version 2 din noh!

   Nang tumunog na ang bell hudyat na uwian na ay agad akong tumayo at lalapit na sana kay Tiff ng may humawak sa braso ko.

   At halos nanlaki an lang ang mata ko kasabay ng pagpula ng buong mukha ko kung sino ang humawak sa braso ko.

   Woi, Gale! Bumalik ka sa katawang lupa mo! Hawak lang yan okay? Hawak lang!

   Oo nga, hawak nga lang pero taena pa rin! Si Charlse Ezkael Louie Pendleton pa rin ang nasa harapan mo! OMG lang! Kyahhhh!

   Bago pa man tuluyang magwala ang katawang lupa ko ay agad akong umayos ng tayo at inayos ang pink kong buhok at ngumiti sa kaniya ng napakatamis!

   "Ahm h-hey" sabi ko at halos gusto ko ng kotongan ang sarili ko dahil sa pagkautal at pagkabebe ng boses ko! Mygod, Gale! Nasan na ang kapal ng mukha mo!

   "Hey. Yung about sa project natin. When did you want to start and where?" Seryosong sambit niya and I can't help myself to stare to his oh-so-hot-Adam's-apple.

   "Ahh ano ahm i-it's up to you kung kelan mo gusto basta ako ay gora lang hehe" sabi ko at tumango naman siya sa akin bilang sagot.

   "Okay then, tomorrow after class I'll pick you up" sabi niya na kinalaki ng mata ko!

The Silvenia'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon